Lost Academy 7: Bedridden

182K 5.3K 268
                                    

CHAPTER 7: BEDRIDDEN

[ASPER]

"May tao?" Matapos kong makita ang kumukutitap na ilaw na iyon ay isang malamyos na boses ng babae ang narinig ko which made me stopped from struggling. I am already neck deep inside the fog and I know right then that my struggling is futile.

"Aalis ka na?" Narinig ko ulit yung boses ng babae na pawang nalulungkot. Nakatuon na lang ngayon ang pag iisip ko sa isang boses na nakakakalma ng damdamin.

     I felt the urge to get closer to her kaya naglakad akong binabalewala ang maaaring maging epekto ng fog pag nakaabot sa ulo ko yun. Biglang napuno ng kuryusidad ang pagkatao ko sa boses na umalingawngaw sa aking pandinig.

"Hindi." sagot ko sa boses na sa palagay ko sa isip ko lang ako kinakausap. Napakacreepy ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan ang boses.

"Talaga?" masayang sagot naman niya.
"Saan ka ba?" tanong ko.

"Magtiwala ka sa puso mo." sabi niya pa. Magtiwala sa puso ko? Ano ba ang puso ko driver o mapa?

       Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad patungo sa pinakamadilim na parte. Pilit iniintindi ang sarili ko kung bakit ko ba sinusundan ang boses.

Napahinto na lamang ako sa paglalakad nang bumangga ako sa isang pader. Lunod na ang katawan ko sa fog pero nakapagtatakang okay pa rin ako. Kayle's information must be inaccurate.

Kinapa ko ang nabangga kong pader only to find out that, it wasn't that. Kahoy yung nabangga ko dahil tumunog iyon nang sinubukan kong katukin. Kinapa ko pa ulit to confim my hunch and I was right, it was a door. Nakumpirma ko iyon nang may makapa akong doorknob.

Walang anu-ano pa'y binuksan ko na ang pinto. Agad na sumalubong sakin ang nakakabulag na liwanag na syang dahilan para maitakip ko ang kanyang braso ko sa mga mata ko. "Nasobrahan ata ang pailaw dito." bulong ko sa sarili ko.

      'No wonder, walang ilaw ang hallway kanina.' I internally joked.

Humakbang ako papasok sa loob ngunit napalingon agad ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa likod ko. Kasabay naman noon ang pagklaro ng paligid dahilan upang mapatingin ulit ako sa harapan, not minding the door anymore.

      As my eyes retain its focus I saw something peculiar. There, in between the white sheets of a huge bed in the middle of the room, I found a little girl smiling at me.

"Ikaw na ba iyon?" Ngumiti sya sakin tsaka bumangon. I also smiled at her to return the favor tsaka ako lumapit sa may side ng kama niya. May upuan na palang nakahanda roon kaya umupo nako.

Tinitigan ko ng maigi ang bata. She looks like she's a bit younger than me with light brown shoulder length hair, thin lips at mayroon siyang bilugang mukha na bumagay din sa bilog niyang mga mata. Nakapantulog lamang siya na dress. What makes her peculiar was that, she's white just like a piece of white paper. She's too pale and fragile.

"Are you sick?" I noticed how her lips formed a thin line. "Sorry, if it offended you in any way."

"Asper?" tawag niya sakin na ikinagulat ko naman.

"Alam mo pangalan ko?"

"Tinawag ka ng kaibigan mo ng Asper." saka siya tumawa ng mahina kaya napatawa nalang din ako. Oo nga naman, makailang beses nila akong tinawag kanina.

       Humilaw naman ang tawa ko nang hindi ko maintindihan kung paano niya iyon narinig? Napakakapal ng pinto and aside from that, I don't see any devices that lets her hear us from the outside. Must be her ability.

Lost Academy Where stories live. Discover now