Epilogue

198K 3.9K 630
                                    

 Epilogue

“Come here baby, here…” His mouth kissed the top of my tummy. Naramdaman ko ang pagwaawal ng sanggol sa sinapupunan ko and then he kicked violently. Awwww.

“Paeng! Pwede ba! Tama na yan? Ang sakit na niya sumipa at inaantok na ako.” Yes, buntis na ako at malapit na din akong manganak. Pero itong si Paeng wala atang planong patulugin ako kasi kanina pa niya kinukulit ang bata sa tiyan ko.

“Sandali na lang Hon, look at him, sinusundan niya ang kamay ko. He’ll be a smart kid.” I rolled my eyes. Sa tingin ko magiging spoiled ang batang to. Simula nung malaman na buntis ako naging habit na ni Paeng ang kausapin ang tyan ko.

“Tumigil ka na nga!” Singhal ko na.

“Sinusundan niya kasi ang kamay ko.” He said grinning.

“Ako ba inuuto mo? Hindi na niya masusundan ang kamay mo sa kinalalagyan nito ngayon!! Maliban na lang kung manganganak na ako!” Tinapik ko na ang kamay niya na kung saan saan na napupunta. He just grinned and hugged me tenderly.

“I love you, Ana.” Tapos hinalikan niya ang noo ko. Napangiti na alng ako.

“I love you too…Awwwww!”Bigla akong napasigaw.

“Sorry. Nadaganan ba kita?” Lumayo naman agad siya ng kunti sa akin.

“Manganganak na ata ako Paeng!!!” napapangiwi ako sa sakit.

“Baka sumipa lang dahil sinusundan ang kamay ko.” Ramdam ko ang biglang panlalamig ng kamay niya.

“AWWWWWW! BA’T BA MAS MAY ALAM KA PA SA AKIN? IKAW BA ANG BUNTIS? DALHIN MO NA LANG AKO SA HOSPITAL.” Hawak hawak ko na ang tyan ko.

“Okay! Okay! Wag ka ng sumigaw. Baka mabingi si baby.” Sabi pa niya na hinihimas pa din ang tyan ko. Utang na loob naman.

“Paeng!!!”

“Ito na!” Tapos bigla na lang siyang tumayo  at nagsuot ng shirt at binuhat ako palabas ng kwarto at palabas ng bahay.

After 2 months…

“Hindi ko ma gets kung bakit kinuha kang Ninang.” Sabi ng atribidong katabi ko. Binyag ngayon ng inaanak ko na anak nina Ana at Ralph.

“Hindi ko rin magets kung bakit ikaw ang naging Tito ng napakagwapong batang yun.Nakakaawa naman kung magmana sa ugali mo.” I smirked at him.

“At least siya may pag asang maging mason. Ikaw wala, kahit saang Chapter walang tatanggap sayo na maging member ng mason. Common sense naman kasi.” Naningkit na ang mga mata ko sa sinabi niya. Ayaw ko ng maalala ang pang uuto sa akin ng lalaking ito.

“Kung wala palang pag asa bakit mo pa ako inuto at sinabihang isosponsor?” Naiirita talaga ako pag naaalala ko.

At lalo akong nainis sa ginawa niya. Ngumiti lang siya sa akin at tinalikuran ako.

-END- 

Marami pong salamat sa lahat ng nagbasa sa nakakalokang storya ni Paeng at Ana. Maraming salamat sa mga naggagandahang comment. 

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now