Pang Tatlumpu't Limang Silip

145K 2.9K 338
                                    

35

Tulala ako sa sasakyan hanggang sa makarating ako sa condo. Pagdating ko naman doon, agad akong pumasok sa kwarto at doon nag iiyak. Pilit kong pinipigilan pero hindi talaga papigil ng luha ko. Hindi naman ako iyakin pero hindi ko alam ba’t ako nagkakaganito. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Hindi mo macontrol ang sarili mong emosyon?

Dahil na rin siguro sa sobrang pag iyak o kaya sa gutom kaya nahilo ako nung tumayo ako kaya napahiga ulit ako. Napagod ata ako dahil sa lahat ng nangyari ng araw na yun kaya hindi ko napigilan ang antok ko at nakatulog ako. Mabuti na nga yun at baka paggising ko mawala na ang sakit o kaya marealize ko na panaginip lang pala ang lahat.  

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog pero paggising ko nasa tabi ko na si Paeng at natutulog na din. Pagtingin ko sa relo, 12MN na pala at gutom na gutom na ako. Wala pala akong lunch at hindi din ako nagdinner. Anong oras kaya nakarating si Paeng? Nakakain na kaya siya? Gusto ko sana siyang tanungin pero tulog na tulog siya.

Tumayo na lang ako at pumunta sa kitchen. Ininit ko ang naiwan kong Lengua nung tanghali at ang naiwang kanin at yun ang kinain ko. Tapos uminom pa ako ng fresh milk, kumain ng apple at grapes at nilantakan ang crema de fruta na nasa ref. Sobrang gutom ata ako kaya ganun kadami ang nakain ko. Ikaw ba naman ang hindi kumain ng lunch at dinner tingnan ko lang kung hindi magwala ang mga bituka mo sa tyan.

Nanood na lang ako ng TV hanggang 3AM hanggang sa antukin ulit ako. Pero bago ako pumuntang kwarto kinuha ko ang yogurt sa ref at kinain din ito. Dahil na rin siguro sa sobrang kabusugan kaya inantok ulit ako at nakatulog.

Tanghali na ako nagising as in tanghali na talaga. Mga10AM na siguro yun. At siempre wala na si Paeng sa tabi ko.  At sa totoo lang tamad na tamad akong tumayo. Parang gusto ko na lang mahiga dito sa kama habang buhay at matulog.

Mga 30 minutes pa akong nakatulala lang sa kisame at hindi pa sana ako tatayo kung hindi ko naramdaman ang pagsusuka. Ahh.. nasira ata ang tiyan ko sa pinagkakain ko kaninang madaling araw. Tumakbo ako papuntang banyo at doon nagsusuka. Pero wala namang lumabas na pagkain. Mapait na liquid lang. Pagkatapos ko hingal na hingal ako.  

Tumayo na ako at naghilamos tapos binuksan ko ang cabinet para kunin ang toothbrush ko saka ko napansin ang napkins na hindi pa nabubuksan. Nagbilang ako at nirecall kung kelan ako huling nagkaroon ng menstruation at sigurado akong hindi ako nagkaroon last month. Bigla akong kinabahan kasi regular ako.

Nagmamadali akong magtoothbrush at nagbihis tapos bumaba ng condo para bumili ng pregnancy kit. Agad akong umakyat para gamitin ang kit. All along ang lakas ng tibok ng puso ko. And when I see the result hindi ko mapigilang maluha.

Positive.

Ilang minuto din ata akong nakatulala sa kit na hawak ko. Paano na ngayon? Pano na kami ngayon ng anak ko? Tatanggapin kaya siya ng ama niya kahit na hindi naman ako mahal ni Paeng. Napaluha ulit ako nung maisip ko yun lalo na nung narecall ko ang nangyari kahapon.

Would he reject his child the way he rejected me yesterday? Hindi ko yata kakayanin kung pati ang anak ko baliwalain niya.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko.

...And They Kill Each Other.Where stories live. Discover now