Lexa Who?

117K 3.2K 259
                                    

Kay Kayle po ang POV na'to gusto ko lang majustify ang decision niya. I hope after this maintindihan niyo na sya. Konting tiis na talaga guys. Malalaman niyo na talaga ang misteryo sa likod ng katauhan ni Asper. :)) thanks po sa pag-unawa, sa suporta at pasensya. Love you guys. :*

zozozozozozozozozozo

*Kayle's POV*

"Loyalty in exchange of Freedom? Hmmm. Mukhang magandang deal yan." sabi ni Mr. Xion. "Pero kaninong kalayaan ba ang hinihiling mo?"

"Kalayaan ni Asper Rij." sabi ko. Bahagya namang napataas ang kilay niya.

"Hindi mo ata alam ang sinusuong mo binibini." sabi pa niya.

"Alam ko sinasabi ko." matapang na saad ko. Papanindigan ko talaga ito. Ako ang nagpapasok sa kanya dito at dapat ako rin ang magreresolba nito.

"Pero alam mo ba kung anong pinapasok mo?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot.

Alam kong pagkakamali ang paglapit sa kanila, nun ko lang nalaman iyon nung binalaan ako ni Shaun. Pero nandito na'to hindi nako makakaatras pa.

Kapag kasi may alam ka na tungkol sa council. Sa ayaw at sa gusto mo kasapi ka na nila. Matapat ka man o hindi. Ganon ang pamamalakad nila.

Akala ko pa nga nung una, na layunin nila ang tulungan ang mga estudyante, yun pala layunin nilang i-exploit ang kakayahan ng bawat isa. Huli na ng malaman ko ang tungkol don.

Buong akala ko talaga kapag lumapit ako sa kanila, matutulungan nila si Asper. Nagkamali pala ako.

"Quite clever eh. Pero sige pagbibigyan kita. Her Freedom in exchange of loyalty.... hmmm. Magandang deal nga yun." Kumislap naman ang pag-asa kong matutulungan ko pa si Asper.

"Only if, matagpuan mo ang hinahanap namin. Ano? Tinatanggap mo ba?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Payag ako." determinadong sabi ko.

"Bweno. Kumalap ka muna ng impormasyon tungkol kay Axle Vladimir Rij o mas kilalang Vlad at titingnan ko kung anong pwede kong gawin." sabi niya. Parang nabingi naman ako, Axle Vladimir Rij?

"Kung totoo ngang kapalit ng kalayaan ng babaeng tinutukoy mo ay katapatan mo, pwes patunayan mo."

"Sa panong paraan?" tanong ko.

"Alam mo bang maraming impormasyon patungkol kay Vladimir Rij si binibining Asper Rij?" sabi niya.

"At ang pinupunto mo ay?"

"Gusto kong ibigay mo lahat sakin ang impormasyon na makukuha mo dyan sa kaibigan mo."

"Ano?"

"Aatras ka sa usapan?"

"H-hindi."

"Good. Makakaalis ka na. Bumalik ka dito kapag may nakalap ka ng impormasyon tungkol sa taong sinabi ko at pag-iisipan ko ang gusto mo." sabi pa niya at iwinasiwas ang kamay niya na pawang pinapaalis nako.

Nagmadali naman akong umalis at napasandal sa pader.

Napa-isip nalang ako bigla... Ano ba tong napasok ko?

I've gone this far to help her... Bakit ko nga ba ginagawa 'to? Tinatali ko ang sarili ko para sa kanya? Tsk. Ang swerte niya talaga. Pasalamat ka talaga Asper, mahal ko mga kaibigan ko. tsk.

Lumakad nako paalis sa lugar na yun... Feeling ko kasi masusuffocate nako pagnagtaggal pa ko.

If only i knew, I'm dealing with the devils.

"Kaaaaaayle my beloved!" Nagitla ako nang may tumawag sakin. si Ashley.

"Oh Ashley." bungad ko sa kanya.

Lost Academy Where stories live. Discover now