Pang anim na Silip

161K 3.3K 196
                                    

Pang Anim na Silip

Isang nakakakilabot na transformation ang nasaksihan ko.

From butterfly to puppa -to larvae.

Ang nakangisi niyang mukha ay unti unting sumeryoso hanggang sa nangunot ang noo siya at tumalim ang tingin niya sa akin. Para siyang uod na nabuhusan ng putik. Pinigilan ko ang tumawa. Pero hindi ko napigilan ang hagikgik ko.

Ang epic lang talaga ng itsura ni Paeng.

"Why the hell did you do that?" Nakakatakot ang boses niya pero siyempre hindi ako natakot. Ako pa! Si Paeng lang yan. With a capital E for Eng-Eng. Hehehehe.

"Wet much?" Akala niya ha! Ang kapal ng mukhang asarin ako. Eh ano ngayon kung virgin pa ako? Eh ano ngayon kung hindi pa ako nakatikim ng first kiss? Eh ano ngayon?

"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo?" nanggigigil pa din siya. Nahihirapan na akong pumigil ng tawa ko.

"Eh sa natutuwa ako eh." Ngumiti ako ng malapad. pang asar lang eh. naningkit na ang mga mata niya.

"You'll pay for this!" Kunti na lang makikita ko na ang usok sa ilong niya dahil sa galit niya.

"Whatever Paeng!" Pero nagtataka talaga ako. Ba't ang hilig naman ata mag english ng magsasaka na ito? Ganun ba siya makipag usap sa kapwa magsasaka niya? English na ba ngayon ang language sa farm? Kunsabagay, si Inday nga na katulog nag eenglish, si Paeng pa kayang magsasaka. Iba na talaag ang level ng mga blue collar job workers ngayon! tsk! Tsk!

Nakita ko si Paeng na pumasok ng banyo. Siguro maliligo na siya kaya tinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Alam kong nakakapagod ito pero ayaw ko talagang mahawa. Ewwwwness lang to the highest level ha!

Nagmamop na ako ng sahig when I felt it. The very cold water na dumadaloy mula sa ulo ko hanggang sa mukha ko, sa balikat ko, sa dibdib all the way down to my feet. ANg lamig lamig.parang panamntalang nagfreeze ang mind ko.

Unti unti akong umikot and I saw Paeng holding a pail of water and at sa likod niya nakapatong sa dining table ang mga wala ng laman na lagayan ng tubig na galing sa ref. Nangatog ang ngipin ko dahil sa lamig.Pati tuhod ko namanhid.

And that very second I curse the day na naligo ako sa batis. Sinumpa ko ang lahat ng mga tilapia na hindi nagpatalo sa akin sa patagalan ng pagsisid. At lalong sinusumpa ko ang lalaking ito sa harapan ko na wala ng ginawa kundi  ang ipahamak ako.

"Malamig ba?" Nakangisi na siya. May gana pa siyang ngumisi habang nangingisay ako sa lamig.

 Tiningnan ko siya ng masama. Ng masamang masama. Feeling ko umuusok na ang ilong ko sa galit. Ngayon lang ako nakaharap ng ganitong klaseng lalaki. Yung talagang pumapatol sa babae. Yung ibang lalake nagtitimpi kasi babae ang kaaway nila, pero si Paeng... My Gahd!! He is so ungentleman.

Di kaya....di kaya.... di naman talaga siya lalaki?

Pero impossible. Kung di siya lalaki, ano yung nangyari kagabi?

Malay ko, ano, front lang niya yun para hindi mahalata ng iba. Di ba pwede naman yun?

"Ano tatayo ka na lang dyan?" Napatingin ako bigla nung nagsalita siya. I squinted my eyes para matingnan siya ng mabuti. Di pa ako nakuntento. Kahit nanlalamig na ako dahil sa lamig ng  tubig na ibinuhos niya sa akin, lumapit pa din ako sa kanya tapos pinagmasdan siyang mabuti. Baka makakita ako ng pilantik. Umikot ako sa kanya.

Mamuscle naman siya. Macho nga siya eh. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ka makatingin sa akin." Sinita niya ako pero kahit sa pagsasalita niya wala akong makitang kabaklaan.

"Ano ba! Hoy Ana!" Aha! Matinis ang boses.

"Halikan mo nga ako!" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Ano!!??? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. And I saw him grimaced.

That's it!

Kaya pala ganyan siya kataray.

May tinatago pala siya.

Ha! Kaya pala hindi siya gentleman.

Kaya ang hilig niyang sumayaw.

Kaya pala close siya sa abogado niya.

Kaya pala mas gusto niya sa farm kasi madamign machong lalaki doon.

Kaya pala!

Bakla pala si Paeng!

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now