Pang Apatnapu't Dalawang Silip

144K 2.8K 240
                                    

42

Pinapasok ni Helper ang isang Diyosa ng kagandahan na babae. Pinaupo siya sa sofa at binigyan na din ng juice dahil sa utos ko.

“Hi! Sorry to disturb you. Ako nga pala si Lily. Lily Evans.” She shook my hand bago siya naupo.

“Ana.” Ngumiti lang siya tapos iniikot ang tingin sa buong condo.

“Nice to meet you Ana. Nagbago na ang condo ni Ralph. Wala siya ngayon?” Nakangiti pa din sabi niya pagkatapos niyang tingnan ang buong condo na para bang nagtatago si Paeng sa likod ng aquarium.

“Wala eh.” Nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya. Siya ba si Lily? Ang nagbigay kay Lilac? Napakaganda pala niya. Isa ba siya sa mga kaagaw ko kay Paeng? Napuno ng pagseselos ang puso ko. Siguro nga tama si Casper, sino ba ako para magustuhan ni Paeng. Sa klase ng mga babae na naging karelasyon niya, wala ako sa kalingkingan ng mga ito. Pero sabi ni Paeng mahal niya ako. 

“Sayang !” Napatingin ako kay Lily. “Importante pa naman ang sasabihin ko sa kanya.   Mayordoma ka ba ni Ralph? Pakisabi na lang na dumaan ako ha. At pakisabi na kailangan ko siyang makausap ASAP.” Tapos iniabot niya sa akin ang isang calling card na wala sa sariling tinanggap ko naman.

“Kindly tell him to call me. Okay Ana? I better be going, wala naman pala si Ralph dito. Thanks.”   Tapos tumayo na siya

“Makakarating sa asawa ko ang mga ipinagbilin mo Lily.” Napatigil siya sa paglakad tapos slow motion na nag about face paharap sa akin with matching flip ng kanyang hair tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ba’t ba ang maldita ng mga ex ni Paeng?

“Seriously? Asawa ka niya?” Hindi ko alam kung nang iinsulto ba siya o natatawa nung sinabi niya yun. Siguro nang iinsulto at natatawa at the same time. Sino ba naman kasi maniniwala na ako ang pinakasalan ni Paeng? Sasagot na sana ako pero bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Oh, I’m sorry. I misjudged you.” Nagulat ako sa ginawa niya. Akala ko ba ex din siya na makikipagbalikan kay Paeng?

“But it doesn’t mean  na hindi ka  bagay na maging asawa ni Ralph kaya ko sinabi yun. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nag asawa si Ralph. Really? Ralph got married?” Tapos umiling iling pa siya. Baliw ata ang babaeng to. Or baka adik? Naupo ulit siya sa sofa kaya napilitan na din akong maupo. Akala ko ba aalis na ito?

“Anyway, sorry ulit Ana. My bad.” Sabi niya na puno ng sincerity or baka plastic lang talaga siya.

“Okay lang.” I said half heartedly. Ikaw kaya masabihan ng mayordoma, matutuwa ka kaya?

“I came here pala kasi may hihilingin akong favor kay Ralph. Pero since wala siya at asawa ka naman, pwede naman sigurong sayo na lang ako magpapaalam.” Tapos napatingin siya sa aquarium at napangiti. 

 “Ano yun?” Inalis niya ang tingin niya sa quarium tapos tumingin sa akin.

“Pwede ko bang hiramin si Lilac for a month?  You see, yung  father ni Lilac, champion yun sa flowerhorn competition for 3 years now. And then last week he died.” Pinunasan niya ang mga mata niya ng panyo at parang naiiyak pero hindi namna siya naiiyak talaga. OA ang babaeng ito.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon