Lost Academy #85

55.8K 1.9K 493
                                    


Lost Academy #85 His POV 

[LEY/RAVE]

Nang makaliko ako sa pasilyo ng north wing ay agad akong huminto at sumandal sa pader para sana makiramdam at makinig sa usapan nila. Gusto kong siguraduhing mag-uusap lang sila at yun lang dahil wala akong tiwala kay Vlad, baka ilayo niya si Asper ng hindi ko nalalaman kaya't mas mabuti pang dito muna ako. Naalala ko ang sinabi niya noon, ilalayo niya si Asper hanggat sa maaari dahil yun ang paraan niya para protektahan ito. Ipinaubaya man niya si Asper pero hindi ko maibibigay ang isang daang porsyentong tiwala sa kanya. Mahirap na.

Napabuntong hininga nalang ako ng wala akong marinig na boses nila saka inilabas ko ang kwintas na may nakasabit na singsing sa may leegan ko at matiim itong tinitigan. Ano kaya ako ngayon kung hindi nangyari yung nangyari? Aabot ba ako sa ganito? Maririnig ko pa ba si Sambre hanggang ngayon? Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko, may tungkulin ako na dapat gawin. Napapikit ako at pinakiramdaman kung naroroon pa sila, naramdaman ko naman ang presensya nila ngunit may kakaiba.

"I'm sorry for not telling you the truth and for leaving you here." idinilat ko na ang mata ko sa pagkakataong ito. Sumunod muna ang mahabang katahimikan bago ko narinig ang munting tinig ni Asper.

"Namiss kita." sabi niya. Naging hudyat naman yon para umalis na ako sa pwesto ko. Hindi ko na kailangan marinig pa ang kasunod ngunit sa bawat hakbang ko ay parang bumibigat ang kalooban ko sa mga naiisip.

'Magkapatid sila Rave.' bulong ng isip ko.

"Right." nasabi ko nalang habang binabaktas ang daan patungong kabilang department. Napahinto lang ako ng may parang humahatak sa slacks na suot ko. WTF. Yung walanghiyang aso sumunod sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin at winasiwas ko ang kanang binti ko para tanggalin ang pagkakakagat niya doon.

"Ano bang problema mo?!" singhal ko dito na para namang naintindihan nito at bumitaw na sa pagkakakagat sa slacks ko. "Pinagsawaan ka ng manok na yon no? Kaya ka pinaalis." pang-iinis ko sa aso. Muli ay kinagat niya ang slacks ko. Tingnan mo nga naman, marunong pala magalit ang aso.

"Walanghiya kang aso ka. Tantanan mo na ako!" singhal ko ulit agad naman itong bumitaw. Maya maya pa'y nagpaikot-ikot ito saka tumahol at tumakbo papalayo. Buti nga. Akala ko natakot ko na kaso bumalik pa ito sa akin at kinagat ulit ang slacks ko sa paraang hinihila na niya ako sa direksyong tinakbuhan niya kanina. Pambihira talaga!

"Oo na!" inis kong sang-ayon at sumunod sa kanya. Ano bang problema ng asong 'to?!

Sinusundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa maliit na hardin malapit sa papasok sa building ng mga Guardian's. Wag mong sabihing, guardian ang asong 'to? Kaya pala parang naiintindihan ako.

'Malas talaga!' nasabi ko nalang ng mapansin ko ang butas sa slacks ko. Pumangko ako para matingnan ko ito ng maigi. Ininspeksyon ko ito ng mabuti. Butas nga. Tiningnan ko ang aso ng masama pero parang sa kaloob-looban ng asong 'to ay tinatawanan na ako. "Ikaw-!" naputol ang sasabihin ko sana sa aso nang may biglang sumigaw.

"Eros!" boses ng batang lalaki. Napalingon naman agad ang aso sa direksyon ng bata at tumahol tsaka sinalubong ang amo. Ako din ay napalingon sa batang lalaking papalapit sa kinakapangkuan ko. Nang makalapit ito sa akin ay tumayo na ako at nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ang bata. Maitim ang buhok nito't mga mata na malamig din ang titig sa akin. Bahagya siyang natigilan ngunit agad niyang iniiwas ang tingin niya sa akin na parang wala ako doon. Napamaang nalang ako sa inakto niya.

"Stupid dog." inis na bulong niya sa sarili. "Tara na." aya niya doon sa aso na sumunod lang din sa kanya. Tinanaw ko nalang sila habang nawawala ang batang lalaki sa paningin ko.

Lost Academy Where stories live. Discover now