Pang Dalawampu't Dalawang Silip

158K 2.9K 246
                                    

Pang Dalawampu’t Dalawang Silip

Sa tingin niyo naman makakatakas ako? Siempre hindi! Simula pa lang sinabi ko ng I’m doomed in this story. 

Kaya kahit anong takbo ko, nahuli pa din niya ako at ngayon binubuhat niya ulit ako na parang sako lang ng bigas. At aaminin kong nagpapanic na ako. Hindi ko maisip kung ano  ang unforgettable experience na yun.

Hot, wet and sweaty ba yan? 

“Teka lang!! Teka lang! Hindi ba pwedeng umapila? “ Nahihilo na ako kasi nakabaliktad ako at nakaharap sa likod niyang malapad at naamoy ko ang bango niya. Huwaaaaa!!!

“Apila! Apila! Walang apila apila sa akin!” Patuloy pa din siya sa paglalakad. Parang hindi lang niya ako buhat buhat. Grabe, bumaba na ata lahat ng dugo ko sa ulo ko.

“Ano ka! Nasa constitution yan. ‘ No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.’” Sabi ko pa. Oha! Ganyan talaga ang mga Reyna Elena last year, dapat memorize ang bill of rights. Wahahaha. 

Bigla naman niya ako binaba pero nasa loob na kami ng kwarto. Tapos tiningnan ako at ngumiti ng nakakaloko.

“O siya, sige, ano ang iaapila mo? Ano ang rason mo at nakalimutan mo ang apelyido  natin? Pagbibigyan kita baka kasi sabihin mong sobrang inaapi kita. Reklamador ka pa naman.” Unti unti niyang inaalis ang pagkakabutones ng shirt niya. Holy Shit! Kailangan naghuhubad siya habang nag aapila ako?

Hindi ako tumingin sa kanya. Baka kasi makalimutan ko ang iaapila ko at sumuko na lang ako bigla.

“Bigyan mo ako ng pagkakataon na maalala ang apelyido mo.” Tumaas ang isang kilay niya.

“Huhulaan ko ang apelyido mo…”

“Natin.” Tsss.

“…eh di natin. Basta yun. Huhulaan ko ang apelyido mo at pag di ko nahulaan, gawin mo ang gusto mong gawin hindi ako magrereklamo.” Kumislap ang mga mata niya tapos ngumiti. Tapos tumingin sa salamin at hinipo hipo ang chin niya. Parang sira ulo lang.

“Kahit ano?” Paniniguro pa niya.

“Kahit ano.” Sabi ko naman.

“Game. Ano ang gagawin mong panghuhula?” Mukhang naexcite na din siya sa suggestion ko.

“Alam mo ang larong hangman?Parang ganun.” Tumango tango lang siya.

“Tara, sa kitchen table tayo.” Tapos bigla na lang hinagis ang shirt niya sa kung saan. Napatulala ako. Hindi kaya masira ng glass na dining table niya sa laro namin?

“Te-Teka, hindi ka ba magbibihis?” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, baka kasi mapatingin ako bigla sa katawan niya. Hinayupak naman kasi ang lalaking ito. Kailangan nakahubad?

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now