Unang Silip

330K 5.2K 620
  • מוקדש ל sa lahat ng tubig na nainom ni Ana sa batis.
                                    

UNANG SILIP

Kiniskis ko ng mabuti ng kilikili ko. Ayaw kong mabahiran ng kunting libag ang katawan ko baka kasi may makita akong mayaman at pogi mas mapansin pa ang libag ko kaysa sa alindog ko.

Pagkatapos kong maghilod, sumisid ako sa batis. Tama kayo ng basa, sa batis ako naliligo. Bakit ba eh sa probinsiya ang setting ng kwento ko. Wag na kayong magreklamo. May sama lang talaga ng loob ang author sa akin kaya lahat ng kahirapan at kamalasan ipapamalas niya sa akin sa kwento kong to.

Anyway, habang iniisip ko ang mga bagay na yan ay sumisisid ako. Tagal kong umahon noh? Siyempre sa probinsiya kasi namin loser ka pag aanga anga ka sa paglangoy.  May laro pa nga kami nung mga bata kami na patagalan sa pagsisid sa ilog.

At dahil sa dalaga na ako at malaswa nang tingnan na nakikipagsisiran pa ako sa iba kaya kinalaban ko na lang ang mga tilapya dito sa batis. Pero putakte lang! Kahit kelan di ako nanalo nalo.

Pagkatapos kong sumisid ay nagfloat naman ako at pinakinggan ang lagaslas ng tubig, ang mga huni ng ibon at ang kaluskos sa may damuhan sa gilid ng batis.

Napatayo ako bigla nung marealize ko na may kaluskos nga sa may bandang damuhan. Kahit kubli ang parte na ito ng batis at kahit na ako lang ang nakakaalam hindi pa rin malayo na may maligaw dito at pagsamantalahan ako. Oh my God!

Dahan dahan akong naglakad papunta dun sa  may kaluskos at naningkit ang mata ko nung may nakita akong nakakubli na tao na naka kulay puting dami. Ang lapastangan! Basta! Walang modo!

Kumuha ako ng limang bato at binato ko kung sino man ang nakakubli sa mga damo.

"Ouch!"

"Aray!"

"Hoy tama na! Ang sakit ha! Hindi na nakakatuwa ang pagbato mo sa akin!" Tumayo siya mula sa damuhan at tinatakpan ng mga kamay niya ang mukha niya. Lapastangan talaga!

"AT SA TINGIN MO NAKAKATUWA YANG PAMBOBOSO MO SA AKIN? HA?!" Sininghalan ko na. Mukha kasing di man lang natitinag na nahuli siyang nambubuso.

"Wag mo nga akong sigawan. Hindi ko naman sinasadya na busuhan ka eh." Inalis na niya ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. Napanganga ako sa nakita ko. Kay poging nilalang! Aba kung ito palagi ang mamboboso sa akin eh di okay. Anong okay? Ano ba! nakakita lang ako ng pogi naging okay na sa akin ang masilipan. Kahit na nakashirt at short naman ako. Pero kahit na ang point na sinilipan niya ako ay kabastusan na at pag aalipusta sa aking pagkababae. Hindi ako dapat nagpapadala sa kagwapuhan ng lalaking ito.

"HINDI MO SINASADYA? ANO YUN? NADULAS KA LANG AT PAGDILAT MO NASILIPAN MO NA AKO?" Sinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya na parang naiirita.

"Tsss. Ang ingay naman! Wala bang preno? unlimited ba ha?"

"AKO PA NGAYON ANG MAINGAY? AKO NA NGA ANG NASILIPAN, AKO PA ANG MAINGAY! ABA!"

"Eh maingay ka naman talaga eh. Alangan naman na ako ang maingay eh ikaw ang talak ng talak. And besides, anong sinilipan? Wala naman nakikita sayo? At kung may makita man ako, hindi naman kaaya aya sa mata."

"ANO!!!!?? NAPAKABASTOS MO TALAGA! WALA KANG GALANG!" Nakakainis. Nakakakulo ng dugo ang lalaking ito. Akala mo kung sino. Kung hindi alng siya pogi nilunod ko na siya sa ilog.

"Kung makapagsalita ka kasi feeling mo naman inalisan ka ng puri. Malay ko ba naman na may naliligo sa batis na yan? Kung alam ko lang eh di sana hindi na lang ako pumunta dito para mangisda. Eh di sana hindi nababasag ang eardrums ko ngayon at hindi ako nakakita ng di kaaya ayang tanawin."  Sumusobra na siya. Kanina pa niya ako iniinsulto. Nag iinit na ang bumbunan ko. Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako na hindi ko mapatay ang antipatikong nilalang na ito. 

At dahil wala namang pumigil sa akin, di ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya. Sapol siya sa mukha at natumba siya sa damuhan.

"Pakshet!" Sabi pa niya habang hinahawakan ang labi niyang sinuntok ko na ngayon ay dumudugo. Buti nga sa kanya. Hindi kesyo lalaki siya ay hindi ko na siya papatulan.

"BASTOS KA! WALANG MODO! KUNG HINDI LANG AKO NANGHIHINAYANG NA MABULOK ANG KAGANDAHAN KO SA KULUNGAN, PINATAY NA KITA." tinalikuran ko na siya bago pa lalong mandilim ang paningin ko at tuluyan ko ang lalaking yun.

"MAKUKULONG KA PA DIN, AAKUSAHAN KITA! TRESPASSING AT ASSUALT RESULTING TO SERIOUS PHYSICAL INJURY!" Sigaw niya habang naglalakad ako.

Hindi ko na lang siya pinansin kasi alam ko naman na nagbabluff lang siya. Tsaka walang magkukulong sa akin.

Ako ata ang Reyna Elena last year.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now