Pang Labing Limang Silip

149K 3K 235
                                    

Labing L:ima

“Pag kinasal na tayo, hindi mo na ako pwedeng  maging alila.”  Bulong ko sa kanya. Nakita ko siyang nagsmirk pero nakatingin pa rin sa harap.

“Pag kasal na tayo, walang pakialaman ng buhay.” Sabi din niya sa akin.

“Para namang ikinatutuwa ko pakialaman ang buhay mo!”Umismid ako. “Hindi tayo pwedeng magsama sa isang kwarto. Dapat may sarili akong kwarto.” Tiningnan niya ako saglit.

“Kahit na magkahiwalay pa ng bahay eh!” Kapal ng mukha ha! Para naman gusto kong tumira kami sa iisang bubong.

“Buti naman at nagkakaintindihan tayo. At isa pa pala, hindi natin kailangan magpanggap na sweet kasi alam naman ng lahat na pinikot lang tayong dalawa.”

“Couldn’t agree more. Oo nga pala, wag mong papakialaman si Lilac. Ayoko nang maulit ang pag ooverfeed mo sa kanya dati!” Tumaas lang ang kilay ko.

“Lasunin ko yang tilapya mo eh!” Sabi ko naman kaya napatingin ulit siya sa akin at tiningnan ako ng masama.

“Subukan mo lang!” Sabi pa niya. Kainis! Ang init init na nga, tapos nagtatalo pa kami.

“Talaga!” Hamon ko pa kay Paeng pero napalakas ata ang boses ko.

“Ahem!” May tumikhim sa harap namin.

“Ahmmm..hija…” Napatingin ako harap at ngumiti sa Pari.

“I do.” Narinig ko ang tawanan.  Baket sila tumatawa.

“Wala pa akong tinatanong hija.” Sabi ng Pari. Napahiya ako doon. Nakita kong nakangisi si Paeng!  Dukutin ko mata mo eh!

“Ahhh wala pa ba? Eh ano po yun Father? May tumutol ba? Sino? Salamat naman!”

...And They Kill Each Other.Место, где живут истории. Откройте их для себя