Pang Tatlumpung Silip

158K 2.9K 342
                                    

Pang 30 Silip

“Ano ka ba! Kaya ko naman na!” Reklamo ko kay Paeng nung inaassist niya ako pasakay sa bangka na sasakyan namin papunta sa site kung saan kami magdadiving. Kanina pa siya ganyan. Hindi ko alam pero parang may nag iba kay Paeng. Hindi na niya ako masyadong inaaway at inaasar. Hindi na din niya pinapatulan ang mga pang aasar ko. Naninibago talaga ako sa kanya. Ano kaya ang nakain niya? :D

Ngayon ang schedule namin para mag diving kasi hindi kami natuloy kahapon dahil nga sa mga kaganapan. Hahaha. Nakakaloka, ‘mga kaganapan’ talaga. Eh totoo namang mga kaganapan eh. Halos hindi na nga kami lumabas ng kwarto. Hahahaha. Ahhh. Ana! Stop! Stop thinking about it. Parang awa mo na sa mag inosenting nagbabasa ng kwento mo.  Hindi na nga dinetalye ng author ang BS niyo tapos ikaw panay pa ang isip ng MGA naganap. Haha.

Pagkasakay ko sa bangka, namangha naman ako kasi may kwarto , CR, may dining, kitchen at living room sa ilalim.  Ang sosyal ng bangkang ito. Iba na talaga ang mga mayayaman, iba ang kasosyalan ng mga bangka. At dahil naaliw ako sa bangka, pumunta ako sa pinakagilid at nagtingin tingin.

“Maupo ka nga muna Ana. Ang  likot likot mo. Maya maya mahulog ka pa dyan.” Napatingin ako kay Paeng na papalapit sa akin. Ayan na naman siya. Nagiging weird na naman.

“Hindi ako mahuhulog. Tsaka hindi pa naman umaandar.”  Nagsasakay pa kasi ng mga gamit sina Raz, Jude, Mike at Gab. Hindi ko alam kung bakit hindi tumutulong si Paeng at panay lang ang sunod sa akin. Buntot ko ba siya? Adik talaga.

“Ano ka ba Kuya! Kanina ka pa tulala. Hindi ka ba tutulong? Tititig ka na lang ba habangbuhay sa cellphone mo?” narinig kong sigaw ni Raziel sa Kuya niya. Ito talagang si Raziel, kahit na lalaki lahat ang palagi niyang kasama, hinding hindi siya nagpapaapi. Nakikipagsabayan siya sa asaran.

“Ito bitbitin mo!” Tapos halos ihampas niya kay Jhudiel ang dala dalang cooler. Ang bigat nun ha. “Para ka namang hinalay ng bakla!” Sabi pa ni Raziel at nakita ko ang biglang pamumutla sa mukha ni Jude. Ehhh. Anong nangyari sa kanya?  

“What’s wrong Dude?” Tanong naman ni Gab kay Jude habang paakyat sila sa bangka. Nakita kong tumingin lang kay Gab si Jude pero parang hindi naman tumitingin. Parang tagos ang tingin.  Makikitsismis pa sana ako nung may biglang humila sa braso ko.

“Halika na nga. Napakatsismosa mo.” Tapos hinila na niya ako papunta sa manibela ng bangka. Haha. May manibela! Langya! Parang kotse lang. Pinaupo niya ako sa upuan tapos nagsimula na siyang makipag usap sa kung sino sino mula sa radio.

“Pwede ba akong pumunta kina Raz…” Sabi ko kasi hindi ko naman alam ang ginagawa niya. Naiinip ako.

“Hindi! Maupo ka lang dyan.” Ang sama ng tingin niya sa akin. Napasimangot na lang ako. So ibig sabihin, tutunganga lang ako sa kanya? Kainis! Sarap batukan. Para tuloy gusto kong bumalik sa dating si Paeng na hindi ako pinapakialam. Ba’t ba kasi bigla na lang siyang naging pakialamero?

Pinaandar na niya ang bangka nung mag signal na si Michael na ok na. Tapos unti unti na kaming lumalayo sa dock.

“Ikaw dito.” Bigla niyang sabi. Napatingin ako bigla sa kanya mula sa paglilinis ng kuko kong kulay pink ang nailpolish.

...And They Kill Each Other.On viuen les histories. Descobreix ara