Chapter 7

42 5 0
                                    

Chapter 7

Maaga akong nagising sa alarm ko para sa unang araw ng ika-dalawang semester namin. Nakabihis na si Briana ng lumabas ako ng kwarto, maaga daw siyang dadaanan ng boyfriend niya para sabay silang kumain.

Napairap nalang ako sa kaniya.

"Ay, oo nga pala!" she said when she realized something.

"Sorry, couz. Sa susunod di ko na sasabihin."

"Ayos lang." sabi ko bago pumasok sa CR para maligo.

Paglabas ko ng CR ay nakaalis na si Briana kaya ako nalang mag-isa. Nagsusuklay pa ako habang pababa ng hagdan, dadaan pa ako sa 7Eleven para bumili ng tinapay at kami bago pumasok. Ganoon lagi, lalo na pagkasabay ni Briana ang boyfriend niyang magbreakfast, bumibili nalang ako ng tinapay kesa magluto pa.

"Hindi ka ba sasakay?" napatingin ako sa nagsalita, si Bryan.

"Dadaan lang ako ng 7Eleven." sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad, palayo sa sakayan.

"Anong bibilhin mo?" nagulat ako ng muling lumingon sa kaniya.

He's following me.

"Kape at tinapay."

"Bakit? Hindi ka ba kumain?" napakunot ang noo ko sa muli niyang tanong.

Bakit ba siya tanong ng tanong?

"Hindi." malamig kong sagot at pumasok sa 7Eleven.

Lumapit ako sa refrigerator para kumuha ng kapeng nasa bote. Malamig, pero okay na din kesa wala. Kinuha ko ang bote ng kopiko at isasara na sana ang refrigerator nang muling sumulpot si Bryan sa tabi ko.

"Teka, hindi ka ba si-sikmurain dyan? Ang lamig nyan." imbis na pansin siya ay sinara ko ang refrigerator at lumapit sa lalagyanan ng doughnuts.

Kumuha din ako doon ng isa, bago nagbayad sa counter. Palabas na ako nang nagmamadali ding lumabas si Bryan at hinabol ako.

"Eto ang kainin mo, mamaya mo nalang kain yang doughnut." mabilis niyang sabi at iniabot sakin ang ang plastic bag, bago malabis na naglakad palayo sakin.

Napatingin nalang ako sa kaniya habang papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Doon ko lang tinignan ang laman ng binigay niya, hotdog sandwich at mainit na kape. Muli akong napatingin sa kung saan siya kanina kahit na wala na siya doon at bumuntong hininga.

Umupo ako sa isang bench ng 7Eleven at doon kinain ang binigay niya, nilagay ko naman sa bag ko ang binili ko, mamaya ko nalang kakainin. Nang maubos ko ang hotdog sandwich ay umalis na ako doon dala ang kape, sakto lang sa pagdating ko sa school ay naubos ko ang kape.

Madami nang estudyante doon, ang iba ay mga nakatambay sa hallway at mga nag-uusap, ang iba naman ay kadarating lang din katulad ko. Tinignan ko ang schedule ko para mahanap na ang magiging room ko sa unang subject.

Binati ko ang ibang kakilala na nasa room sa unang subject ko at umupo sa malapit sa bintana. Ang iba ay naging kaklase ko noong highschool at last semester. Ilang sandali pa ay nagdatingan na din ang iba naming kaklase at ang prof.

"Hi." agad akong napatingin sa nagsalita. Nagulat pa ako ng makitang si Bryan iyon at umupo sa tabi ko.

Malaki ang ngiti nito sa akin, imbis na pansinin siya ay tumingin nalang ako sa harap kung saan nagpapaliwanag ang prof tungkol sa magiging subject namin sa kaniya.

"Magkaklase pala tayo. Marketing ka din ba? O HRDM?" muli niyang sabi pero hindi ko ito pinansin.

"Kinain mo ba yung binigay ko? Nabusog ka ba?" napakunot ako ng noo nang muli itong magsalita.

Hindi ko muli siya pinansin at kumuha ng papel at ballpen para ilista ang mga kailangang bilhin sa subject. Nilagay ko kung ano ang subject na iyon bago isinulat ang mga requirements, nang makita niyang may ginagawa ako ay hindi na niya ako ginulo pa at nakinig sa prof.

Matapos magpaliwanag ng prof ay isa-isa naman kaming nagpakilala sa klase. Bukod sa hindi pa kami kilala ng prof ay madami din akong hindi ko kaklase ng 1st sem.

Agad kong inayos ang ang gamit ko nang matapos ang unang subject, atat nang lumipat sa susunod na klase para makalayo kay Bryan.

"San ka sa sunod mong subject?" hindi ko ito sinagot at agad na lumabas ng room para pumunta sa next subject.

Wala pang tao sa next class ko ng dunating ako, naiiling nalang akong naupo ng maalalang breaktime nga pala muna bago ang klaseng ito kaya doon nalang ako kumain habang naghihintay at para hindi na din mag cross ang landas namin ni Bryan.

Ganoon nalang ang tuwa ko ng hindi ko kaklase si Bryan. Introduce yourself lang ang naging klase namin doon at konting introduction sa subject niya at pagbibigay ng requirements bago umalis.

Lunch break ang sunod kaya dumaretso na ako ng canteen. Konti lang ang tao doon kaya pagkabili ko ng pagkain ay pinili kong sa isang gilid nalang maupo. Nang dumating si Briana ay tumabi ito sa akin kasama ang boyfriend niya.

"Hay nako. Puro introduce yourself na naman. Tapos may pa talent pa!" reklamo ni Briana habang kumakain.

Naiiling nalang ako. Mabuti nalang kanina sa mga naunang subject ko ay wala.

"Anong oras pala uwi mo mamaya?" tanong ng pinsan sakin.

"2:30 tapos ng klase ko mamaya ehh. Last na yun. Tapos bukas 9 unang klase ko. Ikaw ba? Uuwi ka ba agad?"

"Oo siguro, 4 pa naman tapos ng sakin. Sayo ba Babe?" tanong nito sa boyfriend.

"3:30, pero hintayin na kita. Sabay na din tayo mag dinner. May bibilhin pa ko sa NBS ehh." napairap nalang ako sa dalawa at mabilis na tinapos ang pagkain para makaalis na doon.

Naalala ko na naman kasi si Jayvee. We used to do that too, kung maaga siyang lumabas akin ay hihintayin niya ako tapos kung gabihin man kami sa kakatambay sa kung saan ay kakain muna kami bago niya ako ihatid sa bahay.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng maramdaman ang pag-agos noon, nasa room na ako para sa huling subject sa araw na iyon. Nang matapos akong kumain ay nagpunta na agad ako dito sa room.

"Here." napatingin ako sa panyong nasa harap ko bago sa nag-aabot nito, si Bryan.

He slightly smile when our eyes met.

"Kunin mo na." he said again. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha iyon. He sat beside me again, it means he's my classmate again.

"Thanks." sabi ko at agad na suminga doon.

"You're welcome. By the way, last subject mo ba to?"

"Yeah, ikaw ba?" sagot ko.

"Same." he said and smile at me. Bahagya din akong ngumiti sa kaniya at tumango.

"Sa wakas ngumiti ka din sakin pabalik." agad na tinapunan ko siya ng matalim na tingin, lalo lang itong ngumiti at tumingin na sa prof namin na kadarating lang.

Introduce yourself lang ulit ang pinagawa samin at talent. Kumanta ako at ganoon din si Bryan, nahiya ako bigla ng marinig ang boses nito. Malamig iyon at tila ba nanghaharana. Halos matawa ako sa naisip.

Nanghaharana?

Ganoon kasi ang mga kadalasang bases na naririnig ko sa mga naggi-gitara, malamig na baratinong boses. Mga boses na nakakapagpahulog sa mga babaeng nililigawan nila. At isa ako sa mga babaeng hindi dinaan doon, dahil bukod sa hindi naman kumakanta si Jayvee, ay sayaw ang hilig nito. And he once dance in our school and he dedicate it to me.

Nang matapos ay klase ay agad akong lumabas ng room. Balak kong dumaan muna ng National Book Store para sa mga kailangan.

"Hindi ka pa uuwi?" agad akong umiling sa tanong ni Bryan. Hinabol niya pa talaga ako para lang itanong iyon.

"Saan ka pupunta?"

"Punta kong National."

"Sama, may bibilhin din ako ehh." hindi pa ako nakakasagot pero siya na ang nagdesisyon para doon.

Siya pa ang nauna sakin sa pagsakay ng jeep at sa pagpunta ng National. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang sumama sakin.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now