Chapter 25

30 3 0
                                    

Chapter 25

"Pis, alis nako." paalam ko kay Briana.

"May lakad ka? San ka pupunta? Anong oras kang uuwi?" sunod-sunod niya tanong sa akin habang nakatingin sa bag na dala ko.

Isang tote bag lang naman ang dala ko, laman lamang ay two pairs of underwears and my hygiene kit, at may isang extrang t-shirt lang din. And I just wear a white long sleeve polo and denim pants, nag semi sandals flip flops nalang din ako para hindi na magdala ng sapatos. Under my clothes is my swimsuit.

"Kasama ko mga kaklase ko, nagkayayaan lang mag swimming. Sige na, una nako. Bye." sagot ko at agad na umalis doon.

Nang mabasa ko kasi ang message ni Jayvee ay saktong kakatapos ko lang mag-ayos kaya agad na rin akong umalis ng apartment. Pagbaba ko palang ay nakita ko na agad si Jayvee at ang kaniyang motor. He's wearing a black jacket with a white inner shirt, denim pants and rubber shoes. Nakalagay sa tabi ng paanan niya ang duffle bag na may laman na damit namin dalawa. Pampalit ko pauwi at ang gamit niya, sa top box niya naman sa likod at ang pagkain namin at tent na gagamitin doon.

This is our first trip together at hindi paalam sa amin. Never kaming pinayagan sa ganto dahil masyado pa kaming bata, pwede kung may kasama kaming iba, kung kasama ang mga pinsan ko.

"Mahal!" tawag ko sa kanya at mabilis na lumapit sa kanya. Malaki ang ngiti ko sa kaniya. I'm excited.

Friday ngayon at holiday kaya ngayon namin napagdesisyonang mag rides at mag beach. Sa malapit lang, dito lang sa Cavite. At ang napili namin ay sa Puerto Azul.

"Let's go?" sabi ko nang makalapit.

"Nagpaalam ka ba?" umiling ako sa kaniya.

Alam niya naman na hindi pa alam sa amin. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin sa kaniya ng mga pinsan ko. Malaki ang galit nila kay Jayvee dahil sa panloloko sakin at alam nila kung ano ang ginawa niya. Maaaring napatawad ka nga siya pero hindi ko alam kung ganoon din ang mararamdaman ng mga pinsan ko sa kaniya.

"Hayaan mo, paghanda ka nang sabihin sa kanila. Nandito lang ako. Sasamahan kita, kahit bugbugin pa nila ko, ayos lang. Basta hindi mo ko iiwan, basta ipaglalaban mo ko, hindi ako lalaban sa kanila." he said and hugged me.

Napabuntong hininga nalang ako, pero ang maiisip na binubugbog siya ng mga pinsan ko at mabigat sa akin. Hindi ko ata alam ang gagawin ko kung gawin nila iyon. Hindi ko ata kaya.

I hugged him tight because of my imagination.

"Hindi kita iiwan, promise." I whisper to him.

Ilang sandali pa kaming nasa ganoong ayos nang mapagdesisyonang umalis na. Pasakay palang ako sa likod niya nang biglang may tumawag sa akin. Para akong nanlamig nang makita sila.

"Carol!" nakakabingi ang boses na iyon. Parang kanina lang ay iyon ang pinag-uusapan namin at ngayon heto na nga.

Shit! Bakit naman ngayon agad? Bakit hindi nalang mamaya pag-uwi? Ngayon pa talaga?

Magkukunwari sana akong hindi sila narinig at sasakay pa rin sa likod ni Jayvee pero agad akong hinila ni Ate Krill na pinaka ate sa aming magpipinsan.

"Carol! Ano bang nasa isip mo at sasama ka sa lalaking yan?!" agad niyang tanong sa akin nang maiharap ako sa kaniya. Nasa likod niya sila CJ, Rail at Tyrone, kita ko ang galit nila kay Jayvee dahil sa masamang tingin nila rito.

"Ate, mahal ko siya!"

"Mahal? Kaya ba sasama ka sa kaniya ngayon?! Para ano?! Magtanan?! Carol naman! Wag kang magpakatanga dyan! Bakit hindi ka nalang dun sa bago mong boyfriend?! Bakit bumalik ka pa dito sa lalaking yan?!" sabi ni Ate Krill sakin.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now