Pang Siyam na Silip

164K 3.3K 280
                                    

 Pang Siyam

"Pwede ba! Tigil tigilan mo ako Paeng!" Tiningnan ko siya ng masama pero parang baliwala lang sa kanya. Ay hindeeeee! Baliwala lang talaga sa kanya. Sa kapal ng mukha niya hindi na siya tinatablan ng masamang tingin.

Sasabihin na nating mabilis ang pacing ng story na to kasi nga isang linggo na ang nakalipas simula nung pagkahulog ko kay Paeng. Ay shet! Ang panget sa tenga! nakakarindi lang! Pwe! Correction: Pagkahulog ko sa puno ng mangga. Ayaaaaannnn!

Nagtaka nga ako kung baket hindi na lang ginawa ng author na 2 chapter to eh. Prologue tsaka Epilogue. Tutal ayaw naman talaga niya sa akin.

Anyway, back to Paeng na ngayon ay nakatingin na naman ng nakakaloko sa akin. Kumakain na naman siya ng tanghalian na scrambled eggs. Isa pa yan. Ginagaya ako ng atuhor sa kanya. Hindi kesyo hindi siya marunong magluto eh idadamay na niya ako. Takteng buhay to. Minsan na nga lang ako magkaroon ng istorya aping api pa ang role ko. Bwiset!

"Kahit anong kapit mo Ana, mahuhulog at mahuhulog ka talaga sa akin! Hahahaha." Muntik ko na siyang batuhin ng plato. Bwisit talaga. grrrr! Bakit kasi yun ang pinagsasabi ko? Ang tabil naman kasi ng dila ko. 

"Utang na loob Paeng!" Isang linggo na niya yan sinasabi. Mabuti sana kung once a day lang or 3 times a day. Pero hindi eh! Mas masahol pa siya sa instruction ng doctor sa pasyenteng may cancer kasi tuwing nakikita niya ako, yun ang sinasabi niya. Kulang pa nga yan eh....

"Itaga mo man yan sa puno ng mangga na pinupugaran ng mga antik! Wahahahaha!" paksyet lang!  Kasalanan ba talaga ang pumatay ng tao?

Hindi kaya nagkamali lang si Moses sa pagbabasa sa ten commandments? Di ba matanda na si Moses nun? Hindi kaya nanlabo lang ang mata niya at wala naman talagang fifth commandment? Na pwede naman talagang pumatay ng tao?

Kasi kung ganun, uunahin ko si Paeng.

Tawa pa din siya ng tawa kaya inismiran ko siya. tatayo na sana ako at magwawalkout, katulad ng ginagawa ko nitong linggo nung biglang may nagdoorbell. Sosyal tong bahay ng magsasaka na to. May doorbell. Kaasar lang!

Tumayo na ako para buksan ang pinto. Sino pa nga ba ang magbubukas ng pinto, eh ako lang naman ang alipin dito. Grrrrrr!

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon