Chapter 17

26 3 1
                                    

Chapter 17

"Huy, baka matunaw ako." biro niya sa akin, agad kong inalis ang tingin sa kaniya.

Agad na nagwala ang puso ko sa sinabi niya, kanina pa ako nakatingin sa kaniya. I can't help to stare at him, naaalala ko pa ang sinabi niya noong isang linggo sa pinsan niya.

Nasa library kami at sabay na nag-aaral para sa exam, para sa midterm. I don't know but this kind of.. well it can be a date so, this kind of date is very ideal for me. Sa iisang lamesa, parehong nagbabasa ng books and notes, kahit na hindi nag-uusap. I find it romantic.

"Feelingero ka rin noh?" I said like I'm irritated, tumawa lang siya.

"Naiinlove ka na sakin noh?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

After kong marinig ang sinabi niya sa pinsan, parang may kakaiba akong na feel bukod sa guilty. May something sa kaniya na hindi ko maintindihan, bigla akong naging conscious lalo na pag nakatingin siya sa akin o hinahawakan ako. Bigla bigla nalang ako kinakabahan.

Mas napadalas pa ang kabang iyon sa mga sumunod na araw, halos kaming dalawa lang lagi ang sabay kumain lalo na sa gabi. Minsan ay sa apartment namin o sa apartment niya, mas napadalas pa kasi na laging wala si Brianna.

"Lawak ng ngiti mo ahh? Inlove ka noh? Gusto mo na? Mahal mo na?" agad na napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Briana.

Pinigilan ko ang ngiti at tinignan siya. Ka text ko si Bryan, na encode na ang iba naming grades kaya nakita  agad naming dalawa. Masaya ako dahil pareho kaming pasado at dahil doon ay magdedate kami bukas.

Iniisip ko kung ano ang susuotin ko. Dress? Skirt? Pants? I'm excited to see him even if we're just together the whole day.

"Wag ka nga dyan. Hindi naman ehh." pagtanggi ko at muling tumingin sa cellphone.

Bryan:
I love you
Where do you want us to go tomorrow?

Muli akong napangiti at nag isip kung saan kami pwedeng pumunta. Ngayon niya lang ako tinanong, madalas ay nakaplano na agad siya.

Ako:
Hmm, intramuros

"Inlove ka noh? Mahal mo na?" halos mapatalon ako sa sinabi ni Brianna, lalo pa at nasa likod ko na siya. Nakikitingin sa cellphone ko.

Mabilis ko iyong itinago sa kaniya.

"Hindi ahh. Tsaka pano mo naman nasabi?"

"I know you, couz." she said and sit beside mo.

Bigla akong napatingin sa baba na tila ba guilty sa sinasabi niya.

Yeah, she really know me well.

"Saksi ako kung paano mo nagustuhan si Jayvee at hindi ako makapaniwalang ngayon ay ganoon ulit. I saw how comfortable you are everytime you're with him. You trust him very well, nakakaligo ka nga dito kahit siya lang ang kasama mo at kayo lang dalawa. Nakakakain ka kasama siya kahit gabi na dito sa room, minsan ka na ring nakatulog nang kayo lang. And last, I saw how your eyes become a heart everytime he's here, while texting or talking to him. So stopped denying it anymore." parang nag pa flashback sa isip ko ang mga pangyayari na kasama ko si Bryan sa sinabi ni Briana.

Bukod sa mga pinsan kong lalaki ay si Bryan lang ang pinagkakatiwalaan ko and the others from what she said is don't know.

Pumikit ako nang madiin at pumasok ng kwarto. I don't what she said, I can't confirm it. Naguguluhan ako at alam kong hindi pa ako handa, pero talaga nga ba?

Masaya ang buong araw ko na kasama ko si Bryan sa intramuros. Sinundo niya ako sa apartment namin na may bulaklak at vento cake na may nakalagay na congrats.

"Congrats, baby." he whispered to my ear and hug me.

Yumakap din ako sa kaniya pabalik. I don't but I like being in his arms, its super comfortable.

"Congrats too." I said.

Agad lang kaming naghiwalay nang lumabas ng kwarto si Briana, umubo pa ito na tila ba nauubo talaga. Natatawa nalang kaming dalawa ni Bryan at umalis doon.

"Enjoy love birds." I heard her said, naiiling nalang ako na natatawa.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Kakalabas lang namin sa isang museum, pagod na ako kakalakad namin at kakatingin sa buong lugar at mga bagay bagay na may kaugnay sa history.

I'm happy being with him, I always find myself smiling and staring at him.

"Doon ka, picturan kita." he said out of the bluemoon.

Halos lahat ng pakukan naming establishment sa intramuros at sa labas ay gusto niya akong picturan. Siya pa ang nagtuturo sa akin ng mga pose ko.

"Smile, baby."

"You're so beautiful, baby."

"I love you, baby."

Yan ang mga sinasabi niya sa akin everytime he captured my poses, I can't help but to smile. Laging may paru-paro sa aking tiyan tuwing tatawagin niya akong baby.

"Let's eat muna? Pagod na ako." I said and he agreed.

Nakaupo kami sa isang restaurant malapit dito, hinihintay ang aming pagkain.

"Are you happy?" he asked me. Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Yes."

"Really?" tumango muli ako.

Hindi ko ma identify ang nararamdaman ko tuwing kasama siya, basta alam na masaya ako sa kaniya.

I love how he hold my hand, the way he put his arms around my waist, his kiss to my cheeks and forehead. Everything he do for me.

Nasagot ang tanong ko nang isang beses ay hindi kami nagkasabay sa lunch dahil may group works daw sila at bigla akong nakaramdam ng pagkamiss sa kaniya.

"Lungkot yarn?" si Briana, mag-isa akong kumakain ng lunch ng dumating sila ng jowa niya.

Kinunutan ko siya ng noo at umiling.

"Hindi ahh, may iniisip lang ako."

"Ano yun? Si Bryan ba? Love mo na ba siya?" panunukso niya na ikinatigil ko.

Mahal ko na nga ba siya?

"I guess, hindi pa rin? Kaya ba pinayagan mo siyang may kasamang ibang babae?" tumawa siya at umupo sa harapan ko.

"I saw him with another girl at the library. They're happy laughing." she continue.

Hindi ko alam pero may kirot akong naramdaman sa dibdib, I'm hurt.

Kaya bago ako dumaretso sa next subject ko at dumaan ako sa library para tignan siya roon at ang babaeng sinasabi ni Briana. Parang pinipiga ang puso ko nang makita siya kasama ang mga ka grupo pero natuon ang pansin ko sa kausap niyang babae, malapit sila sa isa't-isa at tila may binabasa sila sa iisang libro.

Nagmamadali akong umalis doon at tinext siya.

To Bryan:
Saan ka?

Bryan:
Library with my group.
Why?

To Bryan:
Sino yung babaeng katabi mo?

I can't help to asked, tumilip pa ako sa loob at agad kong nakita ang pagtawa siya habang nakatingin sa cellphone.

Anong nakakatawa? Nairita agad ako sa nakita. Nagulat nalang ako ng biglang mag ring ang cellphone ko, and the next thing I knew is he's already behind me.

"Don't be jealous, baby. She's only my classmate." he said while cornering me to the whole.

Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.

"I'm not jealous." nauutal kong sabi, muli kong narinig ang mahinang pagtawa niya.

Lalo akong nairita at napayukho nalang.

"Okay, you're right. I'm jealous." tila talo kong sabi at bumuntong hininga.

"I think I'm already inlove with you." I continue.

That's why ganoon nalang ang nararamdaman ko sa tuwing nandyan siya.

"Don't worry, I'm inlove with you too. Very inlove with you."

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now