Pang Apatnapu't Apat na Silip

147K 2.8K 211
                                    

44.

Hindi ako natahimik habang naggogrocery ako. Iniisip ko na baka kamukha lang or guni guni ko lang yun pero ang lakas ng kaba ng dibdib ko.  Ganun ko na ba siya ka miss at nakikita ko siya kung saan saan. Nakatapos na ako sa paggogrocery na yun pa din ang iniisip ko. Napadami tuloy ang napamili ko.

Pagdating ko sa condo, nagtaka pa si Helper kung bakit daw ang dami kong pinamili eh halos hindi naman ako kumakain. Alangan naman na sabihin ko sa kanya na wala ako sa sarili ko nung namimili ako kanina. Ang hirap pala pag may atribida kang katulong. Lahat napapansin.

Pinaayos ko na kay Helper ang mga pinamili ko para may gawin naman siya at hindi yung ako ang napapansin niya. Pumunta na lang ako sa terrace at naupo at nilalanghap ang polluted night air ng Metro Manila. Pag ganitong tahimik ang paligid madami akong naiisip. Naalala ko ang nawala kong baby, nalulungkot pa din ako pero hindi na kasing lungkot ng dati. Siguro nga nagsisimula na akong tanggapin ang mga bagay bagay. Pero hindi ko pa din napigilang pumatak ang luha ko.  Napag isip isip ko, ang layo  na pala ng narating ko. Mula sa isang simpleng babae sa probinsiya na mahilig makipagsisisran sa mga tilapya, ito na ako ngayon…. malungkot.

Isa lang naman ang naging pangarap ko eh. Gusto ko  lang naman maging mayaman pero hindi ko akalain na kasabay ng pag abot ko sa pangarap ko ay ang sobrang sakit at kalungkutan na naranasan ko.  Hindi ko din pinangarap na magmahal pero hindi ko napigilan ang sarili ko at dahil doon naging ganito ang sitwasyon ko. Bakit ba ang komplikado ng buhay?Hidni ba pwedeng maging simple na lang? Yun bang pag pumikit ka at sinabi mong, gusto kong yumaman ay pagdilat mo nasa harap mo na ang gabundok na pera. O kaya katulad ng nilalaro ng author na sims3. Pag gusto niyang yumaman ang sims niya itatype lang niya ang ‘motherlode’ may instant 50K na or dahil gahaman si author ang tinatype niya ay ‘familyfund 9999999999’. Tapos pag badmood na ang sims niya agad agad ‘testingcheatsenabled yes’ tapos ireraise lang niya ang mga moodlet.   Pag gusto niyang patayin, nilalagay lang niya sa isang kwarto tapos aalisin ang pinto at hindi pakakainin. Sana ganun na lang ang buhay. Pero hindi eh. Hindi pwedeng dayain ang buhay, walang cheats na isang pindot lang andyan na agad. Walang moodlet na pwedeng itaas kung nalulungkot ka. At lalong lalong hindi pwede ang ginagawa ng author na pinag aasawa niya ang vampire at ang fairy tapos werewolf ang magiging anak na may kakambal na witch.  Isang kalokohan ang ganun, sa isang laro lang yun nangyayari at hindi laro ang buhay. May mga emosyon na involve and sometimes your emotions could make or break you. Ang maganda lang sa buhay ng tao ay ang kakayahan niyang magdesisyon.

Sa mga desisyon na yun nababago ang buhay ng isang tao. Maaring may mali kang desisyon sa buhay pero dahil sa desisyon mo yun, kailangan mong pangatawanan. Desisyon kong magpauto dati kay Paeng at pumayag na tumira sa bahay niya, desisyon ko din na ituloy ang kasal namin kahit pa sabihing napipilitan lang ako. Pwede ko naman kasing takbuhan yun. Although hindi ko kagustuhan na mahalin siya, desisyon ko pa din na ituloy ito at iparamdaman iyon sa kanya. Pwede naman kasi akong lumayo na lang, magpakaduwag at piliting alisin si Paeng sa sistema ko.   Although mahirap pero alam ko namang kakayanin ko.  I have decided to stay kaya naranasan ko ang lahat ng sakit at hinagpis sa buhay.  At wala akong pwedeng sisihin sa lahat ng nangyari sa akin dahil ang lahat ng yun ay bunga ng mga desisyon na ginawa ko.

At ngayong malungkot ako, nahaharap ulit ako sa isang desisyon. Gusto ko bang lumigaya or gusto kong habangbuhay na maging malungkot. And I’ve decided to be happy, I’ve decided to forget and I’ve decided to give my love another chance. 

Nakatulog ako sa upuan sa terrace with that conviction on my mind at idagdag na rin siguro ang nakakaantok na polusyon sa Metro Manila. 

Nagising ako na parang nakalipad ako at idinuduyan.  Nahihilo ata ako. Pinikit ko ulit ang mga mata ko pero pakiramdaman ko talaga nakahang ako. Through half open lids inaninag ko kung nasaaan ako  at nakita ko ang blurred na mukha ng taong bumubuhat sa akin. Tapos naramdaman kong bumukas ang isang pinto at unti unti akong binababa hanggang sa lumapat ang katawan ko sa kama. Kinakabahan ako lalo na at biglang naging alert ang senses ko. Naaamoy ko ang familiar na amoy ni Paeng.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang papalabas na ng kwarto na pigura ni Paeng. Hindi ako maaring magkamali. Si Paeng nga yun.

“Paeng.”  I called after him pero hindi ko alam kung narinig ba niya dahil medyo mahina ang boses ko dahil nga wala pa sa katawan ko ang buong kaluluwa ko or nagbibingibingihan lang siya. Tatawagin ko sana siya ulit nung nakita kong naisara na niya ang pinto.

Agad akong tumayo para sana habulin siya pero agad naman akong nahilo. Pero pinilit kong bumangon at dali daling tumakbo palabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa sala, sa kabilang kwarto, sa terrace, sa kitchen at sa laundry pero wala akong nakitang Paeng.

Agad akong lumabas ng condo at dumiretso ng elevator. Pinindot ko ang ground floor with trembling hands at parang ang pakiramdam ko sobrang bagal ng elevator. Pagdating ko sa lobby pumunta agad ako sa receptionist at tinanong kung may nakita silang lumabas pero wala daw. Pumunta din ako sa guard para itanong kung may lumabas na kotse pero wala din daw.

Naghintay ako ng 30 minutes sa lobby, in a hope na baka nahuli lang siya sa paglabas pero walang Paeng na lumabas. Nanlulumo akong bumalik sa condo namin. Mabagal akong  naglakad papuntang condo nung may marinig akong boses.

“Nasaan si Ma’am mo?” Malakas ang boses ng nagsasalita na parang may pinapagalitan.

“Bakit hindi mo alam?” Pasinghal pa din ang boses. Hindi ako maaaring magkamali. Boses yun ni Paeng. Nandito pa si Paeng sa condo?  Nagmamadali akong naglakad. Nakalapat ang screen door pero hindi nakalock at bukas na bukas din ang  main door kaya narinig ko ang boses niya habang nasa  hallway ako.

Mabilis agad akong naglakad papunta sa condo at agad na binuksan ang pinto.  

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now