Building Trust 2

104K 3.4K 1K
                                    

At last sa haba haba ng araw, nabawi ko narin Cp ko! Hindi niyo lang alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko. T.T Tanging sorry lang talaga ang masasabi ko ngayon at konting pasensya po. >.<

***

"Nakakailan ka na ah!" inis nasabi ko sabay pahid ng labi ko. Kung kanina ay awang awa ako sa storya ng taong 'to ngayon napalitan ng inis. Nakakainis talaga kasing isipin na hinahalikan niya lang ako ng ganon ganon nalang! Wala man lang feelings yun. T.T Bata palang ako pangarap kong mahalikan ng prince charming ko, yung tipong hahalikan ako ng punong puno ng pagmamahal. Eh etong si Rave, OO, Aaminin kong may gusto ako sakanya, slight lang ah! Pero hindi naman ako ganon kalanding babae para hayaan nalang syang nakawan ako ng halik palagi. >.< May natitira pa naman akong hiya, ni hindi ko nga sya boyfriend diba? Atsaka seryosong usapan to hinahaluan niya ng kalokohan!

"Tsk. At ngayon ka pa umarte." inis ding sabi niya habang nakapulupot ang mga braso niya sa isa't isa. Aba't-! "Ilang beses na kitang nahalikan diba?" nakangisi niyang sabi.

"Tumahimik ka nga!!! Di porket ninanakawan mo ako ng halik ay papalampasin na kita parateeee!" nakasigaw kong sabi sa kanya.

"Tsk. Gusto mo naman." mahinang bulong niya. Mas lalo naman akong nainis.

"He!" sigaw ko. "Usapang matino tayo dito Rave, tapos hahalikan mo ko ng ganon ganon? Diba tinatanong pa kita kung pano tayo nagkaroon ng kontrata?!"

"Yun na nga! Gusto mo ulitin ko pa?" sarkastikong sabi niya.

"Anong yun na nga?! Pano naging kontrata yun? Yun na yun? Pambihira!"

"Pwede ba, hinaan mo yang boses mo!" inis niyang sabi. "At umupo ka nga dyan. Sasagutin ko lahat ng tanong mo." hindi ko na pala namalayaang napatayo na ako sa kinauupuan ko. Bumalik ako sa pagkakaupo saka ko sya nakangusong hinarap. Hindi na tama 'to, di talaga nagtatagal ang galit ko sa isang 'to. Kahit pa anong gawin niya, ilang minuto lang ang tagal ng inis ko. Leche! >.<

"Stop that." sabi niya na ikinataka ko.

"Ano?" takang tanong ko.

"That." pag-uulit niya.

"Ha?" nagulat nalang ako ng lumapit sya sakin saka niya binanat sa magkabilang side ang pisngi ko. "A-aray! Ano ba." reklamo ko. Agad naman niyang hininto ang pagbibinat.

"Tss. Panget ka kapag gumaganon ka." sabi niya.

"Nag iinis ka ba?!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi. Totoo naman eh." sabi niya.

"Ewan ko sayo!" sabi ko nalang.

"Wag kang umarteng hindi mo alam na ganon ang pakikipagkontrata." taas kilay niyang sabi. "Anong akala mo samin, Magmamano? Tss. Wag mong sabihing nagmano sayo yung bubwit na yon nung kinontrata ka?"

"Magmano?! Ano ako lola?! Naghahanap ka ba talaga ng away? Atsaka sinong bubwit?!" sigaw ko.

"Sino pa bang guardian mo?" Asar na tugon niya.

"Hindi bubwit si Keisler! Naiintindihan mo? Hindiiiii!" sigaw ko kay Rave. Bigla namang umilaw ang isa sa mga singsing nakakwintas sakin at bigla nalang lumitaw si Keisler.

"Anong-/Tsk!" sabay naming sabi ni Rave.

"Bakit mommy?" bungad na tanong ni Keisler sakin. "Oh? Tch!" nasabi niya nang makita si Rave.

"bugbugin mo nga 'tong isang 'to nang magtino." utos ko kay Keisler. "Talaga Mommy?!?! Pwede?!" masiglang sabi niya. Halos lumuwa naman ang mata ko, di nga? Walang halong biro? bubugbugin niya talaga si Rave? Akala ko-Oh... Napabaling naman ako kay Rave na sinamaan lang ako ng tingin.

Lost Academy Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz