Chapter 8

31 4 0
                                    

Chapter 8

Kumakain ako ng hapunan habang nanunuod ng movie sa laptop ko nang dumating si Briana. Nakita ko ang movie sa isang recommendation post kaya hinanap ko agad ito para mapanuod.

"Anong oras ka umuwi?" tanong nito sa akin habang naghuhubad ng sapatos sa tapat ng pintuan.

"Mga 4."

"Nakita ka namin sa Mall. Maagang natapos klase ko ehh. Sinong kasama mo?" natigilan ako ang muli siyang magtanong.

"Ahh. Wala, kaklase ko lang."

"Anong pangalan?" napatingin ako sa kaniya, pero agad din akong umiwas ng tingin at tumingin sa laptop.

Ipinatong niya ang bag at pinamili sa sofa at lamesita at umupo doon.

"Nakalimutan ko ehh." pagdadahilan ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Ows? Nakita ko din si Bryan. Hindi ba siya yung kasama mo?"

Halos manlaki ang mata ko sa tanong niya. Paano niya nalamang Bryan pangalan nun?

"Ahh, oo. Siya nga pala yung kasama ko." nagkunwari akong naalala.

"Okay na kayo?" lumapit ito sa lamesa at umupo sa harapan na upuan ko na ikinatingin ko sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo.

Anong ibig niyang sabihin?

"Hmm. Bihis pala muna ko." tumayo ito at pumasok sa kwarto.

May isang kwarto sa dorm at isang CR. Sa kwarto ay may double, sa taas si Briana at ako naman sa taas. May lamesa kami at dalawang upuan para saming dalawa, may extra din na isa sa tabi ng sofa para pag may bisita kami, katulad ng boyfriend ni Briana at ni Jayvee sana. Its not like a typical dorm, masasabing apartment ito. Kompleto din ang gamit namin dito, may rice cooker, gas and stove at may mini fridge din kami, binili ni Mama at Tita para samin ni Briana, wala lang TV para mas maging tutok daw kami sa pag-aaral.

Twice a month ako kung umuwi sa bahay dahil malayo-layo din ang dorm at school samin, at ganoon din si Briana. Kaya mas pinili nalang din namin na maghanap ng apartment malapit sa school, yung pwedeng lakadin at sandaling sakay lang. Para hindi na din hassle kung uuwi pa kami at magbabyahe ng malayo.

Weeks passed, naging maayos naman ang school ko. Nalaman ko din na halos sa lahat ng subjects ay kaklase ko si Bryan, tulad kami ng section sa schedule at naligaw lang siya sa isang subject kaya may isang subject lang kami na hindi magkaklase.

Araw-araw din akong chinecheck ni Mama kung okay lang kami ni Briana sa dorm at tungkol sa school. Mabuti nalang pala at bago ako bumalik ng dorm ay pinahiram ako ni Kuya ng extra niyang phone.

"Good morning." agad na napaangat ang tingin ko ng magsalita si Bryan, kadarating niya lang.

Malawak ang tingin nito sakin. Dahil halos magkaklase kami sa lahat ng subjects ay madalas ko din itong kasama kahit na may kasama din akong ibang babaeng kaklase ay sumasama din ito samin, at masasabi kong medyo nagiging okay na din siya sakin. Hindi naman niya kasalanan na nagbreak sila ng ex niya, pareho lang kaming niloko at pinagmukhang tanga kaya hindi na dapat akong magalit sa kaniya. I should be thankful because he always there for me.

"Here." napatingin muli ako sa ipinatong niyang paperbag sa harap ko. Isang tatak ng phone pero duda akong cellphone ang laman noon.

"Ano yan? Pagkain ba yan? Sorry nag-almusal nako bago pumasok." sunod-sunod na sabi ko.

"It's a phone, pinapalitan ko lang yung phone na nabasag dahil sakin." halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Really?!

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now