Chapter 16

27 3 0
                                    

Chapter 16

"Hindi ka uuwi?" sabi ni Briana sa akin. Dumaretso siya sa timplahan ng kape.

Friday ngayon at uuwi kami, pero eto ako at naglalaba. Well, gantong araw naman din talaga kami naglalaba at sa hapon o tanghali ang uwi. Uuwi naman talaga ako para magpaalam, at babalik bukas para sa overnight nila Bryan.

"Uuwi ako, pero babalik din ako dito bukas."

"Bakit?" agad niyang tanong.

"May overnight bukas sa pinsan ni Bryan. Isasama niya raw ako."

"Really? Ipapakilala ka ba bilang girlfriend? Siya ba? Hindi mo ipapakilala bilang boyfriend?" napahinto ako sa ginagawa sa sinabi ni Briana.

Muli kong naalala ang sinabi ni Bryan sa akin last week.

"Ipapakilala na niya ko bilang girlfriend. Pero hindi ba masyadong mabilis kung ipakilala ko na siya kina Mama bilang boyfriend?" bigla kong tanong sa kaniya. Bumuntong hininga ako.

I look at her. Matama din siyang nakatingin sa akin kahit na umiinom pa ito ng kape. Sumimsim siya sandali doon bago nagsalita.

"In one month, wala ka ba manlang bang naramdaman sa kaniya? Lagi kayong magkasama at sobrang maalaga pa siya sayo. Any feelings?"

Muli akong napaisip, yung mga times na kasama ko si Bryan pero lahat nang iyon ay natabunan ng memories namin ni Jayvee. Masyadong mabigat ang lahat ng memories ko with Jayvee. Siya ang halos una, he's my first boyfriend, first holding hands, first date, first kiss, ang unang lalaking naglakas loob na ligawan ako at lalaking nagpakilala kina Mama na ligawan ako at gustong maging girlfriend. Kaya siya din ang naging escort ko sa debut ko.

"Si Jayvee pa din ba?" hindi muli ako nakasagot, nag iwas ako ng tingin at tinignan nalang ang mga damit sa washing.

I'm guilty.

Bryan:
Sunduin nalang kita bukas sa inyo, ipagpapaalam na din kita.

Agad na nagwala ang dibdib ko sa nabasa. Nasa bahay na ako ngayon, tapos na kami g mag dinner at nakapagpaalam na ako. Hindi naman ako pinagbawalan kahit na ko na si Bryan talaga ang kasama ko at mga pinsan niya.

"Sino 'yon, Ate? Boyfriend mo?" singit ng kapatid kong lalaki, si Sandy.

Hindi ako nakasagot sa tinanong nito at natigilan. I don't know what to say.

"Boyfriend mo nga, Ate?" pag-uulit pa nito. Nanlaki ang mata ko at napatingin kina Mama at Papa.

Nakamasid lang sila sa akin, naghihintay sa isasagot ko. Agad akong umiling at sumagot, kabado.

"Hindi po, manliligaw palang."

Agad kong nakita ang pagtaas ng kilay ni Mama at Papa dahil sa aking sagot. Ilang sandali pa ay sumilay ang ngiti kay Mama.

"Palang? So may pag-asa ha?" sabi ni Mama bago tumawa. Hindi ko maiwasang mapangiti din.

"Susunduin ka ba niya dito? Gusto namin siyang makilala, para naman makasiguradong safe ka sa kaniya." duktong naman ni Papa.

"Okay, sabihin ko po agad sa kaniya."

Hindi ko ine-expect na ganoon ang magiging reaksyon nila. Na hindi sila magagalit at papayagan pa rin ako. I can't tell them that Bryan is already my boyfriend dahil alam kong mabibigla sila, mas okay na din iyon dahil hindi naman din naman malayo sa kung anong meron kami. Maintindihan din naman iyon ni Bryan.

"Bait pala ni Tito, anytime daw ohh pwede akong bumisita sa inyo." nahimigan ko ang tuwa kay Bryan nang sabihin iyon.

Nasa kotse na kami, kakasundo niya lang sa akin sa bahay. Kinausap lang siya saglit ni Papa bago kami tuluyang umalis.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now