Chapter 21

23 4 0
                                    

Chapter 21

From: Bryan
I'm sorry, I can't visit you today. Promise babawi ako bukas, may pupuntahan at gagawin lang ako ngayong araw. Date tayo bukas. I love you.

Medyo na lungkot ako sa nabasang text mula kay Bryan, but at the same time nakahinga din ng maluwag. Kasalukuyan akong nasa Mall habang hinihintay si Jayvee, ngayon ang araw ng usapan naming dalawa.

Wala na akong planong duktungan pa ang natapos naming relasyon na siya mismo ang unang nagtapos. All I want now is to talk to him, I want to hear his explain. Wala kaming naging closer, at para tuluyan kong maibigay ang puso ko kay Bryan ay kailangan kong tapusin ang dapat matagal nang tapos sa amin ni Jayvee.

Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang magloko sa akin at paano iyon nagsimula. I know there is still a part of me na masakit parin pag sinabi niya lahat ng iyon, but I'll accept that. Normal lang iyon dahil naging parte siya ng pagkatao ko.

Natigil ang scroll ko sa phone ko nang may bigla nalang nagtakip ng mata ko gamit ang kamay. Mabilis kong hinawakan ang kamay na iyon. Hindi ko maiwasang mapangigi, lagi niya tong ginagawa sa tuwing naghihintay ako sa kaniya at napapatulala.

"Bryan, stop it." natatawa pero painis kong sabi sa kaniya at bahagya pang tinapik ang kanyang kamay.

Mabilis niyang inalis ang kamay sa aking mga mata,  natatawa parin ako dahil doon. Akala mo ahh.

"I'm not Bryan, I'm Jayvee."

Agad na napawi ang ngiti sa aking mga labi. Gusto kong paluin ang noo ko dahil doon. Bakit nga ba si Bryan agad ang pumasok sa isip ko sa ginawa niya? Ginagawa din naman ni Jayvee sa akin iyon dati, pero hindi ako kahit kailan nagkamali sa names, ngayon lang.

Iwinala ko ang nasa isip. It doesn't matter anymore, tapos na. At wala na rin iyon sa kaniya, malinaw naman na ang sinabi ko sa kaniyang mahal ko si Bryan at hindi na ako babalik sa kaniya.

"It's okay, I understand." pag-iiba niya para mamatay ang katahimikan sa aming dalawa.

Nasa isang bench kami malapit sa hagdan kaya maingay, madaming dumadaan habang nakikipag usap sa mga kasama. Samantalang kaming dalawa ay halos walang pinag-uusapan kung hindi siya mismo ang babasag sa aming katahimikan.

"Let's eat first?" agad akong napatingin sa kaniya nang sabihin iyon.

"We're not here for a date. Mag-uusap lang tayo."

"We can talk over lunch."

"I'm not hungry."

"Really? Kahit sa paborito mo pang restaurant tayo?" natigilan ako sa sinabi niya.

Alam niya ba kung saan iyon? I doubt, nipaborito ko ngang pagkain hindi niya alam, iyon pa kaya?

"Don't look at me like that. Alam ko kung saan iyon, try me. I will prove you wrong." proud niyang sabi na parang alam na alam niya talaga kung saan iyon.

Ang kaninang ayaw kong pagsama sa kaniya sa pagkain ay kabaliktaran na ngayon. Dahil lang sa gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi niya ay heto ako ngayon at kasama siyang naglalakad. Medyo nagulat pa ako nang makitang tama niya siya, alam niya kung saan ang gusto ko. Medyo madami din ang tao doon pero may space pa naman.

"Dito ka nalang maghintay, ako na ang o order para satin. O orderin ko ang paborito mo." agad niyang sabi nang makahanap kami ng lamesa.

"Alam mo ba?" may dudang tanong ko. Ngumiti lang siya at iniwan ako.

Parang may naalala ako sa inuupuan ko ngayon. Parang nangyari na ito dati. Sinubukan kong tumingin tingin sa paligid para alalahanin kung ano nga ba yung bagay na iyon, until it came back to me.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now