Chapter 12

30 3 0
                                    

Chapter 12

Nagising ako na masakit ang ulo, maliwanag na at wala na din ang mga kasama sa kwarto kaya bumangon na din ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kubo kung nasan ang mga pagkain at tama nga ako dahil nandoon silang lahat, kumakain.

"Good morning." bati sakin ni Bryan, tumango lang ako sa kaniya pabalik at umupo sa loob ng kubo. Inalok pa nila ako ng pagkain pero tumanggi ako, masakit din ang tyan ko dahil sa hangover.

"Here." napatunghay ako ng ipatong ni Bryan sa tabi ko ang kape, ngumiti lang ako sa kaniya at nagpasalamat.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mainom iyon. Nasa pool kami ng mapatingin ako kay Bryan, agad kong naalala ang nangyari kagabi.

"Yeah, from now on we're in a relationship."

Halos sabunutab ko ang sarili. Ako pa talaga ang nagsabi sa kaniya ng ganoon, ako ang may gawa kung bakit kami in relationship. Sana naman hindi niya totohanin yun.

After lunch ng mag-ahunan kami sa pool at nag-ayos para sa pag-uwi. Hindi ko masyadong pinapansin si Bryan dahil sa hiya sa pinagsasabi ko kagabi, and we kissed! Grrr!

"Ako na magdadala ng gamit mo." sabi ni Bryan na agad kong tinanggihan. Backpack lang naman ang dala ko.

"Sabay ba kayo samin?" tanong ni Jomar, agad akong umiling at ganoon din si Bryan.

Wala naman na akong balak na bumalik ng apartment at daretso na akong uuwi sa bahay, doon ko nalang din lalabhan ang maruruming damit na dala ko.

"Sasabay nako kay Carol, magkalapit lang naman apartment namin." sabi ni Bryan kaya iniwan na kami ng mga kaklase at nagsisakay na ng jeep.

Nakakunot ang noo kong hinarap siya dahil sa sinabi.

"Sasabay ka sakin?"

"Oo." tumango pa ito.

"Hindi ako sa Apartment uuwi. Uuwi ako sa amin." agad akong sabi, sandali niya akong tinignan at tumango.

"Edi ihahatid kita." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What? Kaya ko na noh!"

Dahil sa pagpupumilit niya ay wala na akong nagaaa kundi ang umuwi nalang sa apartment at nagpasyang sa isang linggo nalang umuwi. Ayokong ihatid niya ako sa bahay dahil siguradong tatanungin pa ako nila Mama kung sino ang kasama.

"Ahh, Bryan." tawag ko sa kaniya bago siya umalis sa apartment namin.

"Bakit?"

"Yung kagabi, wala lang---"

"Okay lang sakin, let's help each other to forget." agad na siyang nagsalita bago ko pa man matapos ang sasabihin ko. Pinamulahan ako sa sinabi niya.

"Bye, chat kita mamaya." he whispered to me and give me and give me a kiss on the cheek, bago ako iniwang mag-isa.

Nakatulala lang ako hanggang sa makapasok sa apartment. Naghuhuramentado ang puso ko sa kaniyang ginawa. Muli kong naalala ang halik kagabi.

"Grr!" agad kong ginulo ang aking buhok para mawala ang nasa isip.

Halos isang oras akong nakatulala sa kawalan habang iniisip ang kagabi. He shouldn't do that! Sa ginawa niyang iyon ay para na din niya akong pinagsamantalahan. Lasing ako nun. Dapat inisip niya yun.

Halos mapatalon ako ng tumunog ang cellphone ko. Si Briana, tumatawag.

"Hello." bati ko ng sagutin ko iyon.

"Hindi ka uuwi? May gig ang Invalid!" halos manlaki ang mata ko sa narinig pero napabuntong hininga nalang sa huli.

Wala ng oras para umuwi. Maggagabi na at mapapagod lang ako sa byahe, dahil bukas ay babalik na din dito.

Playful Heart (Playful Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon