Pang Tatlumpu't Pitong Silip

151K 3.2K 638
                                    

37

The moment I opened my eyes alam ko na ang nangyari. I didn’t hope dahil habang nakaupo ako sa sahig ng elevator I already knew that I’ve lost it. At ngayon nakatingin ako sa kawalan. Ang daming taong nakapaligid sa akin. Kahit saan ako tumingin nakikita ko sila. Calling my name, caressing my hair, kissing my hand and grieving with me pero lahat ng yun hindi ko pinansin. I choose to look at the white ceiling. I tried to create a pattern in that white ceiling habang sa unti-unti itong nagbblur because of the tears that is forming in my eyes.

Ni hindi ako nagtanong kahit kanino tungkol sa nangyari. Ayaw kong magsalita dahil pag nagsalita ako hahagulgol ako.

“Ana.” Narinig ko ang boses ni Mama. Hindi ako tumingin sa kanya. Hinayaan ko na ding tumulo ang mga luha ko.  I heard her sob pero hindi ako tumingin.

“Ana.” Si Papa naman ang tumawag sa akin pero hindi ko din siya  pinansin.

“Ana.” That voice. Kinamumuhian ko ang boses na yan. I clenched my hand tightly.

Tinatanong nila ako lahat kung kamusta na ba ako pero hindi ako nagsalita. Gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw sa kanila na hindi ako okay. Na gusto ko ng mamatay pero walang boses na lumabas mula sa akin.

They began to worry. Nagtanong sila sa doctor kung bakit hindi ako nagsasalita and the doctor answered Psychological Trauma. 

Kahit anong gawin nila hindi ako nagsasalita. I ate when they ask me to eat. Umiinom ako ng gamot kung kelan ako dapat uminom.

“Ana, anak, bakit hindi ka nagsasalita? Nagwoworry na kami sayo.” Narinig kong sabi ni Mama. Napatingin ako sa kanya at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Andito sila Mama, Papa, at ang pamilya ni Paeng. Then I saw him sitting sa sofa. Nakikita ko ang lungkot sa mga mukha nila. I looked at all of them blankly except for Paeng.

“Gusto ko ng umuwi Mama.” Mahina kong sabi at nakatingin lang sa Mama ko.

“Anak hindi ka pa pwedeng lumabas. Baka sa makalawa ka pa pwedeng lumabas.” Sabi pa niya habang hinahawakan ang kamay ko. Alam kong may gusto siyang sabihin at alam ko din na nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanong ang tungkol sa anak ko.

Pero ayaw kong marinig mismo na wala na ang anak ko.  Humarap na ulit ako sa ceiling and I started to close my eyes nung bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor at ang dalawang nurse. They check me out at yung ibang nasa kwarto lumabas para bigyan ng space ang mga medical personnel.

“Hi Ana. I’m Dra. Dizon. How are you feeling? Do you feel any pain?” Tanong niya habang chenecheck ako.

“No.” Maikli kong sagot. Yun naman kasi ang totoo. Wala akong nararamdaman ngayon na kahit anong emosyon. I’m too numb to feel anything.

“Do you know about your condition prior to the accident?” She said gently.

“I was pregnant.” Wala pa ding emosyon na sabi ko. Tumango ang doctor.

“Ana, I’m sorry to inform you that you lost the baby.” Sabi niya in her most sympathetic voice. Narinig kong humikbi si Mama at tumalikod si Papa. I remain impassive and I just clenched my hand para pigilan ang sarili kong umiyak. Sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng ko ng kamay ko, hindi ko napansin na dumudugo na pala ang kamay ko na may IV kung hindi sinabi ng Nurse. They tended my hand. May iba pang sinabi ang doctor kina Mama ang Papa pati na rin kay Paeng. Oo kanina pa andito si Paeng.  Pagkalabas ng doctor tumalikod na ako sa kanila and closed my eyes.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now