Chapter 5

29 5 0
                                    

Chapter 5

Nakatingin ako sa mga laman ng basket na hawak ko. Inaya ako nila Briana na magmall at mamili. Dahil sa isang clothing boutique kami pumasok ay nagtingin-tingin na din ako ng pwede kong bilhin nang bigla nalang silang lumapit sa akin dala ang mga damit.

"Bagay to sayo." sabi nilang dalawa at inilagay sa basket ko ang mga dress, shirts at shorts.

Aangal pa sana ako pero agad na nila akong nilayuan at muling naghanap ng iba pang damit. Napairap nalang ako habang tinitignan ang pinili nila para sakin. Malayo ang mga style na iyon sa mga sinusuot ko, dress and croptop. Maladas ay statement shirt lang ako sinusuot, mga shorts at pants. Simple lang dahil iyon din ang nakasanayan, nagde dress din naman ako pero madalang at jumper pa.

Nang matapos kasi sa store na iyon ay agad kaming tumungo sa iba, sa mga sapatos at watsons. Pagdating namin ng watsons ay agad na naiwan ako at pinuntahan ang kanilang gusto. Tumingin pa ko sa paligid bago naisipang tumingin ng liptint para sakin, matagal ng ubos ang dati kong ginagamit at hindi pa muling nakakabili.

Kinuha ko ang isang roller tint ng kilalang brand at isang baby powder. Akmang dadalhin ko na iyon sa counter ng harangin ako ni Briana. Tinignan nito ang hawak ko.

"Ano ka ba naman. Hindi ka na grade 7 para yan lang ang bilhin. Idagdag mo tong sunscreen na to palitan natin ng ponds powder yang baby powder." kinuha niya ang baby powder sakin at pinalitan ng pons.

"Tapos idagdag mo tong mouse cream para pamblush pwede din sa lips." inabot pa nito sakin ang isang parang liptint din ng kilalang brand. May iba pa siyang iniabot sa akin pang skin care bago ako pinagbayad.

Paulit-ulit nilang sinabi na tuturuan nila ako kung paano gamitin ang mga iyon. In short, gusto nila akong i-make-over.

"Wait, CR lang ako." paalam ko sa dalawang pinsan at mabilis na inilapag sa tabi nila ang aking dalang mga paper bag.

Mabilis ang lakad ko patungo ng CR habang kinakapa ang cellphone sa aking bulsa. Nang makuha iyon ay agad kong binasa ang ilang message dun habang naglalakad. Kakaopen ko palang ng message galing kay Mama nang bigla akong mabangga dahilan para mahulog ang cellphone ko.

"Hala." tanging nasambit ko, habang ang nakasalubong ko naman ay napamura sa nangyari. Nagse-cellphone din ito kaya pati ang kanya ay nalaglag.

"Sorry." paumahin ko at agad na pinulot ang cellphone naming dalawa. Nanlaki ang mata ko ng nakitang parehong basag ang mga iyon.

"Basag?" tanong niya ng iabot ko ang kaniya. Doon ko lang namukhaan kung sino ang aking nabangga. Siya yung lalaki sa beach at nung nag hiking.

I bit my lower lip and nod to him. Kita kong parang nakilala niya din ako, kaya imbis na mainis ito sa akin ay nginitian pa ako nito.

"It's you." he said and smile at me. Kahit nahihiya dahil sa nangyari ay ngumiti ako pabalik.

"I'm sorry."

"It's okay, balak ko na din namang bumili ng bago. What about yours? Basag din ba?" he said and immediately check my phone.

Pag-open palang ng cellphone ko ay wala nang makita kundi puti.

"Basag din. Pareho tayo." he said and cackled. Bahagya din akong natawa.

"Dami naman nating similarties." he continued.

"Paltan ko nalang phone mo, kasalanan ko din naman dahil ang bilis ng lakad ko tapos di pa ko nakatingin sa dinadaanan ko." muli niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa kaniya.

"Hindi na. Ayos lang. Hehe. Sige, una nako." agad kong paalam sa kaniya at tumungo sa CR.

Mas okay na munang wala akong cell phone. Para makalimutan ko si Jayvee at para hindi ko na din makita ang mga pictures naming dalawa. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din napapalitan ang wallpaper ko ng picture namin na magkasama. Malaking tulong na din sakin na nasira iyon dahil hindi ako mapakaling hindi tignan ang wall niya at ang mga pictures naming dalawa.

Naghugas ako ng kamay bago bumalik kina Briana. Kumain lang kami sandali at umuwi na. Sa isang linggo na ang enrollment, kaya pagkauwing-pagkauwi namin ay agad na tinuruan ako ni Rail kung paano gamitin ang mga pinili namin. Na kwento ko din sa kanina ang pagkabasag ng cellphone ko except dun sa taong nakabangga ko.

"Gabi-gabi mong gagamitin tong skin care na to. Para  mawala yang mga pimples mo." sabi ni Briana. Tumango ako sa kaniya.

Simula ng magcollege ay biglang dumami ang pimples sa mukha ko. Sabi nila ay dahil sa madalas kong pagpupuyat kakagawa ng mga school works at ang pagka-stress ko daw kay Jayvee. Napapairap nalang ako kay Rail pagsinasabi niyang isa din si Jayvee sa dahilan.

Second day palang ng ginagamit kong skin care namalat na ang mukha ko. Nung una ay kinabahan ako kaya sinabi ko agad kay Rail at Briana pero sinabi nilang normal iyon dahil rejuv ang pinagamit nila sa akin at i-expect ko na daw na magiging mahapdi iyon sa mukha ko. Ilang days palang ay nakita ko na agad na medyo nawala na ang mga pimples ko pero 1 month ko dapat gamitin ang binili namin.

Nagtaka ako nang pagdating ng enrollment ay may kaniya-kaniyang lakad ang mga pinsan kaya mag-isa akong pumunt ng school para mag-enroll. Hindi ko din nakita ang ibang blockmates ko kaya no choice akong, ako lang talaga mag-isa.

Nang matapos ako ay agad kong nakaramdam ng gutom pero imbis na umalis na ng school at kumain ay napagdesisyunan kong dumaan sandali ng gym para tignan kung may mga tao ba roon. Pero nakakailang hakbang palang ako galing sa registrar at may tumawag sa akin na ikinalingon ko.

"Miss Broken!" nakakainsulto man ang tawag sa akin ay napalingon pa din ako.

Malaki ang ngiti ang iginawad niya sa akin. Siya yung sa beach at sa hiking, anong ginagawa niya dito?

"Dito din ako pumapasok. I'm glad that I met you again." he said with a big smile at his face, I slightly smile back at him.

"Yeah, nice to meet you again. Una na din ako. Hehe." mabilis kong paalam at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.

I don't know, pero may part sakin na ayokong makipagkaibigan sa kaniya. Pakiramdam ko mali.

Playful Heart (Playful Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon