Pang Labing Anim na Silip

152K 3K 237
                                    

Labing Anim

Tapos na ang kasal at umuwi na kami sa ancestral house nila Paeng. Bukas pa daw kasi ang honeymoon namin.

Honeymoon? Asa naman sila to the highest level. 

Pagdating namin sa kwarto nag impake na kami kasi pupunta daw kami sa Africa bukas para sa aming honeymoon. Regalo ng Tita ni Paeng. Day Tour daw at kalahating araw lang. Wahahaha. Joke lang.

Ang totoo hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi bukas pa daw ibibigay ang ticket. Pa suspense pa sila, baka naman sa kalapit bayan lang ang honeymoon namin. Wahahah. Ang bad ko. Ako na nga lang ang makakapagbakasyon, nanlalait pa ako.

Naligo na din ako pagkatapos kong magligpit kasi napagod ako sa sakal. Pagkatapos nahiga na ako sa kama. Ang sarap pala ng kama ni Paeng. Anlambot lang.

Kung itatanong niyo sa akin kung saan si Paeng, aba, malay ko! Mukha ba akong hanapan ng lost and found?

Nakakaidlip na sana ako nung magbukas ang pinto at pumasok si Paeng. May dalang isang box.

“Ano yan?”  Tanong ko kasi nilagay niya sa kama.

“Regalo.” Regalo? Isang box? Ganyan lang ang regalo namin? Wala man lang kahit isang electric fan?

“Yan? Hindi man lang nakabalot?”

“Walang regalong in kind. Nilagay daw sa invitation na cash alng ang pwede.” Ganun? So ibig sabihin pera ang laman ng box na yan?

Binuksan na niya ang box at may nakita akong sangkatutak na sobre. Yung iba makakapal, yung iba naman maninipis.

Lumapit ako sa kanya at kumuha ng isang envelope. Pagbukas ko, tseke, nakapangalan kay Mr. and Mrs. Angelo Raphael Villegas.

Akalain mo yun! May Angelo ang pangalan niya. Hindi bagay.   

At sosyalin ang apelyido niya ha. Villegas. At oo, ngayon ko lang nalaman ang apelyido niya.

Pero sosyal na ngayon ang pangalan ko. Ana Cruz Villegas. Bongga! Hahaha.

Pero hindi pa doon nagtatapos ang pagkaamaze ko kasi nanlaki ako nung makita ko ang amount ng check.

Php50,000.00. The heck! Regalo sa kasal ganung amount?

Nanlalaki ang mga mata ko habang binibilang namin ang mga naibigay sa amin kasama na yung mga isinabit sa damit namin.

“Magkano lahat? Daliii! Excited na ako!” Tiningnan ako ng masama ni Paeng.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now