Chapter 3

43 5 0
                                    

Chapter 3

"Huy, ang haba ng bakasyon natin tapos magmumukmok ka lang dyan?" sabi ni Briana na nasa labas ng kwarto ko.

Dahil sembreak ay umuwi kami, mahaba-haba din ang sembreak namin dahil kasama na ang Christmas break.

"Umalis na kayo. Wala ako sa mood." sigaw ko para marinig nila mula sa labas ng kwarto ko.

"Anong wala sa mood. Ilang araw ka nang wala sa mood. Lumabas ka naman ng kwarto." sabi naman ng pinsan naming si Tyrone at sunod-sunod na kumatok.

Napairap nalang ako at nagtalukbong ng aking kumot. Nung nakaraan pa nila akong binabalik-balikan dito sa bahay at alam ko namang sila Mama at Papa pa mismo ang nagsasabi sa kanilang isama ako dahil nga sa nangyaring break up namin ni Jayvee.

"Couz, bumangon ka na dyan at magbihis. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka samin." nagulat ako ng bigla nalang nilang hilahin ang kumot ko sakin, nakapasok sila sa aking kwarto. Agad ko iyong hinila pabalik sakin.

"Ano ba? Umalis nalang kayonkung gusto nyo. Idadamay nyo pa ko." iritado kong sabi at muling nagtalukbong.

"Couz naman. Hindi lang si Jayvee ang lalaki sa mundo, mas madami ka pang makikilala. Kaya sumama ka na." agad na nag-init ang mata ko sa narinig.

That's true. Makakakilala pa nga ako ng ibang lalaki pero hindi na tulad ni Jayvee, hindi tulad ng mga bagay at pinaramdam niya sakin. Kahit na lagi niya kong pinapaghintay sa mga dates namin at lagi akong binabaliwala, hindi pa din nun matutumbasan lahat ng nagawa at pinaramdam niya saking pagmamahal.

"Hay nako." naramdaman ko nalang ang yakap nila sa akin kahit na nakatalukbong pa ako.

Lalo akong napahagulgol at nang tumahan ay walang sabi-sabi akong sumama sa kanila at nag-ayos ng damit. Pupunta kami sa beach. Nagtataka pa ko nung una kung bakit beach pa ang naisip nila ehh malamig na dahil ilang araw nalang ay pasko na pero sa huli ay hindi na ako nagtanong pa.

Nagscroll ako sa facebook ko ng makita ang post ni Jayvee kasama ang babaeng kasama niya sa video, with a caption "Happy monthsary". Their smiling widely. Parang dinudurog ang puso ko doon, pero kahit na ganoon ay naggawa ko pang magbasa ng mga comments doon.

'Congrats!'
'Bagay kayong dalawa'
'Sana magtagal kayo'
'Stay strong'

Agad na nag-init ang mata ko dahil sa mga luhang namuo doon. Monthsary agad ehh wala pa nga kaming isang buwan na break! Hinintay lang talagang matapos yung samin? Ha!

"No phone for now. We'll make you forget about Jayvee." walang sabi-sabing inagaw ni Tyrone ang cellphone ko bago paman ako muling umiyak.

Agad akong inalo ni Briana at inagaw kay Tyrone ang cellphone ko at sinauli sa akin, pero tinangihan ko iyon. Tama si Tyrone, no phone for now and forget about him. Umiiyak ako dahil masakit ang makitang masaya siya sa ibang babae at hindi sakin.

"Bago mag new year, hiking tayo. Isigaw mo lahat doon at kalimutan. But for now we're going to party!" sigaw ni Briana at itinaas ang baso niya.

Gabi na at nasa beach na kami. Sakto lang ang dating namin para magdinner at dumaretso sa party sa tabing dagat. May banda doon na tumutugtog. Madaming nag iinom sa harap ng stage at nagsasayaw.

Wala na din akong nagawa kundi ang magpahila kina Briana at Rail sa dagat ng mga nagsasayaw. Ininom ko ang ang alak sa bago ko habang nagsasayaw, kahit papaano ay nawawala sa isip ko si Jayve pero ng marinig ang kinakanta ng bandang nasa stage ay natigilan ako.

🎶Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa🎶

Parang bumalik lahat ng alaala namin sa akin. That's the song when he asked me for dance, prom namin noon at iyon din ang araw ng sinagot ko siya. Started that night, naging theme song na namin ang kantang iyon.

Nagulat nalang ako ng may isang lalaki ang nagpunas ng luha ko. Doon ko lang namalayan na ako lang ang huminto sa pagsasayaw at umiiyak habang nakatingin sa stage. Sandali kong tinignan ang lalaki, matangkad ito at maputi, matangos ang ilong at may mapungay na mga mata. Mabilis kong tinabing ang kamay niya sa mukha ko at umalis doon.

Pumunta ako sa pwesto naming magpipinsan kanina pero ng wala akong natagpuan kahit isa doon ay pumunta ako sa medyo madilim na lugar at doon umiyak. Lalo pa akong napahagulgol ng hanggang doon ay dinig ko pa din ang kanta. Gusto ko nalang takpan ang tenga ko para lang hindi iyon marinig pero hindi epektib.

Dumakot ako ng buhangin sa kamay habang umiiyak at ibinato iyon sa dagat. Nandito ako para kalimutan siya pero parang hindi ata iyon ang gusto ni Tadhana. She wants to suffer me first. Paano ako makakalimot nyan?

"Wala kang kwenta! Gago! Manloloko! Sana hindi nalang kita minahal!" sambit ko habang umiiyak at isinubsob ang mukha sa mga tulod at bisig ko.

"You shouldn't cry because of him. I know it's hard to forget, but you can do it. Ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo para mawala yan." natigil ako ng may lalaking magsalita sa tabi ko, pero bago pa ako lumingon dito ay narinig ko na ang paglalakad niya palayo at tanging likod nalang niya ang nakikita ko. Siya yung lalaki kanina.

Playful Heart (Playful Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon