Pang Labing Isang Silip

160K 3K 215
                                    

Labing Isa




"Ito pa! Tapos ito pa! Ubusin mo yan lahat! Wag kang magtitira!" Bigay lang ako ng bigay ng pagkain. 20 minutes na ako dito.

"Aba! Ba't di mo kinakain yan? Ha? Choosy ka pa ha? Choosy? Kumain ka na para lumaki ka kaagad! Gusto mo isaksak ko pa sa baga mo ang pagkain na yan? Hindi pwedeng hindi mo yan kainin. Ubusin mo! Ang dmai kayang nagugutom sa africa tapos ganyan ka!!" Tapos   hinampas hampas ko ang salamin. Aligaga naman ang pinapakain ko.

"Pag hindi mo yan kinain, ipiprito kita!" SAbi ko pa! Walangyang isda yan! Ayaw kumain. Ang arte arte.  Tilapya lang naman siya na nagkakulay. Bwisit! 

"Kainin mo yan sabi!!!" Hinampas hampas ko ang aquarium. Nagwawala na din si Lilac. Hindi niya alam kung saan siya magtatago.

"Ana! Ano ang ginagawa mo kay Lilac? Bakit mo siya hinaharass? At bakit ang daming lumulutang na pagkain niya?" Dumating din sa wakas si Paeng. Andito kasi kami sa bahay nila na 5 minutes drive lang mula sa bahay niya. Ang adik lang. Akala ko kung malayo ang bahay nila kasi nga sabi nung prodigal grandfather, pinahanap pa daw niya si Paeng, eh ang lapit lapit lang pala.

"Hinaharass? Eh pinapakain ko nga eh. Kaso maarte talaga siya. Ayaw kumain!" Dapat nagpapahinga ako ngayon eh. Leche talaga! Kung hindi lang dahil sa 15K hindi ako magpapanggap.

"Naiistress siya sayo! And dalawang beses lang siya pinapakain at tig tatlong butil lang. Tingnan mo ang ginawa mo! Halos maubos ang isang bote!" Kinuha niya ang pang alis ng dumi ng aqaurium at sinimulang kunin ang pinaglalagay ko na pagkain.

"Naiistress? EH di bigyan mo ng stresstab! Ke arte arteng tilapya."  Bubulong bulong pa ako habang pinagmamasdan ang kalokohan ni Paeng. Parang baliw lang siya talaga.

"Baby, don't listen to her. She's just jealous because she's not as beautiful as you. Now be calm and don't stress yourself." Sabi pa niya sa tilapya. Naiirita ako. Nung dumating nga kami kanina, halos yakapin na niya ang buong aquarium at ang isda. 

Baliw talaga. Mabuti na lang at wala ang kapamilya niya. Nagsimba daw kasi lahat. Kunsabagay, Sunday ngayon. Si Paeng lang ata ang hindi nagsisimba.

"Gago!" Lalayasan ko na sana siya kasi parang masusuka na ako sa ginagawa niya sa tilapya nung mapatigil ako dahil sa isang tili. Tumili ang  tilapya?? OMG! Totoo ba ang Frog Prince and in this case, The Fish Princess.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now