Chapter 9

32 5 0
                                    

Chapter 9

Malaki ang ngiti ko ng pumasok ng Lunes. Nakatingin ako sa picture sa cellphone ko, kuha iyon noong isang gabi kung saan ginanap ang gig nila.

"Sino yan?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Bryan at tinignan ang phone ko.

Picture iyon ni Dale habang kumakanta, sa gilid nito ay kitang kita si Clack ang crush ko sa band nila. Ang pinaka cool na leader at lead guitarist para sakin.

"Ahh, Invalid?"

"Oo, kilala mo din?" manghang tanong ko.

"Oo naman, dating vocalist nila si Kuya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Totoo?

"Si Rannie?" tumango siya.

"Hala! Weh? Bakit siya umalis sa grupo?" imbis na sagutin ako nito ay nagkibit balikat lang siya at umupo sa upuan niya. Kukulitin ko pa sana siya pero sakto namang dumating ang teacher namin kaya umupo nalang ako ng maayos at nakinig sa klase.

I tried to asked him about his brother during the breaktime pero hindi niya ako sinasagot. Nung nasa grupo pa si Rannie ay siya ang crush ko bago si Clark, kaya sobrang nasaktan din ako ng umalis siya sa banda a years ago. I've been their fan since grade-7, at wala pang dalawang taon ay umalis ang vocalist nila sa banda kaya kinailangan nilang maghanap ng bago, at iyon si Dale, ang kabatch ko. Kilala din ito sa school lalo na at madaming nagkaka gusto dito.

"Angeles and Monreal, Aure and Suyat..." agad akong napatingin kay Bryan ng marinig na siya ang partner ko hanggang sa matapos ang sem na ito.

Last subject na sa araw na ito at magkakaroon kami ng reporting sa mga susunod na klase. Kami ang magiging magpartner sa mga gagawin naming activity hanggang sa matapos.

"Buti naman, at tayo ang magkapartner. Magkalapit lang tayo ng apartment ehh, hindi na mahirap yun." nakangiting sabi niya. Agad naman akong napasang-ayon sa kaniya.

He has a point. Pwede naming gawin iyon kahit walang pasok, kakatok lang siya sa apartment namin at hindi na kailangang magbyahe.

"You lift my feet off the ground, spin me around, you make me crazier, crazier..." I sung with the music from my earphones.

Mag-isa akong naglalakad pauwi, mauuna kasi ang apartment ng dalawang kaklase bago ang apartment ko kaya pagkalagpas doon ay mag-isa nalang ako. At para hindi mainip habang naglalakad ay nagpatugtog ako sa earphone ko.

"Galing naman kumanta." kahit naka earphone ay narinig ko iyon, si Bryan na nasa likod ko.

"Tss." hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Hininaan ko din ng kaunti ang music para marinig ko ng maayos kung magsalita siya. Pero imbis na magsalita ito ay kumanta ito.

Walang dudang kapatid nga niya si Rannie. Malamig ang bose na medyo may pagka husky, boses na titilian ng mga babae at maaaring isa pa ako doon.

Kahit matagal na ding nagpalit ng bagong vocalist ang Invalid ay pala isipan pa din sakin ang pag-alis ni Rannie at ang pagliat niya ng school. Madami ang nag-audition para maging vocalist nila, may mga babae din at isa ako sa mga iyon na hindi pinalad kundi ang late na Dale na kahuli-hulihang nag-audition.

Tapos na ang audition noon nang dumating siya, isang chorus lang ang pinakanta sa kaniya at napili na agad siya. Napag-alaman din naming inoffer na pala iyon sa kaniya ni Clark kaya mabilis lang siyang natanggap.

Napatingin ako kay Bryan na ngayon ay kasabay ko na sa paglalakad. Hindi ko matandaang may kapatid si Rannie sa lower year at ka batch ko pa.

"Paano kayo naging magkapatid ni Rannie?" I asked kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya ako dahil sa earphones niya sa tenga.

Napabuntong hininga nalang ako nang hindi siya sumagot. Hindi niya nga siguro ako narinig. Inalis niya lang iyon nang nasa tapat na kami ng apartment niya para magpaalam sakin, tumango lang ako sa kaniya at dumaretso na sa apartment ko.

Sa mga sumunod naging busy ako pati narin si Bryan, dahil sa magkasama kami sa reporting. Sa apartment ko kami madalas na gumagawa, kasama din namin si Briana pero iba naman ang ginagawa niya.

"Buti pa kayo may partner, kami puro solo. Hays." sabi ni Briana, habang naggagawa ng report niya.

Natawa lang ako ng konti sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa. Nagluluto ako ng ulam ngayong hapunan, habang si Bryan naman ay ginagawa pa din ang report namin. Tinatype nito ang report namin sa powerpoint, nagprisinta siya at gagandahan niya daw.

"Nagpadeliver nalang sana tayo. Magrereview pa ehh." dinig kong sabi ni Bryan, napailing nalang ako. Malapit na kasi ang prelim at sunod-sunod pa ang quiz sa mga subjects namin ngayong linggo.

Nakakapagbasa naman ako kahit papano pagwalang klase at bago kami gumawa muli ng report. Kaya recall recall nalang at basa pa ng konti ay may maisasagot na ko kahit papaano.

"Thank you and good night." paalam nila samin ni Briana ng matapos sa pagrereview. Patapos na din naman namin ang report namin na nextweek na kailangan i-present.

"Tara swimming! Sama kayo lahat ahh?" sabi ng co-ordinator namin.

Tapos na ang prelim kaya medyo makakapagpahinga na kami ng konti, at ngayon ay nagkakayayaan pa.

"Sige ba, kailan?" sunod-sunod na tanong ng mga kaklase namin.

"Bukas? Friday bukas, wala tayong pasok diba? Overnight hanggang Sabado na!" sagot ng co-ordinator namin.

"Sama tayo?" napatingin ako kay Bryan ng sikuhin ako nito at bulungan. Nagkibit-balikat ako.

Wala naman akong plano this weekend kundi ang umuwi samin at matulog. Ilang gabi na din kasi akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa pagrereview, minsan gusto ko nalang sanang matulog pero biglang kakatkok si Bryan at sa apartment pa talaga namin magrereview kaya napipilitan din ako.

"Dali na." pangungulit nito hanggang sa mag-uwian na.

"Ikaw nalang, uuwi muna ko samin bukas."

"Ohh? Edi hindi na din ako sasama uuwi nalang din pala ko." nagkibit-balikat ako.

"Okay."

Nasa dorm nako at nakahiga sa aking kama nang biglang tumunog ang messenger ko, bagong group chat kasama ang mga kaklase ko. Pinag-uusapan ang outing bukas.

"Sama nyo mga jowa nyo ahh?? Para mas madami." chat ng co-ordinator namin.

Napairap nalang ako at pinatay ang data ko. Ipapatong ko paang sana ulit ang cellphone ko sa side table ay muli itong tumunog dahil sa text. Galing kay Bryan.

Bryan:
Sama na tayo. Libre ko!

"Huy, ano yan? Sinong ka text mo?" halos mapatalon ako ng biglang magsalita si Briana sa likod ko. Nakadapa kasi ako habang nakatingin sa cellphone.

Nakadating na pala siya. Hindi ko manlang namalayan.

"Wala, mga kaklase ko nag-aayang mag swimming bukas. Overnight daw."

"Oh?? Bakit hindi ka sumama?" napatingin ako sa kaniya at umupo.

"Wag mo nang pag-isipan, sumama ka na. Malay mo isa na pala sa mga kaklase mo yung magiging jowa mo para makalimutan yung ex mo." nanliit ang mata ko sa kaniya.

"Wala pa iyan sa isip ko! Oo na, sasama ako pero hindi para maghanap ng jowa. Tss." tumawa lang siya bago muling lumabas ng kwarto. Napasimangot nalang ako nang muling tignan ang cellphone.

To Bryan:
Oo na,

Bryan:
Yown!

Playful Heart (Playful Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon