Chapter 4

36 4 0
                                    

Chapter 4

"Couz, bilisan mo. Baka maiwan ka." sabi ni Rail sakin.

Nasa hiking kami paakyat ng bundok. Lima lang kaming magpipinsan at ang iba ay random na, na magkakasamang naghiking din. Limang lalaki at isang babae na jowa ata ng isa sa kanila.

"Oo na." sabi ko kay Rail at nagmadali sa paglalakad. Tumigil lang ako kanina para uminom ng tubig.

Mga bandang hapon ng makataas kami ng bundok. Tulong tulong kami nila Rail at Briana sa pag-aayos ng tent namin dahil magkakasama kami at si Tyrone at CJ ay nag-aayos ng kanila at ganoon din ang iba pa naming kasama sa hiking na iyon.

"Tara dun. Picture tayo." agad kaming niyakag ni Briana sa parte na may magandang view. Hindi na kami umayaw ni Rail at sumunod sa kaniya.

Konting picture lang kamu doon hanggang sa tinawag ni Tyrone at CJ si Briana at Rail kaya naiwan akong mag-isa doon. Umupo ako sa isang batong malapit sa akin.

Bumuntong hininga ako. Muli kong naalala si Jayvee. Matagal na naming napapag usap na itry namin ang hiking pero ngayon hindi ko siya kasama at kahit kailan yata ay hindi ko na siya makakasama sa ganto.

"Sabi mo sabay nating ita-try ang hiking! Pero wala ka!Bobo ka kasi para ipagpalit ako sa iba! Bakit? Dahil mas maganda siya? Tss! Tangina mo makakalimutan din kita!" sigaw ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginawa pero ilang sandali lang ay bigla nalang bumuhos ang luha ko. Gumaan nga ang pakiramdam ko dahil kahit paano ay nakakalimutan ko ang ginawa ni Jayvee pero ang sakit sa puso ko ay ganoon pa din.

"Magsama-sama kayong mga manloloko!" agad akong natigilan sa pag-iyak ng marinig iyon at nilingon siya.

Isa iyon sa mga lalaking kasama namin sa hiking. Nagulat pa ako ng makitang pinahidan niya ang luha sa mata. Ilang sandali pa ay tumingin ito sa akin at ngumiti, tumango lang ako sa kaniya bilang pagbati pabalik at pinunasan ang mga luha ko.

"It's okay to cry when you hurt. Wag mong isipin yung mga taong makakakita sayo kasi hindi naman nila alam kung ano yung pinagdadaanan mo." sabi niya at umupo sa tabi ko.

Muli akong napatingin sa kaniya. Siya yung lalaki sa beach! Kahit madilim noon ay kita ko pa din ang mukha niya.

"But you said I shouldn't cry because of him."

"Yeah, I said that."

"And now you told me it's okay to cry when I'm hurt?" bahagya akong natawa.

"Ano ba talaga?" duktong ko pa at nilingon siya.

"Tatanungin kita. Bakit ka umiiyak?" tinignan niya ko.

"Dahil ba sa kaniya? O dahil sa sakit na iniwan niya?" agad akong napaisip sa tanong niya.

"Of course because of him." sagot ko.

Iniwan niya ako at pinagpalit sa iba. Sana talaga di ko nalang siya nakilala. Sana di ko nalang siya inintertain in the first place edi sana di ako nsasaktan ngayon.

"Nope, you're crying because you are hurt by him."

"Kaya nga. Dahil nga sa kaniya."

"Look, that's different." he said and try to explain more but I roll my eyes and look away.

"Whatever!" I said. Napabuntong hininga nalang siya.

Naalala ko ang sinigaw niya kanina at yung pagpunas ng luha niya.

"I guess, pareho lang tayong niloko at pinagpalit sa iba." he said and laughed.

Niloko din siya? Dami na talagang manloloko sa panahon ngayon. Mga hindi marunong makuntento sa isa.

"3 years kami pero nung nag college kami, bigla nalang siyang nagbago." hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

We're the same. All starts when we entered college.

"Bigla nalang siyang nawalan ng oras sakin, kahit free siya sa araw na iyon hindi niya magawang bigyan ako ng oras. I always wait for her but she didn't came to our dates and all of the sudden, she wants us to break up." napatingin ako sa kaniya.

"So nagbreak na kayo?"

"Do you mean, before she had a new one? Of course no, hindi ko pumayag dahil wala naman siyang sapat na dahilan para makipag hiwalay. Iniisip ko kung ano yung naging pagkukulang ko sa kaniya pero wala akong maisip na ginawa ko. Tapos nalaman ko nalang na may boyfriend na pala siyang iba, kaya pala ang cold niya na sakin at hindi na siya nakikipagkita, kahit na hintayin at sunduin ko pa siya sa school niya." he continued.

"Alam mo? Tulad nga tayo. Ganyang-ganyan din yung nangyari samin ng boyfriend ko. Ni isang beses di pumasok sa isip ko na magloloko siya. Masyado akong napanatag sa mga sinabi niya, masyado akong nagtiwala sa kaniya." naluluha kong sabi.

"Pero alam mo? Kahit na ganun yung ginawa niya mahal ko pa din siya." duktong ko pa at pinunasan ang luha sa mata.

"Yun lang. Pero ako? Kahit na mahal ko pa din siya. Ayoko na. Tama na yung isang beses niya kong niloko. Kasi alam mo? Ayoko sa mga manloloko." he said.

"Kaya ikaw? Wag ka nang babalik sa kaniya. You should give yourself a break and move on. You don't deserve him." sabi niya na ikinalingon ko sa kaniya. Nakatingin ito sa akin, ngumiti siya.

"You should forget him. Sooner or later you'll find the right one for you." he continued and stand before leaving me there. I only watched him gone in my sight and go to there tent.

Hindi ko maiwasan ang mapasulyap sa grupo nila ng bumalik ako sa mga pinsan ko. Tinanong pa nila ako kung anong napag-usapan namin at sinagot ko lang ng totoo na tungkol sa break up namin ni Jayvee at ganoon din siya. Tinukso pa nila ako nung una pero kalaunan ay humupa din.

Hindi ko man lang natanong yung pangalan niya. Pero para saan pa? Hindi ko na din naman siya makikita after nito.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now