L.A. Added infos

108K 2.9K 114
                                    

Note: Ginawa ko to para mas maunawaan niyo ang sistemang meron ang Lost Academy. Dito ko e-eexplain ang mga rules or anything na sa tingin ko'y kailangan niyong malaman. Makakatulong po ang mga information na ito in the near future as the story goes on.

****

Lost Academy

- Ang Lost Academy, technically hindi talaga ito ang tunay na name ng school. Tinawag lang syang Lost kasi nga wala na siya sa  knowledge ng mga tao or sa mga existing magical schools. There are four other existing school, mga sister school ito ng Lost Academy. Bale ang akala ng lahat wala na talaga ang L.A. kaya nga once na nakapasok na ng Lost Academy di ka na pwede lumabas unless my permission ng Headmaster. Pinatili ng council ang pagiging tago nito sa publiko, sa kung anong dahilan? Tunghayan.

Council

- Ang council ay isang organisasyong binuo sa loob ng Lost Academy. Ang tungkulin nito ay ang panatilihing ligtas ang buong Academy sa kahit anong paraan.

Guardian

- isang nilalang na kinokontrata ng mga estudyante upang maging assistant, alipin, o kung ano mang maaring maitawag sa tagasunod. Note: Maaaring kumontrata ang bearer ng kahit na ilang guardian na gustuhin nila.

Protector

- Ang mga tagapagtanggol ng mga bearer. Isang nilalang na kinokontrata ng mga estudyante upang maging tagapagtanggol o maging knight nila. Note: Kapag kumontrata na ang isang estudyante ng isang protector, hindi na sya kailanman makakapagkontrata ng iba hanggang sa hindi pa nila nabebreak ang contract nila.

May iba't ibang clans ang Protector, 7 clans to be exact.  Isa na dun ang Hollows which is ang clan ni Ley.

Lower Class

- Located sa South Wing. Divided ito into 2 sections, The Class-E and the Class-D.. pero may ibang classroom pa for most improve student ng Class-D at Class-E., may sariling field at malapit sa main gate.

> Class-E

- Ang section ng lower class kung saan napupunta ang mga Type E Ability User. in short, dito nilalagay ang mga mahihinang klase ng ability, yung close to useless na.

> Class-D

- Ang section ng lower class kung saan napupunta ang mga Type D ability User minsan nalalagay dito ang mga Type E Ability User na nag-improve ang ability.

> Special Rooms

- Classrooms ng mga improved Type E ability users na hindi pa pwedeng maconsider na Type D ability users.

Special Class

- Located sa East Wing. Divided into different rooms pero may 2 main sections ito, Class-C for Type-C ability users, Class-B for Type-B Ability Users. Territoryo ng DP or Dark Piece, Sila rin kasi ang nagpauso ng Chess System, akala kasi nila, sila na ang pinakamalakas. Not counting the Upperclass, bihira lang kasi magpakita ang mga ito, kaya they assume na sila na talaga ang pinakamalalakas.

Upper Class

- Located sa North Wing, kung saan matatagpuan ang forbidden zone. Divided on 2 main sections, the Class-A and S+ Class at Halos S+ Ability User ay under ng council kaya di sila gaanong mahagilap, kasi sila ang may responsibilidad para sa kaligtasan ng L.A. .

****

Okay yan muna ang ishe-share kong infos. inaagawan na kasi ako ng net ni ate eh... So hanggang jan lang muna ha? Anyway, Magtanong lang kayo, sasagutin ko pero di ako sure kung masasagot ko agad, basta sasagutin ko sa abot ng aking makakaya. Salamat sa pagiging patient sa paghihintay ng update, salamat.

Lost Academy Where stories live. Discover now