Chapter 14

27 3 0
                                    

Chapter 14

"May hindi ba ako alam?" dinig kong sabi ni Briana pagkasara ko palang ng pinto.

Hinatid ko si Bryan sa paglabas niya at nagpasalamat na din sa pag-aasikaso sa akin sa araw na ito. Kulang nalanh yata kanina sa dinner ay subuan niya ako, siya ang nagsandok ng pagkain ko kahit na pinapanuod siya ni Briana ay parang wala lang iyon sa kaniya.

"Wala." umirap ko at dumaretso ng lababo.

Ako nakatokang magligpit ngayon. Akala ko ay titigilan na ako nito pero pumwesto pa siya sa tabing lababo para usisain ako.

"Nanliligaw ba si Bryan sayo?"

Napakunot ako ng noo habang patuloy pa din saking ginagawa.

"Hindi."

"Kayo na ba?"

Agad kong nabitawan ang sinasabunang kutsara at napapikit. Hindi ko siya masagot. I can't lie to her, halos lahat ng sa amin ni Jayvee noon ay alam niya.

"Okay, no need to answer." she continued, pinulot niya ang nalaglag na kutsara sa lababo at iniabot sakin.

"How?" muli niyang tanong.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang gabing iyon. Lasing ako at hindi ko talaga usually naalala ang mga nangyayare, pero iba yun.

"Nalasing ako. I saw the picture of my ex with his new, umiyak ako. Basta bigla nalang naging kami." I bit my lower lip after saying that.

Ramdam ko pa din ang sakit na dala ng break-up namin. Pati nung gabing iyon.

"Basta nalang naging kayo? Really? May nangyari ba sa inyo?" nanlaki ang mata ko sa daretsohang tanong niya.

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko.

"Wala! Ano ba namang tanong yan?" sabi ko, napasimangot nalang ako ng bigla niya akong tawanan.

She's open to that topic unlike me. Masyado akong conservative para sa ganung mga bagay, nagkiss na naman kami ni Jayvee pero hindi pumasok sa isip ko gawin namin ang bagay na iyon.

"What about kiss?" muling nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

Bumalik sa isip ko ang laki noong gabing iyon at hindi nakasagot. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa naalala.

"Omo! Nagkiss kayo!" lalo akong pinamulahan sa sinabi niya.

"Okay lang yan, kayo na naman. Ayiiieee, mas boto talaga ko dyan kay Bryan. Mabait at maalaga, gwapo pa!" panunukso pa nito sa akin bago siya pumasok ng kwarto.

Napailing nalang dahil sa pinsan. Nagpatuloy ako sa pagliligpit pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Mabait din naman si Jayvee at maalaga, alam ko yun dahil dalawang taon ko din siyang nakasama. Pagmagkasama kami ay kulang nalang ay idulot niya na lahat sakin, and he always check on me. Ganoon din naman ako sa kaniya, I always make sure he'll eat breakfast, lunch and dinner and I always brought him a water everytime he has a training or play. Kaya hindi ko alam kung bakit kami na uwi sa ganto.

Mabilis na lumipas ang mga araw, palagi akong sinusundo ni Bryan sa apartment namin para sabay kami papasok.

"Ay, siya. Mauna na ako sa inyo ah? Magkakaiba naman tayo ng schedule." agad na paalam sa amin ni Briana.

Kakakatok lang ni Bryan sa apartment at kakaligo ko lang. Magbibihis pa ako. Tinignan ko siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Nakakain na naman ako bago maligo, kaya magbibihis at mag aayos nalang ako at pwede nang umalis.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now