Pang Apatnapu't Tatlong Silip

139K 2.6K 209
                                    

43

Tinawagan ko na ang lahat ng dapat kong tawagan para itanong kung nasaan na si Paeng pero lahat sila nagsabi na hindi nila alam. Pati sa office hindi din daw siya pumapasok at nagfile pala siya ng indefinite leave. Depressed na depressed ako at guilting guilty.

“Ma’an Ana, kumain na po kayo. Ihahanda ko na po ang hapunan.” Sabi ni Helper. Nakaupo lang kasi ako sa sofa at nakatulala.

“Mauna ka ng kumain Helper. Susunod na ako.” Bumalik na lang ulit sa kusina si Helper at pinabayaan na ako sa living room. Dalawang araw na simula nung mag usap kami ni Lily at mag iisang linggo na simula nung umalis si Paeng. Saan na ba siya? Maayos lang ba ang lagay niya? Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko nung nagsalita ulit si Helper.

“Ma’am kumain na po kayo.” Pinahid ko agad ang mga mata ko para hindi niya makita na umiiyak ako.

“Mauna ka na.” Sabi ko ulit. Ang kulit naman ng ktulong na to. Pumunta ako sa banyo para maghilamos at para na rin makaiwas na makita ng kasambahay ko ang nakakaawa kong sitwasyon. Kunsabagay alam naman na ata niya kasi hindi na umuuwi si Paeng.  After 5 minutes sa banyo lumabas ulit ako para lang makaharap si Helper.

“Ma’am! Kakain na po kayo?” Napakahopeful ng itsura niya. Para bang nakasalalay ang buhay niya sa pagkain ko.

“Mamaya na nga.” Naiirita na din ako. Ilang beses na ba niyang tinanong yan?  Kung nagugutom siya eh di kumain siya. Hindi yung tatanungin niya ako maya’t maya.

“Ma’am kasi…kumain na kayo. Hindi din kayo naglunch kanina.” Nagulat ako sa sinabi niya at sa inakto niya kasi may kasama pang dabog at simangot ang sinabi niya.  

“Helper, pwede, wag kang makulit?” I warned her para hidni na niya ako kulitin.

“Pero kasi Ma’am ako ang masasabon ni Sir dahil sa ginagawa niyo.”Bigla niyang sinabi pero nung narealize ata ang sinabi niya bigla niyang kinagat ang ibabang labi niya. Kahit ako nagulat sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng nakakaduda.

“Nagkikita kayo ni Sir Ralph mo!?” Bulalas ko. Dalawang araw ko na siyang hinahanap tapos nagkikita sila ni Helper? Paanong nangyari yun? I tried to cathc Helper’s eyes pero iniwas lang niya ang tingin niya sa akin. Sa sahig siya tumingin.

“Hi-Hindi po Ma’am.” Ang dami ng iling niya, halos malagas na ang lahat ng buhok niya sa pag iling.

“Helper….” Banta ko pa

“Hindi po talaga Ma’am. Si Sir Michael po ang nakakausap ko. Pinapabantayan ka daw ni Sir Ralph.” Sabi niya sa akin. Paanong si Michael ang nakausap niya eh nung tinawagan ko si Michael ang sabi ni Michael hindi niya alam kung nasaan si Paeng. Isa sa kanila ang nagsisinungaling.

“Gusto mo ba akong magalit sayo Helper?” Ayaw ko man siyang ganituhin pero kailangan ko ng makita si Paeng.

“Si Sir Michael po talaga Ma’am.”

“Isa…”Pinandilatan ko siya ng mga mata. Pero tiningnan lang niya ako.

“Oo nga Ma’am!” This time tiningnan na niya ako.

“ Dalawa…”

“Naku Ma’am kahit magbilang ka pa hanggang isang milyon. Si Sir Michael talaga ang nakakausap ko.” She said firmly. Nanlumo ako sa sinabi niya. Bumalik na lang ako ulit sa sofa na hinihigaan ko.

“Sige. Kakain na lang ako mamaya.” Humiga na ako sa sofa.

“Pero Ma’am….” Pumikit na ako at tinalikuran si Helper hanggang sa nakatulog na ako at umaga na ako nagising.

Paggising ko nakahiga na ako sa kama, sa kwarto namin ni Paeng. Binuhat ba ako ni Helper papasok sa kwarto? Pero impossible naman. Hindi naman niya ako kayang buhatin. O baka naman ginising niya ako at pinalipat sa kama pero di ko maalala. Pero hindi pwedeng hidni ko maalala kasi ang mga Reyna Elena hindi tinatablan ng amnesia.

Tinanong ko siya paglabas ko ng kwarto pero tiningnan lang niya ako na para bang adik ako. Pagdating ni Paeng sesesantihin ko to. Pasalamat siya at hindi ako ang nag hire sa kanya.

“Helper, ikaw muna dito, lalabas lang ako para maggrocery.” Sabi ko sa kanya pagkatapos kong magbihis at maligo.

“Sasama ba ako Ma’am?”

“Hindi na.” Tapos umalis na ako. Lumabas na ako ng condo at sumakay ng elevator pababa. Naghihintay na din si Kuya Driver sa lobby para dalhin ako sa supermarket.

Pabukas na ang elevator nung may mahagilap ang mga mata ko. Isang lalaking parang si Paeng na papasok sa kabilang elevator. Gusto kong buksan lumabas agad para maabutan ko ang lalaki pero ang bagal ng mga tao sa unahan ko. Gusto ko na silang itulak.

At nung makalabas na ako at lumingon ako sa kabilang elevator, sakto namang papasara na ito. And white sleeves na lang ng polo  ng naturang lalaki ang nakita ko bago tuluyan itong sumara.  

...And They Kill Each Other.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora