Pang Tatlumpu't Walong Silip

148K 3K 411
                                    

38

 Isang linggo na akong nakalabas ng hospital at kahapon bumalik si Mama sa probinsiya. Gusto kong sumama sa kanya. Gusto kong umalis dito pero hindi sila pumayag. Hindi ko na pinilit ang gusto ko kasi alam kong wala na din naman akong magagawa at isa pa, nasa punto akong umaayon na lang kung ano man ang gusto nilang gawin sa buhay ko. Nawalan na ako ng ganang magdesisyon para sa sarili ko. Nawalan na ako ng ganang mabuhay. Ayaw pa sana akong iwan ni Mama pero dalawang linggo na din siyang hindi pumapasok sa school. Mag eexam na ang mga estudyante niya.

At simula nung bumalik ako galing hospital nagkaroon na kami ng katulong. Hindi ko alam kung para saan kasi tuloy pa din naman ang pagdating ng tagalinis ng condo araw araw. Baka tagaluto ni Paeng kasi ni hindi na ako nagluluto at tagabantay na din kung kumain na ba ako o hindi. O baka naman kinuha talaga siya para bantayan ako in case naisipan kong magsuicide. Pero pag dumadating na si Paeng umaalis na siya.

Kadalasan din pag dumadating si Paeng tulog na ako. Sinisigurado kong tulog na ako kasi ayaw kong makita siya. Hindi rin ako nagdidilat ng mata hangga’t alam ko na nasa kwarto pa siya. Pero sabi nga nila hindi habang buhay ay kaya mong iwasan ang iniiwasan mo. Oo iniiwasan ko si Paeng at iniiwasan ko ding umiyak. Ang huling iyak ko ay nung nasa hospital ako.

6PM pa lang nag aayos na ako sa pagtulog ko at naghahanap ng maisusuot na pajama nung mau nakita akong plastic sa cabinet ko. Kinuha ko ang plastic and I saw a pair of mittens at ang isang pregnancy book.

Natulala ako at  napaupo na lang ako bigla sa kama habang hawak ang mittens. Hindi ko na din napigilan ang nag uunahang mga luha ko. Umiiyak lang ako habang nakatingin sa mittens. Hindi ko alam kung gaano katagal. I just sat there and cry. At ang iyak na yun ay naging hagulgol hanggang sa halos di na ako makahinga.

Sa ganung sitwasyon ako naabutan ni Paeng.

“Ana!” Dali dali siyang pumunta sa akin at niyakap ako. Hindi ko siya tinulak at hindi rin ako nanlaban but I went still. Natigil din ang pag hikbi ko pero hindi pa din tumitigil ang luha ko.

“Tama na. I’m sorry. I am so sorry.” Lalong humihigpit ang yakap niya sa akin. I slowly disentangled myself from him at bahagya siyang tinulak pero mas lalo pa niya akong niyakap. Ayaw kong kayakap siya. Ayaw kong magkalapit kami. Ayaw ko siyang makita kasi mas lalo lang akong nasasaktan. Bumabalik ang sakit na nararamdaman ko.

Nung maramdaman kong wala siyang balak na bitawan ako, buong lakas ko siyang tinulak. Napalayo siya ng kunti pero niyakap lang niya ako ulit.

“Bitawan mo ako.” Mahina kong sabi. Hindi na din ako nanlaban sa kanya. I went as still as I can ever be.

“Patawarin mo ako please…”Garalgal na ang boses niya pero wala akong naramdaman na kahit na anong awa para kay Paeng.  Kahit ilang balde pa ang iluha niya, hindi na maibabablik ang nawala sa akin. I refused to look at him. Nung lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin tumayo na ako at aalis na sana nung hinawakan niya ang isang braso ko.

“Ana! Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako? Sabihin mo? Gagawin ko. Just forgive me please.” Naninikip ang dibdib ko pero ayaw ko ng umiyak pag kaharap ko siya. Tama na. Ayoko na.

“Bitawan mo ako.” Medyo malakas na ang pagkakasabi ko at hinatak ko na ang braso ko.

“No!”   And he suddenly knelt down.

“Alam kong nasaktan kita ng sobra. Alam kong kasalanan ko ang lahat dahil sa kagaguhan ko. At hindi ko alam kung paano kita maibabalik sa akin. Kung paano mo ako mapapatawad. Pero hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Hindi lang naman ikaw ang nawalan ng anak, ako din. At nararamdaman ko at nakikita ko ang unti-unti mong pagkawala sa akin. At hindi ako makakapayag na pati ikaw mawala Ana.” He is crying while saying those words. At parang hindi ako makapaniwala na si Paeng ay luluhuran ako.

Hindi ako nagsalita. I swallowed the lump in my throat. Diretso lang ang tingin ko sa wall. I can hear him begging. I can hear his sorry. I can hear his sobs and his cries. Pero kahit isa sa mga yun hindi nagpalambot sa puso ko.

Siguro nga manhid na ako kasi hindi ko siya kayang patawarin. At hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kelan ang galit na nararamdaman ko. Kung hanggang kelan ko kayang magbulagbulagan sa mga efforts ni Paeng para mapatawad ko siya. Ang alam ko lang sa ngayon, hindi ko pa kayang patawarin siya.

“Ana, I’m sorry. I love you. Kausapin mo ako. Patawarin mo ako please…” Sabi niya sa nahihirapang boses. Tumingin ako sa kanya. Nakatingala siya sa akin at nakahawak ang dalawa niyang kamay sa binti ko.  Pero nagkamali ako kasi hindi ko napigilan nung may tumulong luha sa mga mata ko.

I clenched my hand tighlty, clinging to the little fabric na hawak hawak ko pa din.

“Maibabalik ba ng sorry at ng I love you mo ang anak ko? Kung kayang ibalik nun ang anak ko, buong puso kitang patatawarin Paeng.”

Nakita ko kung anong klaseng sakit ang ibinigay ko sa kanya dahil sa sinabi ko. I saw him wince in pain dahil sa sinabi ko as if directly hit by a blow.  Lumuwag ang pagkakahawak niya sa binti ko hanggang sa nabitiwan niya ito.

At bago pa ako humagulgol sa harap niya, naglakad na ako palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kabilang kwarto at doon natulog.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon