Chapter 6

29 4 0
                                    

Chapter 6

Mabilis ang naging hakbang ko palayo sa kaniya pero muli akong natigil ng tawagin ako nito at habulin.

"Lagi kang nagmamadali noh? Hindi pa nga tayo nagpapakilala ng maayos sa isa't-isa." sambit niya ng maabutan ako. Bahagya akong lumingon sa kaniya at ngumiti.

"I'm Carol," mabilis kong pakilala sa kanya.

"Bryan." he said and offer his hand for a handshake pero tinignan ko lang iyon at agad na nagpaalam.

Hindi ko alam, pero may pakiramdam ako na hindi dapat ako makipagkaibigan sa kaniya. Pakiramdam ko may magagalit, kahit na alam kong wala naman na akong boyfriend at wala siyang girlfriend pero pakiramdam ko hindi tamang makipagkaibigan ako sa kaniya, lalo pa at alam kong pareho kaming galing sa breakup.

"Ayaw mo ba kong maging kaibigan? Dami nating similarties, siguradong magiging click tayo sa isa't-isa." agad akong napairap sa sinabi niya.

Wala kong pakealam kahit mag click pa kami o ano. Sadyang hindi pa lang ako handang makipagkaibigan sa iba ngayon. Tama na yung kilala namin ang isa't-isa, alam niya ang pinagdadaan ko at ganoon din siya, tapos.

Sa kagustuhan kong makalayo kay Bryan ay hindi na ako dumaan ng gym at dumaretso na sa gate. Tutal ay gutom na din naman ako, doon nalang ako kakain sa kinakainan ko tuwing lunch noong may pasok.

"Uuwi ka na?" ganoon nalang ang gulat ko nang hanggang paglabas ng school ay nakasunod sa akin si Bryan.

Imbis tuloy na pumunta sa canteen na kinakainan ko sa labas ng school ay mapapauwi pa ako ng maaga nang hindi kumakain.

"Oo, kaya umuwi ka na din."

"Hindi ka ba nagugutom? Libre kita, samahan mo ko." parang wala itong narinig at niyaya pa ako.

"No thanks." mabilis akong naglakad sa kaniya pero hindi siya natinag.

"Iniiwasan mo ko?"

Natigilan ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya.

"Why should I?"

"Ramdam ko lang." nagkibit balikat siya. Umirap ako sa kaniya.

"Then, you're wrong." sabi ko at agad na pumara ng jeep bago sumakay doon.

Halos manlaki ang mata ko nang makita siyang sumakay din ng jeep at nakangiti sa akin.

What the hell!? Sinusundan niya ba ko?!

Inirapan ko siya at nagbayad sa jeep. Sinabi ko kung saan ako bababa, nagulat ako ng iyon din ang sabihin niya. Pagkababa ko ng jeep ay siya ding pagbaba niya.  Imbis na harapin at komprontahin siya ay binilisan ko nalanh ang lakad. Nang makitang hanggang sa building na tinitirahan ko ay nakasunod siya ay hindi ko na napigila ang sarili kong harapin siya.

"Sinusundan mo ba ko?" matalim ang tingin ko sa kaniya ng itanong iyon.

"Huh? hindi, dito ako nakatira. Room 7, ikaw ba?" agad akong nakaramdam ng hiya sa sinagot niya pero hindi ko napigilan ang pagliit ng mata ko sa kaniya.

"Talaga? Bakit hindi kita nakikita?"

"So dito ka din? What room?" umirap ako at imbis na sagutin siya ay agad akong pumasok ng building patungo sa unit ko.

Pagod na ibinagsak ko ang katawan sa kama bago bumuntong hininga. Agad akong nakaramdam ng lungkot ng maalala si Jayvee, he used to send me home from school. Mabilis kong tinaob ang picture frame namin na nasa side table ng kama ko.

Ilang minuto ko pang tinutigan ang picture frame na nakataob bago nagdesisyon na magbihis at kumain sa labas tulad ng balak ko kanina bago umuwi. Bibili na din ng ibang kailangan ko sa school.

Nagpalit lang ako pambahay dahil sa malapit na karinderya lang din naman ako pupunta at sa katabi nitong school supplies. Isang linggo pa naman bago ulit kami magkaroon ng pasom pero dahil kailangan pa naming mag-enroll ay umuwi na agad kami ni Briana sa dorm tutal wala na din namang gagawin sa bahay dahil nagbalikan na din ang mga pinsan namin sa school at kami nalang ni Briana ang hindi.

Dala ko ang isang plastic na naglalaman ng papel, ilan filler at ballpen pauwi ng muli kong nakasalubong si Bryan. Kumaway pa ito sa akin habang nakangiti pero hindi ko ito binati pabalik at dare-daretso sa hagdag.

"Kapitbahay pala natin yung nakasama natin sa hiking! Yung nakausap mo!"

"Yeah, nakita ko. So ano ngayon?" napairap ako sa kay Briana. Halos magkasunod lang kami na dumating sa dorm naming dalawa kay sigurado akong nakasalubong niya din ito.

"Wala lang. Malay mo maging close kayo. Diba."

"No thanks." sabi ko at akmang papasok na sa kwarto nang muli siyang magsalita.

"Bakit? Ayaw mo ba?" agad akong napaisip sa kaniya, kalaunan ay napabuntong hininga nalang.

"Hindi naman sa ayaw ko, pero pakiramdam ko mali. O hindi lang ako handang makipagkaibigan ulit sa iba? Siguro kasi alam kong pareho kaming kakagaling lang sa breakup? Hindi ko alam."

"Is it because of Jayvee? May be because of him. Hindi mo na dapat siya iniisip pa, huwag mong ikulong ang sarili mo sa taong wala naman sayo. You should be friend to anyone, Carol. Hindi naman masama iyon."

"Tsaka ano naman kung pareho kayong galing sa breakup? Wala namang rules na bawal maging magkaibigan ang parehong galing sa breakup. Mas okay nga yun ehh, kasi naiintindihan nyo yung pinagdadaan ng isa't-isa." she continued.

Bumuntong hininga ako.

"Yeah, I know. Pero hindi palang talaga ko handa sa bagay na iyon ngayon." sabi ko at pumasok ng kwarto. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

She right but I can't do it for now. I just can't.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now