Pang Dalawampu't Pitong Silip

152K 2.9K 185
                                    

Dalawampu't Pito

“Nanghihinayang… nanghihinayang ang puso ko. Nanghihinayang…..nanghihinayang ang puso ko.” Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ng masama si Paeng. Mga 30 minutes na siyang kumakanta ng ganyan. Hindi naman niya tinutuloy. Hanggang sa nanghihinayang lang siya. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Nagpaparinig siya. Sarap niyang batukan.

“Pwede ba, manahimik ka!” Sinigawan ko na. Nakakaloko lang eh. Ang laki pa ng ngisi niya habang kumakanta. Nananadya ang walanghiya. Grrrrr!

“Masama na bang kumanta ngayon? Yan ang mahirap pag nagka asawa eh. Pinagbabawal ang mga hindi naman bawal. Gumagawa ng sariling rules.”  Sabi niya pero ngumingiti pa din at ang kilay gumagalaw galaw. Nakakairita ang itsura niya pero hindi ko maitatanggi na ang cute niya pag gumaganyan siya.  Napakaplayful ng aura niya. Ang pogi niya! 

Ano daw? Pogi? Ampupu! Ana! Kelan pa naging pogi si Paeng sa paningin mo? Langya! Bakit ka nag iisip ng mga ganung kalokohan? Erase! Erase! Dapat cute lang katulad ng mga aso, pusa at rabbit. Mga cute sila. Ganun lang dapat! Hindi pogi! Por diyos! Si Paeng pogi? No way!

“Pero aminin mo Ana, nanghinayang ka ano?”  Tapos kumindat pa. I clenched my teeth and my hand para pigilan ang sarili ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hinarap ko siya at sinabunutan.

Akala ko successful na ako sa plano kong pagkalbo sa kanya pero nagkamali ako dahil nahawakan niya ang dalawang kamay ko na sasabunot sana sa kanya.

Kasabay ng paghawak niya ng dalawang kamay ko, itinulak niya ako kaya napahiga ako sa upuan at nakadagan siya sa akin.

Dapat sa mga pagkakataon na ganito, nagwawala na ako. Pinagsisipa ko na siya, pinagkakalmot, itinutulak at pinapatay. Pero hindi ko nagawa ang lahat ng yun dahil na stuck ang paningin ko sa mukha niya. Nasabi ko  na iba ang kutis ni Paeng di ba? Hindi maputi, hindi din brown at hindi maitim. Ang kutis niya very light brown na mamula mula. At ang mukha niya parang palaging nagbablush at parang nahiyang tumubo ang mga pimples kasi ni wala kang makitang open pores. His eyebrows are defined, his nose straight and prominent at ang lips niya, it is moist at talo pa ang babaeng  nag red lipstick at naglagay ng lip gloss. In short, talo pa ng lips niya ang lips ko sa kagandahan. Pag hinalikan ko ba siya mahahawa ako sa pagkaluscious ng lips niya?

Luscious? Whatdapak! Gumising ka nga Ana! Bakit mo siya pinagnanasaan? Kelan ka pa natutong magnasa kay Paeng?

Ahmmm… simula nung makita ko ang pwet niya? Waaaahhhh! Cannot be! Gumising ka Ana! Masamang panaginip lang to. Pero hindi naman masama ang feeling di ba? In fact, ang sarap pa nga ng feeling na magkadikit ang katawan namin at palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Waaaaahhhh!

Hahalikan ba niya ako? Mamamatay ata ako. Mamamatay ako sa anticipation.

Ayan na….ayan na… and then…

Poof!

Hinipan niya ang tenga ko.

Nanlaki ang mata ko. Napadilat ako at doon ko narealize na nakapikit pala ako ng di ko namamalayan. Doon ko na nakita na ang laki ng ngisi niya at napagtanto ko na napahiya na naman ako. Letse! Palagi na lang akong bitin. Ibibitin ko na tong si Paeng eh.

“Hoy! Anong ginagawa niyo dyan? Hindi pa ba kayo nagsawa kanina?” Tapos nagtawanan ang mga kasamahan namin.  Nakakahiya talaga. Bakit ba nakalimutan ko na nasa van kami ngayon at kasama namin ang mga pinsang lalaki ni Paeng at si Raziel? Mabuti na lang at nakaupo kaming dalawa ni Paeng sa gitnang upuan tapos wala ng tao sa likod namin kasi anim lang naman kaming sakay  ng van. Pero kahit na!

“Wag ka ngang makialam Michael! Epal ka!”  Sagot ni Raz na nasa tabi ni Michael na siyang nagdadrive.

“Ikaw naman brokenhearted.” Sabi naman ni Micahel.

“Epal!”

“Brokenhearted!”

“Tama na yan! Birthday ko ngayon.” Sagot ni Jhudiel na katabi ni Gabriel  sa unahan na upuan sa harap namin.  Tumahimik naman ang lahat. “At Ralph, may plano ka bang pumatong kay Ana hanggang sa makarating tayo ng Batangas?”  

Nag init bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Jhudiel. Nakadagan pa kasi si Paeng sa akin at ni hindi ko man lang siya itinulak. Masyado naman ata akong na at home sa closeness namin?

“Nainlove ka lang sa bakla ang dami mo ng napapansin!” Sabi naman ni Paeng sabay ayos ng upo. Umupo na din ako kasi alangan naman na hihiga pa din ako.

“This guy’s in love with you pare! Bading na bading sayo….” Kanta ni Gabriel tapos binatukan naman ito ni Jhudiel. Nagkulitan sila habang nagbabyahe kaya ang gulo at ang ingay sa van. Pero hindi din nagtagal kasi inantok din sila at matutulog daw muna. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit na din hanggang sa makatulog ako. Pero laking gulat ko nung magising ako na nakasandal na ang ulo ko sa balikat ni Paeng ,  nakaakbay siya sa akin at nakasandal ang ulo niya sa headrest. Tulog din siya.

And worst, kuha ng kuha si Gabriel ng pictures namin. Pero paanong ganito ang position namin samantalang kanina may distance naman kami. Ha! Panigurado, lumapit sa akin si Paeng. Siya ang nag initiate ng lahat. He took advantage of the situation! Mapagsamantala!

Inalis ko na ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya at umayos ng upo pero mahirap kasi nga nakaakbay siya sa akin.

“Sweet.” Sabi pa ni Gabriel.  Ngumiwi ako.

“Gusto mo ng sweet?” Napatingin ako bigla kay Paeng. Gising na siya? Kanina pa?

“Ito ang sweet.” Ni hindi pa ako nakakakurap nung hinapit niya ako bigla at inangkin ang labi ko. Oo, inangkin talaga, hindi tinikman kasi hindi tikim ang ginagawa niya.

Ni hindi ko magawang magprotesta kasi ayaw ko naman talaga magprotesta. Nasasaniban ata ako ng masamang espiritu at nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

Ni hindi ko pinansin ang mga hiyawan ng mga kasamahan namin. Ni hindi ako nahiya na kuha ng kuha si Gabriel ng mga pictures namin. Instead, ikinawit ko pa ang mga braso ko sa batok niya.

“Ibababa ba natin ang dalawang to sa malapit na hotel?” Sabi ng kung sino man.

“Wag na. Basta magdrive ka lang.” 

...And They Kill Each Other.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora