Chapter 10

34 4 0
                                    

Chapter 10

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko, mga 7:30 ng umaga. Maglalaba pa kasi ako at mag-aayos ng gamit nadadahil sa swimming namin ng mga kaklase ko. Alas-tres ng hapon usapan at dapat tanghali palang ay tapos na ako sa paglalaba at pag-aayos ng gamit, bibili pa din kasi ako ng pagkain na dadalhin.

Nag-aayos ng mga lalabhang damit sa mini washing machine na nabili namin online ni Briana nang magising si Briana, pwede iyong gawing dryer ng damit. Aksidente ko lang nakita ng naghahanap ako ng washing na maliit lang na pwede dito sa apartment para hindi na ako magdadala lagi ng maruming damit kada uuwi ng bahay.

"Hindi ka ba uuwi?" tanong ni Briana sakin nang makita ako sa washing machine. Dumaretso ito sa lababo para uminom ng tubig.

"Bukas pa ko uuwi, nagkayayaan kasi mga kaklase namin at birthday ng isa sa kanila kaya sa resort nila kami mag-overnight." sabi ko.

Napag-alaman kagabi na ang co-ordinator pala namin ang may birthday ngayon kaya ganoon nalang ang pag-aaya niya. At dahil doon ay sagot na daw niya ang room na tutulugan namin.

"Mag-iinom kayo? Wag kang papakalasing ahh? Baka umiyak ka na naman."

"Hindi ahh." umirap ako.

"Kasama ba si Bryan?"

"Oo.

"Ibibilin kita sa kaniya." agad akong napatingin sa kaniya.

"Wag na, kaya ko na."

"Okay, sabi mo ehh." sabi niya at pumasok ng kwarto.

May pasok pa siya ngayong araw kaya bukas pa ang uwi nito at maglalaba pa mamayang gabi. Nagluto na din ako ng agahan habang nagpapaikot ng mga damit para makakain na din kami ni Briana bago siya pumasok.

"Anong oras ka aalis?" tanong sakin ni Briana habang kumakain.

"Mga 1:30 or 2. Bibili pa ko ng babaunin ko, kakahiya pag walang tapong."

"Akala ko ba birthday ng kaklase mo? Edi libre na pagkain nyo." ngumuso ako bago tumingin sa kaniya.

Libre na nga din pagkain namin pero bibili na din ako pandagdag dahil libre na din naman ang entrance at stay namin sa resort nila.

"Pangdagdag lang." sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na din si Briana para pumasok kaya naiwan na akong mag-isa sa dorm. Nag-ayos ako ng gamit na dadalhin ko habang nagpapaikot, dalawang pares ng damit at pangswimming lang ang dala ko at mga mahahalagang gamit na kailangan kong dahil. Saktong magtatanghalian na ng matapos akong maglaba kaya agad akong naligo at kain para makaalis na.

I wear floral puff sleeve dress and slippers, dala ang backpack ay lumabas na ako ng dorm para umalis na. Sa malapit na savemore ako pumunta para bumili ng sitsirya, hindi na ako bumili pa ng pagkain nadadalhin bukod sa dala.

Palabas nako ng savemore papunta sa bilihan ng cake nang nakasalubong ko si Bryan. Agad siyang ngumiti sakin at tinawag ako.

"Carol!" he called me.

"Nandito ka lang pala, kanina pa ko katok ng katok sa apartment nyo." he continued, napakamot nalang ako sa batok ko.

"Nakalimutan kong kumatok sa apartment mo, sorry. Baka kasi mamaya ka pa pupunta kaya di na kita dinaanan." sabi ko, tumango lang siya at nagpasama sakin na bumili ng kaniyang dadalhin.

"Ano bang magandang dalhin?" bulong niya, hindi ako sumagot, baka para sa sarili niya iyon at hindi sakin.

"Ikaw? Anong dala mo?" napatingin ako kay Bryan ng tanungin ako nito.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now