The Plan

83.9K 2.9K 374
                                    



*Asper's POV*


Pambihira talaga ang dalawang yun! T__T Iwanan ba naman ako dito matapos akong pagtripan! Training training daw. Training your face Rave. Eh mukhang wala nga syang ginawa kundi asarin lang ako. Actually, hindi

naman talaga nila ako iniwanan ng walang pasabi. Si Rave unang umalis, Ewan ko ba kung anong nangyari dun bigla nalang kasing dumilim ang aura niya tsaka ang sabi niya lang sakin may pupuntahan lang daw sya. Iniwan

niya ako kay Keisler. After ng isang oras, so Keisler naman ay may kailangan pa palang test sa klase nila kaya ayun bigla nalang binitbit nung Head Guardian sa department nila kaya eto ako ngayon, mag isa. Sa isang

napakagandang hardin na walang kausap maliban sa mga damong snob at ang mga bulaklak na maldita. =.= Sayang naman kung aalis lang ako diba? Bakit hindi ko nalang lubuslubusin ang sariwang hangin dito?

Iidlip na sana ako nang biglang nagsireklamuhan ang mga damo. Aray daw. @.@ Akalain mo yun, instant alarm. Lumingon lingon ako sa paligid para mahanap ang pinanggalingan ng kumosyon. Sa may bandang kanan may

lumitaw na pigura, pigura ng isang pamilyar na lalaki.

"Clynn?" tawag ko sakanya. Tinitigan naman niya ako saglit bago sya tumungo sa pwesto ko at umupo nakatumbang kahoy na inuupuan ko.

"Bakit ka nandito? Diba nagtetraining kayo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw? bakit ka nandito?" tanong niya.

"Ako unang nagtanong ah!" reklamo ko sa kanya. Bahagya naman syang tumawa at naglabas ng kung anong bagay galing sa maliit niyang messenger bag.

"Para dito." sabi niya. @.@

"Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ko habang tinitingnan yung bagay na hawak niya.

"Oo." seryosong sagot niya.

"Sinong nagbigay nyan?" tanong ko pa.

"Si Estrella." sabi naman niya saka ako tinitigan. Tinitigan ko naman sya pero saglit dahil napabunghalit na ako ng tawa.

"HAHAHAHAHA! Naniwala ka naman dun?! HAHAHA!" tawang tawa talaga ako sa itsura niya ngayon habang tinatawanan ko sya. Look at that face! Para syang inosenteng puppy na hindi alam kung anong ginagawa ko.

hahaha. "Ano namang gagawin mo dyan sa dictionary na yan? hahaha. Ano bang sinabi niya?" natatawang tanong ko. OPO. DICTIONARY po ang bitbit niya.

"Nag-uusap lang kami kanina hanggang sa nag ingles sya. Hindi ko naman sya maintindihan kaya tinanong ko sya at tulad mo tinawanan niya lang ako saka niya binigay sakin to. Sabi niya masyado daw akong makaluma, at

tutal daw na hindi ko na kailangan ng training. Mas mabuti pa daw na kabisaduhin ko raw ito nang magkaintindihan daw kami." mahabang sabi niya. Napanganga naman ako sa sinabi nya. Yun na siguro ang pinakamahabang

sagot niya sakin. O.O Nakakagulat na mahaba pala kung sumagot ang isang 'to. -.- Sabit lang dahil medyo madali syang mauto. Napailing iling nalang ako habang sya naman sya patuloy pa rin sa pagbabasa ng dictionary na

hawak niya. Seryosong binabasa niya ito hanggang sa hindi na ako makatiis at inagaw ko na ang dictionary.

"Anong-" gulat na sabi niya at sinubukan niyang kunin sakin. "Bakit mo kinuha?"

"Hindi ko alam kung bakit pero natatangahan ako sa ginagawa mo. -.-" nasabi ko nalang.

"Hindi naman ata katangahan kung gustuhin kong matuto ng ingles ah?" tanong niya sakin.

Lost Academy Where stories live. Discover now