Chapter 19

18 2 0
                                    

Chapter 19

I can't sleep the whole night after what happen. Halos buong linggo rin iyong gumugulo sa akin isabay pa ang pagme-message niya sa akin sa facebook at text na hindi ko nalang pinapansin.

Naiinis akong napailing sa sarili. Kanina ko pa kasi binabasa ang isang paragraph sa libro ko pero parang hindi ko ito maintindihan at hindi pumapasok sa isip ko ang mga nire review.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Bryan, magkasabay kaming nagre review, next week na ang exam namin.

Napatingin ako sa kanya pero agad ding napukaw ang tingin ko sa aking cellphone, Jayvee's calling. Mabilis kong pinatay iyon bago pa makita ni Bryan, medyo na guilty agad ako nang makitang nakatingin pa rin ito sa aking cellphone na ngayon ay nakataob sa lamesa namin.

"Sino yun?" he asked. Tumingin ako sa libro ko at sinubukang magbasa ulit.

"Wala, groupmates ko lang."

"Okay, sabi mo ehh." malamig nyang sabi at hindi na ako muling pinansin pa, hanggang sa umuwi kaming dalawa. Nagkibit balikat nalang ako at nagkunwaring walang nangyari.

Nakatulala ako habang kumakain.

"Hey, what happen to you?" Brianna asked me.

Magkasabay kaming kumakain ng tanghalian, busy kasi kami pareho ni Bryan sa mga school works at halos hindi na kami nakakapag-usap o nagkakasabay kumain, hindi ko na rin naman siya kinukulit dahil sa mga pangunglit ni Jayvee ay ayoko nalang munang magreply sa kahit na sino o mag-online.

"Nothing, dami lang activities." sabi ko at muling kumain.

"O, e' diba madalas kayong magkasamang mag-aral ni Bryan? Asan na siya?" umirap ako sa kanya.

"May mga groupings siyang kailangang asikasuhin at ganun din ako." pairap kong sabi.

Agad akong napatingin sa cellphone ko nang magring ito, mabilis kong pinatay ang tawag sa takot na mabasa ni Brianna ang pangalan ni Jayvee doon.

"Oh? Bakit hindi mo sinagot?" mabilis akong umiling at patay malisyang bumalik sa pagkain.

"Are you hiding something?"

Halos mabilaukan ako sa sinabing iyon ni Brianna.

"What do yo mean? I don't hide something," tanggi ko dahil wala naman talaga.

"I saw who's calling." mabilis akong nanlamig sa sinabi niya.

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kabadong kabado ako kahit wala naman akong ginagawa. I felt guilty.

"Since when?"

"Alin?" naguguluhan kong tanong kahit na alam ko kung tungkol saan ang tinatanong niya.

Umirap siya.

"Kailan pa kayo nag-uusap ulit?"

Umiling ako.

"Hindi kami nag-uusap."

"Then, what that call for? Why is he calling you? Alam bayan ni Bryan?"

Sunod-sunod ang pag-iling ko.

"Last week, while I'm waiting for Bryan and I accidentally bump with him, we had a small talk and he met Bryan. And in the end of the day after akong ihatid ni Bryan sa bahay, Jayvee showed up and saying he's still inlove with me."

"And you believe him?" gulat na sabi niya, umling ako.

"Of course not! Hindi naman ako tanga," I said.

"Really? Why not blocked him? And why didn't you tell it to your boyfriend huh?" ako naman ang napairap ngayon.

"He's busy and isa pa exam week na ayokong madistract siya dahil lang sakin."

"Tss, reason." inis niyang sabi at naiiling pa sakin.

"Tell him to stop messaging and calling you, panggulo lang siya sa buhay mo." napabuntong hininga nalang ako, she's right, I should stop him and blocked him.

Nakaupo ako sa hagdanan ng apartment, hinihintay si Bryan na dumaan para magkausap kami. Hindi kasi ito nagreply kanina sakin nangsabihin kong sabay kaming maglunch at magreview para sa huling exam na meron kami sa linggong to. Halos isang liingo na rin kasi nang huli kaming nagkausap at iyon pa ay noong magkasama kaming nagre review.

Agad akong napatayo nang makita ang pagdating ni Bryan. Madami siyang dalang gamit, may paper bag na may lamang uniform na mukhang ginamit niya sa practical at mga libro na dala dala. Nakita ko ang pagkagulat nya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked.

Ngumiti ako sa kanya at akmang tutulungan siya pero mabilis niyang inilayo sa akin ang kanyang gamit at dumaretsong maglakad patungo sa kanyang apartment, sumunod naman ako.

"I'm waiting for you, nag chat ako sayo kanina but you didn't reply." binuksan niya ang pinto at pumasok, ganoon din ako, "I miss you, at miss ko na rin ang mga luto mo." sabi ko pa at umupo sa sofa.

Pinanuod ko siyang pinatong sa lamesa ang ibang gamit at ang iba ay ipinasok sa kanyang kwarto.

"Kumain na ako bago umuwi, at may ginagawa ako kanina kaya hindi ko na nabasa ang chat mo." he said and go inside the bathrom.

Hindi ko alam pero parang may mali sa pakikitungo niya sa akin ngayon. Nasimangot ako.

"Okay." tanging nasabi ko. Napahawak pa ako sa tyan ko, hindi pa ako kumakain dahil akala ko ay sabay kami ngayon pero mali ako.

Tumayo ako sa inuupuan para bumalik na sa aming apartment.

"Uuwi nako, pahinga ka nalang." pasigaw kong sabi para marinig niya ako sa loob, at nang hindi naman siya nagresponse ay umalis na ako doon.

Pagpasok ko ng apartment ay agad na akong dumaretso sa aking kama, inabala ang sarili sa pagbabasa ng notes para sa exam. Finals na kaya kailangan kong ayusin ang lahat ng bumaba akong grades.

Sa huling araw ko sa school ay tinapos ko lahat ng requirements ko dahil uuwi na ako ng bahay sa isang araw at sa next school year na ang balik ko. Mag isa akong naglalakad sa hallway dahil may inutos sa akin saglit ang aming prof sa faculty nang makasalubong ko si Bryan kasama ang blockmates nya, masaya silang nagtatawanan. Bigla ko siyang namiss nang makita siya, ang huli naming pagkikita ay noong hinintay ko pa siya sa apartment at ngayon nasa harap ko na. Nagkasalubong ang tingin naming dalawa pero tila ba wala lang iyon sa kanya. Parang hindi ako nakita at nagdare-daretso sa paglalakad kasama ang mga blockmates niya.

Parang pinipiga ang aking puso sa nangyari, he didn't message me since that day in his apartment and now this. Ano bang problema niya? Hinayaan ko siyang hindi ako itext or what sa pag-aakalang busy siya, but seeing him here laughing with his blockmates like he's not busy is different.

Iritado akong umupo sa iang bench, paulit-ulit sa isip ko ang ginawang pang-i-ignora sa akin ni Bryan sa hallway kanina. While thinking to what happen my phone rang. It's Jayvee again.

Irita akong sumagot sa tawag, finally sinagot ko rin ang tawag niya after an weeks.

"What do you need? Tapos na tayo diba? ano pa bang kailangan mo?"

"Can we please talk?"

Lalo akong nairita sa narinig sa kanya.

"Can you please stop? May boyfriend na ako diba?"

"I know that you don't love him, you're just using him to forget me!"

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kaniya, but I felt some part of me hurt.

"Ang kapal mo naman para sabihin yan pagkatapos ng ginawa mo!"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"I know, kaya nga gusto kong makipag-usap at makipagkita sayo."

"At para saan pa? Tapos na tayo!"

"Look, wala na kami. I realize na ikaw parin pala talaga ang mahal ko. Nakipaghiwalay agad ako sa kanya nang makumpirma kong ikaw parin ang gusto ko." hindi ko alam pero bigla akong natahimik sa narinig.

There's something warm my heart after hearing those words. Parang gusto kong maniwala, parang totoo ang sinasabi niya.

"Next week, lets meet at Trece Mall, 11 in the afternoon." mabilis kong sabi at pinatay ang tawag.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now