Cat's Name and the Memory

102K 3.2K 618
                                    

WTF!!

Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa thought ba na may alam si Ella o ang thought na kapatid pala nung Eide si Ella. Kaya pala ganon nalang makareact ang isang yon!!

"Ella?"

"Sorry kung hindi ko nakwento sayo ang tungkol dito, but i swear, ngayon ko lang rin naalala. Pero hinid na yon mahalaga, ang importante ngayon ay kailangan kong mahanap si Rence. Aalis na ak-" nagmamadaling sabi niya.

"Teka, Wait!" pagtitigil ko sa kanya. Napahinto sya at lumingon sya sakin.  "Anong kina-"

"Im sorry pero kailangan kong hanapin si Rence." tapos tinalikuran niya ako ulit.

"Ano ba Ella! wala naman sigurong humahabol sayo ngayon diba?" sabi ko. Kailangan ko muna syang tanungin. Ano ba kasi talaga ang sitwasyon? Nakakalito eh!

Napabuntong hininga sya saka sya nag aalangang tumingin kay Sir Cile. Lumambot ang ekspresyon niya nang muli syang tumingin sakin pero bigla iyong nawala nang tumingin sya sa may likuran ko.

"I'm sorry, I really have to go." nahihintakutang sabi niya. Napalingon naman ako  sa likod only to find Rave, mukhang gigising na sya.

"Sir, Pwede bang icontinue nalang natin to some other time?" sabi ko. Tumango lang sya.

"Since narinig mo na ang kwento at mukhang curious ka naman sa susunod, i think thats your way of telling na payag ka na sa deal." nakangiti niyang sabi. Nanlaki naman ang mata ko. Ang wais! Nakakanganga ko nalang syang tiningnan habang naglalakad sya patungo sa hinihigaan ni Rave.

"Asper?" rinig kong sabi ni Rave.

"Rave." sagot ko nalang.

"Feeling better?" tanong ni Sir Cile kay Rave.

"Tss." tanging tunog na lumabas sa bibbig ni Rave saka niya hinilot hilot ang sentido niya. Ngumiti naman si Sir Cile.

"Sige, maiwan ko na muna kayo. Mukhang may kailangan pa kayong pag usapan." sabi niya at umexit na. O...kay? Bakit na-o-awkwardan ako ngayong kami nalang ang naiwan ni Rave? I mean, palagi naman kaming awkward sa isat isa pero right now, parang mas naging awkward sa side ko?

"Uhmm. Rave?" tawag ko sa kanya habang tinitingnan syang hinihilot ang sentido niya.

"Ano?" sabi niya. Kumuha ako ng upuan saka ko itinabi sa kamang inuupuan niya. humarap ako sa kanya at kinakabahang tinignan sya.

"Y-yung kanina, Anong n-nangyari?" tanong ko.

"bakit mo tinatanong?" balik niyang tanong sakin.

"Eh? Ako una nagtanong ah!" protesta ko. Tinigilan naman niya ang paghihilot sa sentido niya tapos humarap sya saakin. Pinitik niya noo ko saka sinabing...

"Siraulo ka."

"A-anong sinabi mo?!" inis na sabi ko.

"Siraulo ka." ulit niya pa. Anak ng- inulit pa talaga!! Nakakainsulto ah! Sakit sa bangs. Hmp!

Tumayo ako para sana sigawan sya kaso nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila papalapin sakanya saka niya ko niyakap ng mahigpit.. "Siraulo." ulit niya pa habang sinisiksik niya ang ulo niya sa may leeg ko.

O.O 

A-anong ka-ka-ka >////< ka-lokohan to!!!!

 "t-teka Rave." sasabat sana ako pero mas hinigpitan niya pa ang pagyakap.

Dubdub Dubdub

 Eto na naman ang feeling. Feeling Cloud Nine! >.< Tumagal kami sa ganong posisyon ng ilang minuto. Grabe, nakakatense! >///< 

Lost Academy Where stories live. Discover now