Chapter 11

36 5 0
                                    

Chapter 11

"Tada!!" pa-surprise na sabi ni Marie at ipinakita samin dalawang bote ng alak. Agad na nagsigawan ang mga kaklase namin.

Tapos na kaming magdinner at mga nakaupo nalang sa hapag, mga nagpapahinga. Nagpaalam na din samin ang magulang ni Marie at pumasok na sa katabing bahay ng resort, okay naman daw sa kanila kung uminom kami dahil may bantay naman ang resort para bantayan kami, basta daw ay magbe-behave.

Sa bakanteng rooms kami tutuloy, magkakasama kaming girls sa isang room at ganoon sa ibang room ang boys.

Sa tabi ng pool kami nagsi-upo at bumilog sa mga fake grass at doon uminom habang naglalaro ng kung ano anong games.

"Wag ka masyadong uminom ahh?" bulong sakin ni Bryan na nakaupo sa tabi ko, tumango lang ako sa kaniya.

"Here!" pinakita ni Bella ang isang bote at inilagay sa gitna ng bilog namin.

"Truth or dare!" pahayag ng isa naman sa mga lalaki naming kaklase na sinang-ayunan ng lahat.

Si Rhose ang unang natapatan ng bote at kay Jomar tumama ang likod noon kaya siya ang nagtanong kung truth or dare at dare ang pinili ni Rhose. Halos isa-isa kaming tinapatan ng bote at puro dare ang pinili, mga hindi naman mahihirap ang pinapagawa tulad ng pagslide sa pool sa duwag sa heights at pagsayaw ng kung ano. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa napagdesisyunan naming mag swimming ulit at nang magsawa ay nagsipagbanlaw na muna kami bago nagpatuloy sa paglalaro ng truth or dare pero dahil sa puro dare ang pinili kanina ay truth nalang ang choices.

Ang unang spine sa truth ay tumama kay Marie, ang tinanong lang dito ay kung sino ang crush at dahil wala naman sa grupo namin ay mabilis niya iyong sinagoy. Hanggang sa mapunta kay Bryan ang bote.

"Yown! Kanina ko pa hinihintay na tumama kay Bryan!" masayang sabi ni Rhose, nagsigawan din ang ibang kaklase, mga lasing na din.

"Isang tanong lang!" natatawang sabi ni Bryan, natawa nalang din ako.

"Ako na magtatanong! Do you like Carol?" agad na tanong ni Rhose, natahimik ang buong grupo. Napatingin din ako kay Rhose at pinanlakihan siya ng mata pero hindi ako nakita dahil nakatingin ito kay Bryan.

"Yes, I like her." agad akong mapatingin kay Bryan, nakangiti ito. Nagtilian ang mga babae naming kaklase.

Humalakhak siya at nilingon ako. Parang may kung anong bagay ang humuhukay sa tyan ko.

"I like her because she's my friend." he continued to shut our group, tumawa lang ang mga lalaki at niloko pa siya bago muling nag-spin.

Muling nag-ingay ang grupo namin ng muling tumapat kay Bryan ang bote. Natawa nalang siya at ganoon din ako.

"Isang tanong pa daw kasi ehh." I joked an laughed.

"Ako naman magtatanong. Do you see Carol as a girl or woman?" sabi ni Jomar.

"Oo naman." mabilis na sagot ni Bryan at tumawa.

"So mag pag-asang ligawan mo siya?" muling tanong ng isa pa naming lalaking kaklase. Napatingin din ako kay Bryan, naghintay ng sagot niya.

"Oo naman, siguro pag okay na siya." he answered and smile. May magtatanong pa sana pero agad na siyang nag spin at hindi ko inaasana na sa akin iyon tatapat.

"Carol, kung liligawan ka ni Bryan, sasagutin mo ba?" agad akong kinabahan sa tanong nila, kaya napalingon muna ako kay Bryan bago nagsalita.

"Honestly speaking, hindi ko din alam. Hindi pa ko handa." sagot ko at bahagyang tumawa bago nilagok ang inumin. Tumango lang sila at nag spin na ulit.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now