Pangatlong Silip

212K 3.9K 317
                                    

Pangatlong Silip

Nakauwi na ako ng maayos sa bahay. Nakakain na din ako at nakatulog pero hindi ko pa din alam kung paano lulusutan si Paeng.

Siempre hindi bukal sa loob ko ang deal na yun. Ayokong magsilbi sa unggoy na yun. Asa naman siya noh! Sa bahay nga halos di ako nagtatrabaho tapos gagawin niya akong utusan? Asaness naman siya to the highest level.

"Ana kumain na tayo." Tumayo na ako at bumaba ng hagdan. Pag si Mama kasi nagyayang kumain dapat bumaba ka agad para hindi ka maubusan. ANg niluluto kasi ni Mama kakaunti lang. Yung sapat lang para sa akin. Kaya kung hindi ka pa agad bababa baka pati ang pagkain ko ubusin ni Papa. Alam niyo naman kung paano kumain ang lalaki.

Nasa kasarapan na ako sa pagkain ng aking pagkain nung may kumatok. Natigil ang pagsubo at nag angat ako ng tingin. Tapos tumingin ako kina Mama at Papa na nakatingin din sa akin ng masama. Pag ganyan na ang tingin nila, may magagawa pa ba ako?

Kaya tumayo na lang ako at binuksan ang pinto na pinagsisihan ko rin sa huli. Sana pala hidni ko na alng binuksan. Sana pala nagbibingi bingihan na lang ako.

"Hi!" Sabi pa niyang nakangisi.

"Hi your face." Sinimangutan ko siya. Kakabwisit ng umaga pag pagmumukha niya ang una mong masisilayan.

"Ang aga aga naman ang sungit sungit na. HIndi mo ba ako papapasukin?"

"Ano ang ginagawa mo dito." Namaywang na ako. Wala akong planong patapakin siya sa bahay namin.

"Nakalimutan mo na ba na may deal tayo? Magsisimula na yun ngayon."

"Ana sino yan?" SI Mama yan. takte. Kugn minamalas ka nga naman.

"Magandang umaga po" Sumilip pa ang wlaanghiya sa balikat ko para makita siya ni Mama.

"Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo Ana? Naku! Saan na ba ang mga tinuro naming kagandahang asal sayo?" Si Mama talaga. Pinapahiya ako. Kesyo nakakita lang ng pogi.

Wala na akong nagawa. Pinapasok na siya ni Mama at niyaya pang kumain. Eh kukunti na nga lang ang pagkain namin eh. Pero mabuti naman at nahiya ang unggoy at tumanggi. Uminom na lang siya ng juice habang nakaupo sa tabi ko sa mesa.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now