Pang Tatlumpu't Tatlong Silip

140K 2.8K 310
                                    

33 

Pagkatapos kong marealize ang sinabi ko, gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Agad agad. Utang na loob naman kasi, bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko? Bakit ba nadulas ako? Pwede pa bang bawiin yun? O kaya magpalusot na lang ako? Pero anong klaseng palusot ang sasabihin ko. Waaahhhh!

Sana hindi niya narinig, sana hindi niya narinig. Paulit ulit na panalangin ko kasi alam kong mahal ako ng Diyos. Pero nakalimutan ko din na hindi pala ako mahal ng author kaya napapikit na lang ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Paeng.

“Anong sinabi mo Ana?” Lahat ata ng init sa katawan ko umakyat na sa ulo ko dahil sa kahihiyan na nararanasan ko sa mga sandaling yun at sa mga kahihiyang mararanasan ko pa sa susunod na segundo, minuto, oras, araw at dekada ng buhay ko.  Tama nga ata ang sinabi nila. Love is an overwhelming feeling kasi naooverwhelm ako ngayon sa kahihiyan.

“Aahhhh…ehhhh…ihhhh…oohhhh…uhhhh.” Gusto ba niya talagang ulitin ko? Ayokowwww! Ayoko!

“Ana.” Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at nahiga sa tabi ko. Nakatagilid siya at nakaharap sa akin at ako nakatihaya pa din. Ayaw ko nga siyang tingnan. Baka kasi pinagtatawanan na niya ako.

“Hindi mo narinig?” I am crossing my fingers, hoping against hope na yes ang isasagot niya. Parang awa mo na. Spare me from this embarassment.

“Narinig. Gusto ko lang I confirm.” Walang hiya naman. Torture na to. Pinagtatawanan ba ako ng lalaking ito?

“Narinig mo naman pala eh! Bakit kailangan ko pang ulitin? Ulyanin ka ba at kailangang paulit ulit?” Nagkunyari na akong galit para pagtakpan ang kahihiyan ko. Pero underneath that kahihiyan thing, sa kaloob looban ng pagkatao ko, ay may isang bagay na umaasa. Umaasa na suklian niya ang sinabi ko. Ganito ata talaga ang mga babae. Mga assuming.

“Ana…” Pinaharap niya ako sa kanya. Akala ko nakangiti siya pero napakaseryoso ng mukha niya nung tiningnan ko siya. Magcoconfess din ba siya ng feelings niya sa akin? Kasi ganun naman pag nagcoconfess ang mga lalaki di ba? Seryoso sila.

Naghintay ako na magsalita siya. Naghihintay na marinig ang ‘I love you too’ mula sa kanya o kaya ‘mahal din kita’. Hindi ko pa nga naririnig, kinikilig na ako. Ano pa kaya kung manggaling sa kanya.

“Wala sa usapan natin ang pagmamahal nung ikasal tayo. Our feelings are not involved in this relationship.” Mahinahong sinabi niya para siguro hindi masyadong malakas ang impact. Pero ganun pa din. Para akong dinaganan ng sampung elepante at sa pinakataas nun ay si Paeng at nagwawagawayway ng victory flag.

‘Walanghiya ka pala eh.’ Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawang sabihin kasi may katotohanan naman sa sinabi niya. At papaano ako magagalit sa isang taong nagiging totoo lang sa sarili niya. Alangan naman na pilitin ko siyang mag ‘I love you too’ sa akin para lang masatisfy ang sarili ko. ‘Ika nga walang pilitan sa pag ibig.

Pero masakit talaga. Pero kahit na masakit pinilit ko pa din na ngumiti ng pilit.

“Wala din naman sa usapan natin na hindi pwedeng ma in love di ba?” Kahihiyan na kung kahihiyan. Pero umamin na nga lang din ako, lubos lubusin ko na lang.

“I’m sorry.” Huwaaaahh! Huwaaaahhhh! Gusto ko ng magwala.  Imagine, nakahubad kaming dalawa sa itaas ng kama. At ang usual scene pag ganito eh sa lovemaking na napupunta pero heto ako ngayon, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana’y may luha pa akong mailuluha at ng mabawasan ang aking kalungkutan. Huhuhu.

Ikaw ba naman sabihan ng I’m sorry pagkatapos mong mag I love you. Ewan ko lang kung hindi ka magiging emo.

“Dapat lang talaga mag sorry ka. Kasalanan mo ang lahat ng to.” At maging bitter.

Although hindi ko alam kung papaano niya naging kasalanan at pagkainlove ko sa kanya pero para lang hindi ko ibunton ang lahat sa sarili ko at para hindi din masyadong depressing. Kasalanan niya kasi sobrang pogi niya at sobrang macho na hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. Idagdag pa ang mga pagkakataon na ang sweet sweet niya. Sino ang babaeng di mahuhulog sa kanya. Kasalanan ng lethal charm niya.

Tumalikod na ako kasi ayaw ko naman na umiyak sa harap niya. Baka sa sobrang awa pilitin pa niya ang sarili niyang magsabing mahal din niya ako para lang tumahan ako. Ayaw ko naman ng ganun. Pikot na nga ang kasal namin, pati ba naman pag amin ng pagmamahal, pikot pa din?

Nung nakatalikod na ako, narinig ko pa siyang bumuntunghininga ng ilang beses tapos naramdaman ko siyang tumayo sa kama. Gusto kong lumingon pero pinilit kong pigilin ang sarili ko. Magkaroon ka naman ng kunting pride Ana.

Narinig ko ang paglakad niya papuntang pinto at ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. Parang pinagsarhan din niya ako ng damdamin niya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi kasalanan ko naman ito. Hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa kanya. Ni hindi ko napansin na dati ni ayaw ko siyang tingnan pero lately parang gustong gusto ko na siyang pagmasdan. Na ang mga bagay na kinaiinisan ko dati sa kanya, ngayon gusto ko na. Ni hindi ko napansin na senyales na ang mga yun na naiinlove na pala ako sa kanya.

Naiinis ako kasi di ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Naiinis ako kasi umasa akong may damdamin siya sa akin. Naiinis ako kasi napagkamalan ko ang sweetness niya at ang pag aalala niya sa akin bilang pagmamahal. Naiinis ako kasi nag assume ako.

Pero mas naiinis ako kasi hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.  

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now