Chapter 26

3 2 0
                                    

Chapter 26

"Sangalang and Amazona, Monreal and Angeles...." napapikit nalang ako nang marinig ang apelyido ni Bryan. Again, partners na naman kami. Same teacher last semester but different subject.

"Be, palit tayo partner gusto mo?" dinig kong sabi ng isa kong kaklase sa isa pa.

"Bawal magpalit ng partners. Ang makipagpalit zero!" lalo akong napasimangot nang marinig iyon kay Ma'am.

Okay, edi hindi na. Kaya wala na akong nagawa ng kailangan na naming makipag-usap sa partners namin. Si Bryan ang unang nag approach saming dalawa kaya nakahinga ako ng maayos. At least pag siya ang mismong nauna ay hindi na ako mahihirapan pa.

"Hi." he greeted and sat beside me. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

Okay naman ang paggagawa namin ng activity, mabilis kaming nagkasundo sa gagawin naming project na 7Eleven na ang napili namin i-reseach, hanggang sa hindi na namin namalayan pareho yung oras. Halos mag overtime na yung klase namin sa sobrang busy ng bawat partners.

Jayvee:
Hindi kita masusundo, sorry.

"Susunduin ka?"  napatingin ako kay Bryan nang itanong niya iyon, umiling ako.

"Don't you mind if sabay na tayo pauwi?" medyo nag-alangan pa ko ng sabihin nya iyon, pero mukhang harmless naman ang alok niya dahil may Precious na siya.

"Okay, sige."

"Sure ka ah? Okay lang talaga?" paninigurado niya, natawa nalang ako at tumango sa kaniya.

I'm happy na kahit ganoon ang nangyari sa aming dalawa ay para parin kaming magkaibigan na walang naging problema sa isa't-isa. At sana magtuloy-tuloy pa to, at sana lang hindi maging problema sa amin ni Jayvee.

"Malapit na ang foundation day, anong balak ng section nyo?" he asked, nakalabas na kami ng school at naglalakad na papunta sa apartment.

"Baka magtinda kami ng chicken pastil o kaya sisig with rice."

"Wow, good yan. Sa inyo ako bibili." sabi niya at tumawa, ngumiti lang ako.

Iyon palang din ang napapag-usapan ng section namin, wala pa ring final decision at wala pang ambagan na nagaganap.

"Kayo ba?"

"Hindi ko alam ehh, pero nag-ambag nako." agad akong natawa sa sinabi niya.

"Hindi mo alam, pero nag-ambag ka? Ano ka yun?"

"Busy din kasi ako sa practice namin, sasali kami sa battle of the bands. Manuod ka ahh?"

"Good yan. Support namin department natin." sabi ko ang tumango sa kaniya. Nagku-kwentuhan lang kami hanggang sa makarating sa apartment, parang tulad lang ng dati. Agad namang nagvibrate ang phone ko nang papasok na kami sa building.

From: Jayvee
Hindi lang kita nasundo, may kasabay ka na agad.

Agad akong napalingon-lingon sa paligid. Paano niya nalaman?

Mabilis na nasagot ang tanong na iyon sa aking isip nang makita ko si Jayvee sa taas, katapat ng unit ko, nakatingin sa akin at kay Bryan na nasa tabi ko.

"Mauna na ko, naghihintay pala ang boyfriend mo. See you around, Carol." agad na paalam sa akin ni Bryan at nauna nang pumasok sa building.

Ngumiti naman ako kay Jayvee at sumenyas na wala lang iyon pero sinimangutan niya lang ako.

"Wala lang iyon, wag ka nang magtampo."

Halos isang oras na rin nang makapasok kami sa aming unit at sinusuyo ko pa rin si Jayvee. Hindi siya kumikibo sa akin, nakaupo lang siya sa upuan at nagce-cellphone. Nang malaman ni Brianna na nagkabalikan kami ni Jayvee ay lagi na ulit itong pumupunta dito, at aalis din pagkakain ng hapunan.

Sumimangot ako nang kahit anong suyo at titig ko kay Jayvee ay hindi niya pa rin ako kinakausap. Nakapagluto na ako't lahat ay ganoon pa rin. Naghain lang ako sandali bago muling lumapit sa kaniya.

"Sorry na. Magkapartner kasi kami sa Marketing subject, alangan namang hindi kami mag-usap?"

"Edi sana nakipagpalit ka." lalo akong napasimangot sa kaniya.

"Kung pwede nga lang ehh, kaso maze-zero ako. Kaya sorry na, bati na tayo. Niluto ko din ang favorite mo."

"Hays, oo na. Apology accepted, pero pag di masarap luto mo, magiging invalid yung apology mo." he said and laughed, natawa din ako at niyakap siya.

"Sige ba, pero pag di ka nasarapan bawal mo na kainin." pabalik kong sabi na ikinatawa naming dalawa.

Masaya kaming kumain dalawa na parang kami lang ang tao sa mundo. Parang ayoko na ngang mataposnyung oras at makasama nalang siya hanggang bukas pero hindi pwede. Kailangan niya pa ring umuwi at may pasok din siya bukas.

"Bye, I love you." he whispered before he left, pinagmasdan ko siyang nakamotor na umalis. Hinatid ko siya sa baba, nakauwi na rin si Brianna kaya nagpaalam na rin siya. Ayoko man siyang pauwiin pero hindi pwede.

"Akala ko dyan siya sa inyo tutulog." agad akong napatigil nang marinig si Bryan, nakatayo ito sa gilid sa tapat ng kaniyang unit. Umiling ako sa kaniya.

"Hindi ehh. Bawal."

"Buti naman, kasi dapat ako lang yung pwede." he said and stepped forward to me.

Agad akong napaatras dahil sa ginawa niya. Sa sobrang lapit niya ay agad kong naamoy ang hininga niya. He smells like alcohol. Lasing ba siya? Bahagya ko siyang tinulak.

"Ano bang sinasabi mo, Bry?"

"Hindi ka dapat sa kaniya eh. Sakin ka dapat." he said and pulled me close to him.

Sinubukan ko siyang itulak ulit pero wala, masyado siyang malakas. Lalo akong walang nagawa nang halikan niya ako, parang lahat ata ng lakas ko ay naglaho. Agad na bumalik sa akin lahat ng meron kami ni Bryan, all those precious times with him.

"Hindi ako makapaniwalang, naging rebound mo lang ako. Kasi minahal na kita ehh, pero mas pinili mo pa ring bumalik sa kaniya." sabi niya at mabilis akong pinakawalan, at tsaka iniwan doon na tulala.

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa at mga sinabi ni Bryan kahit pa nakabalik na ako sa apartment namin at nakahiga na. Yung halik at mga sinabi niya, parang totoo? Bakit parang hindi dahil lasing lang siya kaya niya nasabi iyon.

"Hindi ako makapaniwalang, naging rebound mo lang ako. Kasi minahal na kita ehh, pero mas pinili mo pa ring bumalik sa kaniya."
"Hindi ako makapaniwalang, naging rebound mo lang ako. Kasi minahal na kita ehh, pero mas pinili mo pa ring bumalik sa kaniya."
"Hindi ako makapaniwalang, naging rebound mo lang ako. Kasi minahal na kita ehh, pero mas pinili mo pa ring bumalik sa kaniya."

Shit. This is bad. Hindi ko na dapat siya iniisip pa, dahil si Jayvee ang mahal ko, pero bakit parang ang bigat para sa akin iyong sinabi ni Bryan? Bakit parang.... Argh! Ang gulo! Mali ba ko?

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now