Pang Sampung Silip

163K 3.1K 390
                                    

Pang sampung silip

HANUDAW!!

WIFE??

ME??

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero hindi ako makapagsalita dahil sa shock at dahil na rin sa akbay niya sa akin na humihigpit ng humihigpit na parang gusto na niya akong patayin.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, naintindihan ko naman ang actions niya. Gusto niya na sumang-ayon ako. Na umoo ako sa sinabi niya. Pero....

Para saan pa ang title ng story na to kung sasang ayon ako? Ano ako sira? Kaya pagkakataon ko na to para makaganti kay Paengot. Bwahahahhahah! Hihihihihi! Feeling ko bigang tumubo ang sungay at buntot ko. Makikita mo ngayon Paeng. Feel the wrath of my revenge. 

"Hindi po. Hindi po..Mmmmmmpppppp!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi hinalikan niya ako. 

Hinalikan niya ako.

Okay.

What! Hinalikan niya ako.

Ay correction...hinahalikan pa niya ako. Sa tagal ng pagloading ng utak ko, ganun din niya ako katagal hinahalikan. At ang masaklap pa, nakapikit na ang mga mata ko. At ang mga kamay ko....

Ano ang ginagawa ng mga kamay ko sa batok niya.

"Honey.... you're so sweet!" Honey?!

Mukhang naalimpungatan naman ako sa napakasarap na panaginip nung nagsalita siya. At mukhang nakalimutan ko na may apat kami na audience.

Teka! Ano ang nangyari? Nasaan ako? Sino ako? May amnesia ba ako? Hehehehe.

"Ana, makiayon ka sa akin ha! Dahil kung hindi, hahalayin kita sa harap nila mismo." Sabi niya sa akin ng mahina, habang magkalapit ang mukha namin. At hinahawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko. Parang mahihimatay ako sa bango ng hininga niya. 

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon