Chapter 24

14 3 0
                                    

Chapter 24

They said, "love is sweeter the second time around." I never believed that since then until now, nagkabalikan kami na akala mo ay bigla nalang nawala ang lahat nang dahilan kung bakit kami nagbreak.

"Mahal, puntahan kita mamayang hapon pagtapos ng klase ko. Kain tayo." sabi ni Jayvee sa akin bago siya magpaalam at pinatay ang tawag.

Tawag niya ang gumigising sa akin tuwing umaga simula nang nagstart na ulit ang klase at bumalik ako ng apartment. Kakaibang saya ang nararamdaman ko sa tuwing gigising ako na siya ang dahilan. Parang bumalik ako sa highschool na excited laging gumising at makausap siya. At dahil magkaiba at magkalayo ang school na pinapasukan namin ay tuwing uwian niya lang ako nasusundo at hinahatid sa apartment, pag hindi naman siya ako masusundo at pinupuntahan niya nalang ako para ayain na mag dinner kasama siya.

"Napapadalas yang pagtawag tawag ni Bryan sayo ahh. Pwede namang kumatok nalang dito para gisingin ka." natigilan ako sa paghahanap ng masusuot nang marinig ang sinabi ni Briana.

Wala pang nakakaalam sa bahay o sa mga pinsan ko na naghiwalay na kami ni Bryan at nagkabalikan ni Jayvee. I don't know how to tell them. Natatakot akong husgahan at away awayin lang nila si Jayvee.

"Anyways, hindi ako tutulog dito mamaya. Lock mo nalang agad yung pinto ahh? Baka mamaya, dito mo patulogin ang jowa mo habang wala ako ahh! Susumbong kita kina tita!" natawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw kaya isumbong ko dyan!" pabalik kong sabi sa kaniya.

"Aba!! Edi kung gusto mong patulogin si Bryan dito habang wala ako, edi go! Wag ka lang magpapabuntis!" agad akong pinamulahan sa sinabi niya.

Naalala ko bigla si Bryan, how he kiss me and how gentle his touch is.

"Argh! Couz naman!" tumawa lang siya bago ako iniwan mag isa sa apartment.

Hanggang sa pagligo ko, hindi na nawala sa isip ko iyon. Parang baliw kasi si Briana! Ehh wala na nga kami ni Bryan! Si Jayvee dapat ang nasa isip ko at hindi si Bryan!

Pinilit kong kalimutan ang nasa isip at nagpatuloy sa maghapon ko, tulad ng dati ay lagi akong excited umuwi dahil magkikita o hinihintay ako ni Jayvee.

"Iba talaga pag inspired ohh!" biro ni Rhose sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Nakikita ko lagi si Bryan ehh, naghihintay lagi sa gate. Kaya ka siguro laging atat umuwi." she continued.

Natigilan ako sa pag aayos ng gamit ko sa narinig. I looked at her.

"Hindi ata ako ang hinihintay noon."

"Huh? Edi sino pala?" nagkibit balikat nalang ako bago nauna nang lumabas ng room. She tried to chase me but I already said goodbye to her.

Bitbit ko ang mga libro ko ngayon, dahil Thursday at eto ang pinaka may madami akong subject sa buong linggo. Busy akong inaayos ang mga libro ko habang naglalakad sa hallway, kaya hindi ko na napansin nang malaglag ang isa kong libro.

"Miss, libro mo, nalaglag." mabilis akong lumingon sa nag-aaboy ng libro ko sa akin.

Medyo natigilan ako nang makita kung sino iyon, si Bryan. Mabilis kong tinanggap ang libro ko at nagpasalamat sa kaniya.

"Thank you." I said.

"You're always welcome." he just said and continued walking.

Bumuntong hininga nalang ako at umuwi na sa apartment. Nag ayos lang ako sandali ng apartment, sakto lang at pagkatapos ko sa ginagawa ay ang pag text ni Jayvee sa akin na nasa labas na siya.

I just wear a jumper denim pants with a white inner shirt and a flat shoes with a small bag. Tinitignan ko ang bag ko kung nadala ko ba ang wallet ko doon at ang mini perfume ko para sana makapagpabango pa habang pababa nang hagdan.

"Hep, watch your steps!" muntik na sana akong mahulog sa hagdan kung hindi ako nahawakan sa braso ng kasalubong ko. Again, it's Bryan.

"Sorry, thanks." agad na sabi ko at agad na bumaba ng hagdan. Nakakahiya kung magstay pa ako doon, napaka clumsy ko talaga.

Paglabas ko ng building ay nakita ko agad si Jayvee. He waves at me, and I wave at him too.

"I missed you!" salubong niya sa akin nang makalapit ako at bahagya akong niyakap. Hindi ko napigilang mapa ngiti.

"I missed you too." I said to him too.

Sa malapit na fast food namin piniling kumain at dahil gabi na rin naman ay tumambay lang kami doon pagkatapos kumain habang nag ku-kwentuhan.

"How's your day?" he asked.

"Hmm, ayos naman. Smooth lang,"

"Baka atat na atat ka na naman umuwi ahh? Baka di ka na nagawa ng mga activities mo dahil ako nasa isip mo." he jokes, natawa agad ako sa sinabi niya.

"Ang kapal mo! Baka ikaw! Ako nalang lagi iniisip mo!" balik kong sabi sa kaniya.

"Ikaw nga!" agad akong pinamulahan pero dinaan ko iyon sa tawa habang sya naman ay nangingiting tinitigan lang ako.

"Kuh, ako ba talaga?" pasimple kong sabi habang natawa pero wala naman talaga akong ibig sabihin don, just to ease the awkwardness between us. Nasa public kami, at sigurado may iilang napapalingon dahil sa tawanan namin.

"Mahal naman, ikaw nga lang." he said and he even held my hand. Tumawa ulit ako.

"Oo na, tara na nga." sabi ko at agad na tumayo sa amin lamesa, tutal ay kanina pa naman kami tapos. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at tumayo na rin. Muli niyang hinawakan ang kamay ko hanggang makalabas kami ng fast food.

A simple gesture of him makes me feel special. A simple dinner and time with him is enough to make my day. Ewan ko nalang kung ganoon din sa kaniya, but I hope he feels the same.

"Thank you, mahal." sabi ko agad sa kaniya tumigil kami sa tapat ng building ng apartment. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya, hindi pa rin nababa ng motor, nanatili pa rin akong nakaangkas sa kaniya.

"You're welcome, mahal." he said, nanatili pa kami sa ganoong ayos ng ilan pang minuto natigili lang nang may bumusina sa amin dahil may papasok na sasakyan.

Nanliit ang mata ko nang makukaan ang kotseng dumaan, kay Bryan iyon. Alam ko, dahil kabisado ko ang plaka noon.

Saan siya pumunta? Nakasalubong ko lang siya kaninang paalis ako ah? Baka pumunta kay Precious?

"Hindi ka pa ba bababa? Bahala ka, baka ida-deretso kita pauwi." he jokes, naikinaalala kong kasama ki nga pala siya at nakayakap pa ako sa kaniya.

Mabilis akong bumaba sa pagkakaangkas sa kaniya at mabilis nang nagpaalam at agad na pumasok ng building. Ayokong makasabay pa si Bryan sa hagdan, pero masyado ata akong mabagal maglakad at pataas palang ay kasunod ko na agad siya.

"Sorry naistorbo ko ba bebe time nyo? Sa susunod kasi wag kayo sa daan." malamig na sabi niya tsaka nauna pa sakin pataas ng hagdan.

What? Nagsorry pero parang siya pa galit? Tss, nag away siguro sila ni Precious, kaya pati kami dinadamay. Tss! Kainis!

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now