Chapter 13

21 4 0
                                    

Chapter 13

Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko pagdating ng Lunes. Napadaing ako sa sakit ng puson ko.

Bryan:
Hindi ka pumasok?
Hey!
Reply please

Madami pang text si Bryan pero hindi ko na binasa pa at bumalik sa dating pwesto nang pagkakadapa. Hindi ako nakapasok dahil sa bigat ng katawan dala ng menstruation. Idagdag pa ang sakit ng puson ko at malakas na period.

Nakapikit ako habang nakadapa kaya hindi ko na namalayan ang pagtuloy. Nagising nalang ako sa katok sa aming apartment. Kinuha ako ang cellphone ko para tignan ang oras at nakitang alas-onse na ng tanghali. Magtatanghalian na pala at wala pa akong pagkain.

"Sino yan?" sigaw kong tanong sa kumakatok at bumangon ng kama.

"Delivery po."

Napakunot ako ng noo sa narinig. Wala akong inaasahan na order.

"Wait lang po." muli kong sabi at tinungo ang pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makitang si Bryan iyon na may dalang paperbag ng McDo. Malaki ang ngiti niya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Delivery po." he said with a wide smile on his face, hindi pinansin ang tanong ko at kusa pang pumasok sa apartment kahit hindi ko pa naman siya iniimbitahan.

Tinignan ko siyang dumaretso sa lamesa at inayos ang hapag. Napairap nalang ako at isinara ang pinto.

"Bakit ka nandito? Nasa school ka diba?"

"After ng first class, hinanap ko ang pinsan mo para itanong ka sa kaniya. And she said you have a period. So I'm here. I bought food for you." proud na sagot nito.

"Let's eat." duktong pa nito.

Doon ko lang na pansin na nakauniform pa pala ito. Nagcutting ba sya?

"Wala kaming prof sa sunod na subject, kaya umalis nalang ako ng school para puntahan ka. I didn't cut, okay? Magiging absent lang yung pang hapong subjects ko kung hindi ako papasok." paliwanag nito na tila ba nabasa ang nasa isip ko.

"Okay."

Lumapit ako sa lutuan at nagsalang ng tubig. Para mamaya pagkakain ay makaligo na agad ako. Pagkatapos kong isalang ang tubig ay umupo na din ako sa upuan at kumain na.

Madami siyang binili, para bang tatlong tao ang kakain. Kaya ganoon ang pagkagulat ko ng matapos kami ay ubos ito at walang natira.

"Busog ka?" napatingin ako sa kaniya ng magsalita ito. Tumango lang ako bilang sagot.

Akmang aayusin ko na ang pinagkainan namin ng pigilan ako nito.

"Ako nang bahala dito. Maligo ka na muna." imbis na tumanggi ay pumayag na ako. Mas mabuti iyon para mabawasan ang gawain ko.

Pumasok ako ng kwarto at agad na naghanap ng damit. Paglabas ko doon ay sa stove agad ang tingin ko dahil sa tubig na pinapainit ko pero wala na ito doon.

"Inayos ko na ang pampaligo mo. You can take a bath now." bago pa ko makapagtanong ay nasagot na agad.

"Thanks." tanging nasabi ko at tumungo sa banyo.

Bumuntong hininga ako at mahinang dumaing dahil sa sakit ng puson. Nang lingunin ko ang timba ay puno na ito at maligamgam, tanda na nailagay na nga doon ang mainit na tubig. Parang may kung anong insekto ang nagliparan sa aking tiyan, at naisip si Bryan. Ang ginawa nitong pagbisita sa kaniya sa apartment kahit na galing pa itong school, ang pagdadala ng pagkain at ang pag aasikaso sa akin. Ipinilig ko ang isip ko sa iniisip at naligo nalang.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now