Pang Apatnapu't Isang Silip

143K 2.7K 375
                                    

41

“Ano Ma?” Nanlalaki ang maga kong mata na napatingin kay Mama.

“Siguro nga hindi niyo na talaga maalala. Kunsabagay mga bata pa kayo noon at malaki ang posibilidad na nakalimutan niyo na nga.” Bumuntong hininga si Mama.

“Mama! Anong ibig mong sabihin? Nagkaamnesia ba ako at hindi ko maalala?” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Mama. Nangakong kaming magpakasal ni Paeng sa isa’t isa? Samantalang sa natatandaan ko una kaming nagkita noon sa batis

“Hindi ka nagka-amnesia. Ang mga Reyna Elena hindi tinatablan ng amnesia.  Nakalimutan mo lang talaga. Noong 5 years old ka pa lang, pumunta tayo sa dati kong school kasi nag-aapply ako sa aking dating school bilang teacher.  Pagkatapos ng interview pinuntahan kita sa upuan kung saan kita iniwan pero wala ka na dun. Tinuro sa akin na lumabas ka ng office  at nakita kong nakikipag usap ka sa batang lalaki na apo pala ng school director na si Ma’am Gertrude.” Napangiti si Mama habang nagkukwento siya at ako parang naaaninag ang mga pangyayaring matagal na panahon ng nangyari. Unti unting lumiwanag ang alaala na hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko.

Flashback.

 

“Ana, papasok lang ako sa loob. Dito ka lang wag kang umalis. Hintayin mo ako.” Tumango lang ako kay Mama at tahimik na naupo. Pero bilang bata, makalipas ang limang minuto, nainip ako kaya sinundan ko ang nakita kong itim na langgam hanggang sa makarating ako sa ilalim ng puno ng pili.   Aliw na aliw ako sa butas na pinapasukan ng mga langgam at inaaninag kung ano ang nasa loob nung magulat ako kasi may biglang nagsalita sa likuran ko.

 

“Everyone hates me.” Napatigil ako nun sa pagsilip sa butas na pinapasukan ng mga langgam at umupo ng maayos sa damuhan para tingnan kung sino ang bitter na nagsalita. Doon ko nga nakita ang isang batang lalaki na siguro mga 6-7 years old na nakaupo sa steel bench sa tabi ng puno ng pili. Hindi siya nakatingin sa akin pero sinisipa niya ang damo sa may paanan niya. Naawa ako sa damo kasi wala namang ginagawang masama sa bata pero sinipa sipa nito. Siguro nasasaktan na ang damo pero dahil nga walang silang mouth hindi sila makapagsalita. Pero mas nagulat ako nung makita ko ang mukha ng batang lalaki.

 

Nakita kong malungkot na malungkot ang mukha niya na parang iiyak na. Naawa naman ako bigla sa bata. At dahil siguro pinanganak talaga akong atribida kaya hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.

 

“Galit ba tayo?” Napatingin bigla sa akin ang batang bitter sa buhay na parang nagtataka at nagsalita ako.

 

“Huh?” Natigil siya sa pagsisipa sa damo. At kumunot ang noo niya.

 

“Hindi. Sino ka ba? Hindi naman tayo magkakilala bakit tayo magkakagalit.” Doon na nagsalubong ang kilay ko. Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

 

“Kasi mali yung sinabi mo. Hindi tayo galit kaya hindi ako galit sayo kaya not everyone hates you. Sinungaling ka.”  Nanlaki ang mga mata niya na parang gulat na gulat.

 

“Hala! Dumudugo ang ilong mo bata!” Bigla niyang bulalas. Baliwalang kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng damit ko at pinahiran ang dumudugong ilong ko.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now