Chapter 22

26 2 0
                                    

Chapter 22

"Carol." narinig kong tawag sa akin ni Bryan.

He's chasing me! Kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko, kaso bago pa ko makalabas ng Mall ay agad na niya akong naabutan. Hawak ang aking kamay ay mabilis niya akong hinila sa malapit na elevator.

"Ano ba?! Doon ka na, wag mo na akong sundan!" inis kong sabi sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami ng parking lot. Huminto kami sa isang sasakyan, hindi iyon pamilyar sa akin dahil hindi iyon ang madalas niyang gamitin noon.

Binuksan niya ang pintuan sa harap bago ako hinarap.

"Pasok." utos niya. Umiling ako at yumukho.

"Hindi ako sasama sayo!"

"At kanino mo gustong sumama? Doon sa unggoy na iyon? Sabihin mo nga? Kayo na ba ulit? Ang saya mong kasama siya ahh. Akala ko ba nasa inyo ka lang? Bakit ka nandito?" parang nagpintig ang tenga ko sa narinig sa kaniya.

"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan! Yan ba ang importanteng lakad mo? Tsaka ano nga? Ex mo pala siya! Ano kayo na ba? Yung hawak niya sayo parang normal lang sayo ahh! Ano? Kayo na ba ulit?"

"Teka nga! Ako yung nagtatanong ahh! Bakit parang baliktad bigla?"

"Sabihin mo lang kung kayo na ulit, ako mismo ang lalayo sayo. Para maging masaya ka na ulit." iritado kong sabi sa kaniya.

"Wow, ako pa pala ngayon! Baka naman ikaw ang hindi masaya sakin. Na kaya mo siya kasama kasi may plano kang makipag balikan sa ex mo! Galing mo rin ehh noh? May pa I love you-I love you too ka pa! Yun pala isang lapit lang sayo babalik ka agad." para akong nabingi sa narinig ko sa kaniya.

I can't believe it! Akala ko iba siya.

Hindi ko napigilan ang galit ko sa narinig, kinain ng mga hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Mabilis ko siyang sinampal nang makalapit ako.

"Don't you dare to say something to me like that! Para namang hindi ka katulad ko! For sure kaya mo siya kasama dahil nakikipagbalikan siya sayo, at ano? Babalik ka rin sa kaniya! Kasi ano? Mahal mo pa!" tinalikuran ko sa pagtapos noon, tila nag iisip ng sunod na hakbang. Kung tama bang tapusin na to o ano.

Sa ilang buwan namin, ngayon lang kami nag away nang ganto, at alam kong hindi ito simple lang. It involves our past, and the reason why we're in this relationship.

"Eh ano kung mahal ko pa? Bakit ikaw? Hindi na ba?" bigla akong natigilan sa sinabi niya.

Lalo akong nainis. Ganoon ba talaga kababaw ang tingin niya sakin? At ano? Mahal pa pala niya ehh, bakit niya pa sinabing mahal niya ko? Naglolokohan nalang ba kami?

"Wow, mahal mo pa? Nagkakausap na kayo ulit noh? Bago pa yung nakita ko kanina?"

"Don't ask me that, nagkakausap din kayo, nakita ko siyang tumawag sayo kaya wag mong sabihing hindi."

So nakita pala talaga niya? Kaya ba hindi niya ko kinakausap noon? Na bigla nalang siya nanlamig sakin? Nagkakausap din ba sila nung ex niya nung time na iyon?

"Now, answer my question. Hindi mo na ba siya mahal?" I can't speak when he asked me, napatitig lang ako sa kaniya, madaming gumugulo sa aking isip.

"O'common, don't lie to yourself. We both know that we started this relationship to forget together." muli akong napaisip sa sinabi nya.

Mahal ko pa ba si Jayvee? Muling nag flashbacks sa akin yung time na naging kami ni Jayvee, how he treats me before we broke up. I felt some pain inside my heart, a sign that he never gone to me, to my heart even if I open it to Bryan. He never left and stayed there, that loving Bryan has no space in my heart just a little space, just happiness and security that he gave.

"See? You can't answer my question. You still hope for him, hindi mo lang talaga maamin sa sarili mo.

"You know what? Let's end this." I said and looked at him.

"Yeah, I think we need that one. We started wrong and we ended up wrong." parang dinudurog ang puso ko sa narinig mula sa kanya.

He's right, if we continue this relationship we end up draining each other, neglecting each other's feelings. Maybe he's right, we both still love our ex's and continuing this means hurting ourselves.

Hindi ko na siya nilingon pa at agad na naglakad palayo roon. Wala na kong dahilan para mag stay pa. Siguro nga, mali. Mali ang naging simula namin. Siguro nga tama yung sabi nila, na kung broken hearted ka wag kang gagamit ng ibang tao para lumimot dahil lahat ibibigay nila sayo na tipong wala nang matitira sa kaniya. And in our case, we're both broken hearted, from a failed relationship but start a new one to forget, which is very wrong. I gave all I have and he's too, and now here we are, still looking for the love we have before, we end up with nothing. Ended up with another failed relationship.

Goodbye, Bryan. Thank you for all. If this is our end, tatanggapin ko kung yun ang ikakasaya mo.

Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak ng umiyak sa kwarto ko. Mas masakit pa to sa paghihiwalay namin ni Jayvee, para akong bumalik sa una bago kami magkakilala and at the same time gulong gulo kung talaga bang pagmamahal ang naramdaman ko sa kaniya o masaya lang ako na nandyan siya, na may taong nakakaintindi sakin pagtapos ng lahat ng iyon. Siya yung tumulong saking bumangon noon pero siya rin pala ang magbabalik sakin sa pagkakadapa. Now, I don't know where to start... again.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now