Pangalawang Silip

246K 4.5K 1.1K
  • Dedicated kay sa bagay na nasaktan dahil sa chapter na to. Pwede pa yan. Hindi naman fatal ang
                                    

Pangalawa.

Tok tok tok. Tao po.

Napatingin ako sa pinto namin nung may kumatok. Kaasar naman, naputol tuloy ang pantasya ko kay papa Reid Alleje.

Binaba ko ang hawak ko na pocketbook at tiningnan ang pinto. Hindi pa din tumitigil ang pagkatok. Napasimangot na ako. Kung kelan naman malapit na magkabati sinaTamara at Papa Reid tsaka naman may mang iistorbo. Sana kung mang istorbo sila dun na mismo sa kwento para di na magkabati sila Tamara at Reid tapos papasok ako sa kwento at ako ang papalit kay Tamara. ANg saya nun, may pogi na akong Papa super yaman ko pa! Bongga!

Tok tok tok

"Ana! Kanina pa may kumakatok sa pinto! Ano ba ang ginagawa mo at hindi mo binubuksan?" Sigaw si Mama mula sa kusina. Kaasar naman talaga. Bakit ba kasi ako lang ang anak nila? Kung may kapatid sana ako eh di may tagabukas sana ng pinto.

"Bakit po ako ang magbubukas?" Balik sigaw ko din kay Mama.

Tok tok tok

"Eh alangan naman na yung kumakatok ang magbubukas ng pinto, para makapasok sila sa bahay natin." Wow Pag namilosopo si Mama, wagas. 

"Pwede naman kasing si Papa ang magbukas ng pinto Mama. Bakit ako lagi ang magbubukas ng pinto?" May dabog pang kasama yan. Napatingin sa akin si Papa at pinandilatan ako ng mata. Si Mama naman ay sumilip sa kusina para tingnan ako.

Tok tok tok

"So gusto mo pang pagdebatihan natin kung bakit ikaw ang magbubukas ng pinto?" Nakataas na ang kilay ni Mama habang hawak ang sandok. Nag pout ako tapos tumingin kay Papa.

tok tok tok

"Papa, ikaw na ang magbukas ng pinto." Binaba ni Papa ang dyaryo na binabasa niya tapos tumingin sa akin.

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon