Lost Academy #86.1

67.2K 2.1K 973
                                    

(A/N: Continuation po ito nung L.A. #86 hindi ko isinali para makadagdag sa thrill. So guys brace yourselves, magsisimula na ang revelations ng L.A. Some of it may not make sense for now but when you piece it together magkakasense talaga siya. Enjoy!)

Lost Academy #86 (Tasks) Continuation

[THIRD PERSON]

"What was that?" nasabi nalang ni Asper sa sarili niya. Bigla nalang naglaho ang Kuya niya sa harapan niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman.

'Papano nangyari 'yon?' isip-isip niya pa.

Agad siyang nagpalingon lingon sa paligid niya habang iniisip na baka pinaglalaruan siya o di kaya'y minumulto na siya pero sigurado siya sa sarili niya na totoong nakita't nahawakan niya ang kuya niya. Hindi niya lang alam kung bakit naglaho nalang siya na parang bula sa harapan niya. Litong-lito man ay tinahak niyang muli ang dinaanan nila kanina tulad na rin ng sabi sa kanya ng 'kuya' niya. Sa kalagitnaan naman ng paglalakad niya ay ang biglaang pagsakit ng ulo niya. Napahinto siya doon at napadaing.

"Ahhh." Pakiramdam niya ay parang dini-driill ang bungo niya patungong utak at wala siyang magawa kundi sabunutan ang sarili. 'Anong nangyayari?' daing niya. Bigla bigla ay may mga imaheng pumasok sa isip niya na hindi niya malaman kung papaano at bakit. Paulit-ulit nalang, parati niya na lang nakikita ang mga pangyayaring ito.

Alice...Alice... Mahal kita...

Then a scene suddenly came out of her mind. Isang babae at isang lalaking nakatalikod sa kanya.

"Mahal kita....tandaan mo yan." sabi nung lalaki tapos bahagya itong lumingon. Kilala niya ang taong iyon at sa pagkakataong ito ay sigurado siyang Kuya niya ang lalaki pero nagtataka siya kung bakit. Bakit na tila ay tinatanaw niya ang pangyayari? Bakit pakiramdam niya nandoon siya? Hindi niya alam ang kasagutan pero sa pangalawang pagkakataon, nagbago nanaman ang nakikita niya.

Yung babae ulit na kamukha niya sa kweba, may gray itong na buhok at nasa gitna ito ng napakaraming bulaklak habang nasisinagan ito ng araw. Malungkot at parang nangungulila patuloy pa rin ang babae sa pagtatanong kung nasaan na ba ang papa niya o kung magkikita pa ba sila ulit. Hindi siya maintindihan ni Asper pero tulad din ng kanina, alam niyang nakatayo lang si Asper doon at nakatingin sa kanya pero sa pagkakataong ito, direktang nakatingin kay Asper yung babae. Nangangausap ang mga mata nito na parang nanghihingi ng tulong. Oo, kamukha niya nga ito pero hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakaiba nila. Ngayon niya lang talaga siya natitigan ng todo. Maya-maya pa ay inilahad nito kay Asper ang kanang kamay niya at may pilit na iniaabot. Bulaklak iyon at aabutin na sana ni Asper kaso may ibang kamay ang lumusot sa katawan niya na ikinagulat ni Asper.

Lost Academy Where stories live. Discover now