Azure's Explanation

101K 3.2K 680
                                    


Really Important Note:

I just wanted to say Hi and Congratulations to @Heyitsmeniella kasi sya lang ang bukod tanging nakaperfect ng 10 questions ko nung pinost ko kahapon. Ang galing mo! :))

Unfortunately walang second placer. Wala na kasing ibang nakaperfect eh.

Actually marami naman talaga ang muntikan ng maperfect. Thank you nga pala sa mga nagtry better luck next time. :))

And as promise. Here's the update. Though short update lang sya, importante parin sa flow ng story. ^^

zozozozozozozozozozozozo

*Zap's POV*

Vlad is here.

It shocked me to the core.

"ha? P-pano? How did you conclude that?" di makapaniwalang tanong ko kay Azure. Maging si Arzen man ay hindi makapaniwala.

"Matagal nakong naghihinala na nasa paligid lang si Vlad pero binalewala ko iyon dahil tulad niyo rin impossible ngang nandito si Vlad. Not until i talked to Asper." sabi niya.

"Anong sinabi niya?" tanong naman ni Arzen.

"She said may kuya siya, she calls him Kuya Axle. Dun nako sinimulang kinabahan. I asked her kung san sya ngayon tapos sabi niya hindi niya alam-" naputol siya ni Arzen sa pagsasalita.

"Hindi naman pala niya alam eh." sabi niya. Azure glared at him.

"Hindi pa ko tapos."

"And then ano?" I asked.

"Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, hindi niya alam, means, wala ring magiging clue ang council kung saan si Vlad ngayon." Tumango naman ako.

"Pero pano mo nga naconclude na nandito si Vlad?" i impatiently asked.

"dahil sa sunod na sinabi niya. She said na ang huling kita nila ng kuya niya ay nung hinatid sya dito." That stopped me from questioning.

"Kung nagkalakas loob si Axle na ihatid ang kapatid niya dito..." nanlaki naman ang mata ko sa narealize. "...Di malayong pumunta ulit sya dito.." pagpapatuloy ni Arzen.

"O hindi na sya umalis at hanggang ngayon binabantayan pa rin niya ang kapatid niya." sabi ko naman.

"Exactly. Yan ang point ko. Alam naman nating isang misteryosong tao ang nag-enroll kay Asper dito. Di ring malayong si Vlad yun." sabi ni Azure.

"Tama. Pero pwede ba yun? Pano niya naenroll si Asper dito ng hindi sya nakikilala ng Council? It was-Wait." sabi ni Arzen.

"No, May isang paraan pa." sabi ko.

"Naisip ko rin yun." sabi ni Azure.

"Ang Headmaster." sabi ko.

"Hindi kailanman sang-ayon ang Headmaster sa pinaggagagawa ng Council kaya nga lang wala rin syang pagpipilian kundi pabayaan nalang ang Council." sabi ni Azure.

"He wouldn't risk the lives of the student."

"So malamang Sya ang nilapitan ni Vlad dahil alam ni Vlad na salungat ang headmaster sa gawain ng Council. They formed an alliance." sabi ko.

"Kung totoo nga yan. Why take the risk? Bakit nakipagsabwatan ang headmaster kay Vlad para mapaenroll lang si Asper sa school? I mean for so long this school has been lock down at bibihira lang ang mga bagong estudyante. Maaalanganin ang Headmaster dyan at kukwestyunin sya ng Council. And surely ang ginawang nyang yun is an act of opposition." mahabang sabi ni Arzen.

"I don't know, Maybe Vlad has bigger plans and Asper is part of it." sabi ko.

"Alam niyo sa lahat ng to, sa lahat ng nalaman natin ngayon. Iisang bagay lang ang kinapipiga ng utak ko." sabi ni Azure.

"Ano?" sabay naming sabi ni Arzen .

"Ang totoong nangyari." sagot naman niya. "It is still a mystery to us three kung ano ba talaga ang nangyari kay Vlad."

"I agree. Masyadong malabo at nililiko tayo sa mga bagay bagay na di dapat natin malaman." sabi ko.

"Pero nalaman parin natin." sabi naman ni Arzen.

"Hey guys, Pano nga kung tama nga ang hinala ko? Na naligaw nga si Vlad at nangchix nalang instead na tuparin ang misyon niya?" biro ni Arzen. Tinapunan naman sya ni Azure ng unan.

"Magseryoso ka nga." sabi pa ni Azure.

"Eto naman oh. Malay mo? Hahaha. nakakita ng chix si Vlad sa ibang dimensyon tapos nakalimutan niya ang mission niya. Alam mo naman si Vlad. Matinik sa babae." Natawa nalang ako sa sinabi ni Arzen.

"Heh. Wag mo itulad si Vlad sayo." sabi ni Azure. Kung hindi ko lang talaga alam na magkaibigan ang talaga to, malamang inakala ko nang magsyota sila. xD

"Nakakatawa kayang isipin. Tamo ikokonek ko tong mga tong nasa mesa sa love story ni Vlad. hahahahaha. Si Vlad nakahanap ng chix sa ibang panahon tapos tapos.... hahaha. dinala niya sa may Lawa kasi romantic daw don sa ilalim ng buwan tapos tapos nag chuchuchu na sila dun. xD" Natatawang sabi ni Arzen. Nahawa naman kami sa kakatawa niya.

"Adik ka Arzen. Ilang lotion kaya ininom mo. Hahahaha." natatawang sabi rin ni Azure.

"Tapos eto pa, matapos magchuchuchu nila dun sa may lawa eh kailangan ng bumalik ni Vlad dito sa panahon namin. Alam niyo yung love story na love through time? Yung ganon sila." pagpapatuloy ni Arzen sa kwento niya.

"Baliw.Hahahahaha." sabi ko.

"Ano pa nga bang meron dito? Ah oo, Ang lawa... Hahaha. Dun daw dumive si Vlad para makabalik sa panahon natin, Parang parang--" Natigil sya sa pagsasalita niya nung tila may narealize sya. Natigil naman ako sa pagtawa maging si Azure rin.

"Anak ng! Pahiram nga niyan!" nagnamadaling sabi ni Arzen saka kinuha sakin ang mga papel na naglalaman ng tungkol sa lawa.

"Eto na nga!" sabi niya.

"Ha? Ano?" naguguluhang tanong ko habang si Azure naman nangunot ang noo.

"HAHAHA. Ang henyo ko talaga ang gwapo pa!" sabi ni Arzen.

"Kapal. Tsaka ano ba yan ha? Anong naisip mo?" tanong ni Azure

"Guys diba sabi niyo, Kayang inuetralize nung bulaklak ang kahit anong kapangyarihan?" tumango naman kami. "Edi malamang kaya din niya itong inullify." sabi niya pa.

Okay. Natigilan ako dun. "Edi kung kaya ring inullify ng Lake ang kahit anong ability, siguradong may koneksyon ang dalawa." sabi pa ulit ni Arzen.

"Nandon na nga tayo. Alam nating konektado ang Lake at ang Moons Flower or yung Irises Cave. Pero ang tanong in what way? Pano sila naging konektado?" tanong ni Azure.

"Palagay ko kasi ang Lawang yan ay

syang daanan patungo dyan sa Irises Cave? I mean, The Lake might be the passageway to reach that Irises Cave? diba?" sabi niya. Natahimik naman kaming tatlo.

"There's only one way to find out." sabi ko at tiningnan silang dalawa. And as if on cue, Nag-unahan kaming tumungo sa pintuan.

Ako ang unang nakahawak ng doorknob kaya ako rin ang nagbukas nito. Only to find myself face to face with Razor. O____O

Fuck!

"Pinapatawag kayo ng Council." sabi niya dahilan naman para magkatinginan kaming tatlo nila Arzen.

Double Fuck!

Lost Academy Where stories live. Discover now